bc

Between Vows and Desire

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
arrogant
badboy
mafia
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

When Sister Carol, now a devoted nun, crosses paths with her ex-lover Daryl—now a mafia lord—the flame of forbidden desire reignites.Ngunit sapat na ba ang pag-ibig sa pangalawang pagkakataon para makalimutan ang kanilang mga sugat sa nakaraan?O muli silang paghihiwalayin ng mga anino ng mga landas na pinili nila?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ABALA si Sister Carol sa pagliligpit ng mga gamit. Huling araw na nila sa isang liblib na lugar sa Mexico para sa isang medical mission. Ngunit nang marinig niya ang mga yabag sa labas ng tent ay natigilan siya. At bago pa man siya makakilos ay bigla na lang may pumasok na mga lalaking may hawak na iba't ibang arm*s tulad ng mga bar*l at kuts*lyo. Agad na hinalungkat ng mga ito ang mahahalagang gamit niya. Sinira at inihagis sa labas ang sa tingin ay mga walang pakinabang. Sa tantiya niya ay nasa edad na bente hanggang kuwarenta anyos ang mga ito. May mga tattoo at mga marka sa katawan. Ang ilan sa mga ito ay nakasuot ng maskara, mga sombrero, at mga jacket na may mga logo na hindi niya maintindihan. Kinabahan si Sister Carol. Sa hitsura pa lang ng mga lalaki ay mukhang mapanganib na! "No te muevas, p*ta!" Don't move, b***h! sigaw ng isa sa mga armadong lalaki nang akmang kikilos siya para kunin ang bag niya na may lamang mahahalagang dokumento, sa salitang Mexican. Mabilis na hinawakan ang braso niya at pinilipit sa likod. Napangiwi siya sa sakit pero hindi siya makaimik dahil sa takot. Sister Carol's trembled as the man smirked at her. Kinikilabutan siya sa mainit na hininga nito na tumatama sa balat niya. Lalo siyang nanginig sa takot nang marinig niya ang malalakas na putok ng bar*l sa labas. Kaagad siyang nag-alala para sa mga kasamahan niya. Kinaladkad siya palabas ng lalaking may hawak sa braso niya. Napasigaw siya nang bigla itong magpaputok ng bar*l nang makita ang isang grupo pa ng mga lalaking dumating at nakipagbar*lan sa naunang grupo. Bagaman at iilan lamang ang mga ito, mas disente at maayos naman ang suot. They were dressed in tailored black suits, Homburg hat, bow ties, and polished shoes. Gayon man ay nakakatakot pa rin silang tingnan dahil sa malalaking bar*l na hawak din ng mga ito. Nagpumiglas si Sister Carol nang makita niyang sinasaktan ang isang doctor na kasamahan niya. Sinubukan niyang makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki ngunit itinulak siya nito sa lupa at tinutukan ng bar*l. Napapikit na lang siya sa pag-aakalang iyon na ang katapusan niya. Lord, Ikaw na po ang bahala sa akin. Kung ito na ang katapusan ko, tatanggapin ko. Iligtas Mo lang ang mga kasamahan ko. They are good people, and they don't deserve to die. Especially not like this. Tahimik na nagdadasal si Carol nang makarinig siya ng isa pang putok. At kasunod niyon ay ang pagbagsak ng kung sino sa tabi niya. Mabilis siyang dumilat. And her eyes widened in shock nang makita niya ang lalaking may hawak sa kaniya kanina. Nakahandusay sa tabi niya. Bloodied and lifeless. She was unable to process what had happened and remained frozen in place. She did not know what to do. At bago pa man siya makahuma ay may humawak na sa kamay niya at mabilis na hinila siya palayo sa lugar na iyon. Dahil sa labis na pagkabigla kaya sunod-sunuran na lang siya. Saka lang bumalik ang reaksiyon ni Sister Carol nang mapatitig siya sa lalaking patuloy na nakikipagbar*lan sa mga kalaban habang pilit siyang inilalayo. "D-Daryl?" hindi makapaniwalang bulalas niya habang titig na titig dito. Malamig at walang emosyon na tumingin ito sa kaniya. "What?" "A-ano'ng what? Hindi mo ba ako natatandaan?" Napansin ni Sister Carol ang bahagyang pagtaas ng isang kilay nito sa narinig nitong tanong niya. "Gusto mo talaga na sa ganitong sitwasyon ko pa ipaalala sa'yo kung sino ka sa'kin noon at kung paano mo sinira ang buhay ko?" tanong nito. Sister Carol was stunned. Hanggang ngayon pala, wala pa ring ideya si Daryl sa totoong dahilan ng pagpasok niya sa kumbento noon. "Vamonos! Tenemos que salir de aqui ahora!" Let's go! We have to get out of here now! untag sa kaniya ni Daryl nang may dumating pa na mga sasakyan at pinaputukan din sila. Mukhang kasamahan ng mga naunang grupo dahil iisa ang kasuotan ng mga ito. Pinalibutan sila habang patuloy ang pag-ulan ng mga bala sa paligid. Bagaman at napansin niya na pinoprotektahan sila ng mga kasamahan ni Daryl, kulang na kulang ang bilang ng mga ito para maging patas ang laban. "Boss D! Kailangan na nating umalis! Tagilid tayo!" narinig niya na sigaw ng mga kasamahan ni Daryl na katulad nila ay mga Filipino rin pala. "Retