"What happened po, Tita?" tanong niya nang sagutin ang tawag ng dating stepmother niyang si Emma, ang Mommy ni Eliana.
"Naku, Sebastian, pasensya ka na. Alam kong dis-oras na ng gabi at tinawagan pa kita," paumanhin nito sa kanya.
"It's okay po, Tita. What happened po ba? May nangyari po ba?" magalang niyang tanong at lumabas siya ng silid kung saan may kasama siyang babae.
"Sebastian, itong si Ellie kasi wala pa rin hanggang ngayon. Madaling araw na, nag-aalala na ako sa batang iyon," sabi ng ginang.
"Ano po? Saan po ba nagpunta si Eliana?" gulat niyang tanong. Hindi niya naiwasang mag-alala.
"Natawagan ko siya kanina at ang sabi niya nasa isang bar siya kasama ang mga kaibigan niya. Sinabihan ko na siyang umuwi agad, pero hanggang ngayon wala pa siya. Sinubukan ko siyang tawagan ngayon lang, hindi naman siya sumasagot," litanya ng ginang. "Nag-aalala lang kasi ako, Sebastian. Hindi naman sanay si Ellie na magpagabi sa labas, lalo na hanggang madaling araw," dagdag pa nito.
"Don't worry po, Tita. Ako na lang po ang hahanap kay Eliana. Saang bar po ba siya nagpunta?" tanong niya.
"Naku, Sebastian, pasensya ka na talaga ha. Hindi na rin kasi ako makalabas ng bahay ng ganitong oras, baka magalit si Arthur sa akin," sabi pa nito.
"It's okay po, Tita. Ako na po ang bahala kay Eliana," sagot niya rito.
"Salamat talaga, Sebastian," sabi nito at sinabi kung saang bar niya matatagpuan si Eliana. "And Sebastian, may isa pa pala akong pakiusap sa iyo," dagdag pa nito.
"What is it po, Tita?" tanong niya.
"Pwede ba sa isa sa mga hotel mo muna patuluyin si Ellie? Ayokong umuwi siya ng ganitong oras at malaman pa ni Arthur. Ayokong magalit si Arthur kay Ellie," may pag-aalala sa boses ng ginang.
Humugot siya ng malalim na paghinga at tumango na parang nakikita siya ng kausap sa kabilang linya.
"Don't worry po, Tita. Tatawagan ko na lang po kayo once na masundo ko na si Eliana," sabi niya at nagpaalam na.
Muli siyang napabuntong-hininga at mariing ipinikit ang mga mata. Minasahe pa niya ang sentido habang nakapikit.
"Babe," tawag sa kanya ng kasama niyang babae kaya nagmulat siya.
"May problema ba?" tanong ni Marjorie na hindi niya namalayang lumabas pala ng silid. Naglalakad ito palapit sa kanya.
Bago pa tumawag ang Mommy ni Eliana, nasa loob na sila ng silid ni Marjorie. Si Marjorie ay artista sa isang TV network, pero hindi pa ganoon kasikat kahit lagi naman itong may show. Nagkakilala sila ni Marjorie through friends of friends at pareho naman silang interesado sa isa't isa kaya umabot sila sa ganito. Palihim silang nagkikita para sa arrangement nila.
Bago pa man niya pinapasok sa buhay niya si Marjorie, malinaw na ang usapan nila. Kung ano lang ang meron sila, hanggang doon lang. Walang expectation, walang habulan. S_x lang ang pwedeng mamagitan sa kanila at hindi sila pwedeng lumagpas doon. Walang pakialaman sa personal na buhay. Kapwa sila malaya na gawin ang gusto nila. Pwede silang makipagrelasyon kung gusto nila. Tumagal na ng dalawang taon ang setup nila hanggang naging Congressman na siya at nagpapatuloy pa rin ang ganito nila ni Marjorie.
Okay naman sa kanya si Marjorie dahil hindi ito nagbibigay ng sakit ng ulo. Pa-sweet ito sa TV kaya inaakala ng marami na demure ito, kaya takot din itong malaman ng publiko ang tungkol sa kanila. Kung may inaalagaan itong pangalan sa publiko, mas lalo na siya dahil Congressman na siya ngayon. Ayaw niyang matulad sa ibang pulitiko na laging iba-iba ang babae.
"Busy?" tanong ni Marjorie nang malapitan siya.
Napalunok pa siya at pinilit na iwasan ang tingin sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at normal na maakit. Lalo na't alam niya kung gaano kagaling si Marjorie pagdating sa ganoon.
"I am sorry, Marjorie, I need to go," sabi niya rito.
"Oh... can I stay here for a while?" tanong nito.
"Sure, sure," sagot niya at naglakad na papunta sa silid para maligo saglit bago magbihis.
Nasa isa sa VIP rooms ng hotel sila ni Marjorie. Ang silid na ito ang naging tagpuan nila tuwing kailangan nila ang isa't isa. Alam ni Marjorie ang role niya. Alam nitong hanggang doon lang sila. Aware ito na bawal mag-demand sa oras niya at hindi pwedeng makialam sa personal niyang buhay. Ganoon din siya rito. Alam nilang pareho kung saan ang off limits nila. Hindi sila magtatagal ng dalawang taon kung hindi niya gusto ang ugali nito o kung nakikialam na ito sa buhay niya.
Mabilis siyang naligo at nagbihis, at lumabas na ng silid. Naabutan niyang umiinom ng wine si Marjorie sa may sala. Sanay ito sa ganoon kaya balewala na rito iyon. Kung gaano ito ka-sweet at balot na balot sa mga palabas nito, kabaliktaran naman sa personal, lalo na kapag silang dalawa lang ang magkasama.
"Aalis na ako," paalam niya kay Marjorie na hawak ang bote ng wine.
"Huwag kang maglalasing," sabi niya.
Nagtaas lang ito ng kamay sa kanya. Tumango siya at lumakad na palabas ng hotel room.
Pagsakay niya ng elevator, sinilip niya ang luxury watch sa pulso para tingnan ang oras. Mag-aala-una na ng madaling araw.
"This is not right, Eliana," bulong niya at napahigpit ang panga.
Hindi niya inaasahan ang ganitong behavior kay Eliana. Nakita niya kung paano ito lumaking mabuting bata at may takot. Nang magdalaginding ito, hindi niya nakitaan na magiging typical teenager ito na nagpa-party hanggang madaling araw. Pero mukhang nagkamali siya. Seventeen pa lang si Eliana, nagsisimula na itong mag-party hanggang madaling araw, bagay na hindi niya gusto.
Kahit hindi na niya stepsister si Eliana, concerned pa rin siya rito. Ayaw niyang maging liberated ito, lalo na't naging malapit ito sa Papa niya at itinuring ito ng Papa niya na parang tunay na anak.
Mula nang mag-asawa ulit ang Tita Emma na Mommy ni Eliana, sinabihan siya nito na kung sakaling mangailangan ng tulong si Eliana, tulungan daw niya. Dahil wala na raw ibang malalapitan si Eliana. Kahit hindi naman sabihin iyon, gagawin pa rin niya. Gusto niyang tulungan si Eliana kahit hindi na niya ito stepsister. May espesyal na lugar sa kanya si Eliana, noon pa man.
Mag-isa siyang umalis at hindi na nagsama ng security o driver. Hindi siya natatakot sa seguridad niya, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.
Pagdating sa bar, nagsuot muna siya ng itim na cap para hindi agad makita ang mukha niya. Bilang Congressman, hindi siya dapat makita sa ganoong klaseng lugar. Hindi makakatulong sa political career niya ang pagpunta sa maiingay na lugar tulad ng bar.
Naging mabilis ang kilos niya at matalas ang mga mata habang hinahanap si Eliana sa siksikan at maingay na lugar. Halos lahat ng kabataang naroon ay nag-iinuman.
"You should not come here, Eliana. This is not the right place for you," bulong niya habang patuloy sa paghahanap.
May nakabunggo pa nga sa kanyang babae na agad niyang iniwasan dahil baka nais lang nitong magpapansin. Dapat niyang iwasan ang madikit sa mga naroon at baka may makakilala sa kanya at kung ano pa ang isipin.
Sa tiyaga niyang hanapin si Eliana, sa wakas ay natagpuan din niya ito. Hindi nga lang niya ito malapitan agad dahil may mga kasama ito. May mga lalaki itong kasama at ang isang lalaking may pagka-Chinese ay halos nakadikit na kay Eliana. Ang kamay ng lalaki ay nasa bewang pa ni Eliana at parang balewala lang iyon kay Eliana na masaya pa habang umiinom.
"Damn it, Eliana," mura niya.
Kung pwede lang, lalapitan na niya si Eliana sa mesa nito at itutulak ang lalaking nagte-take advantage kay Eliana, gagawin niya. Pero paniguradong headline siya bukas sa buong bayan kapag ginawa niya iyon.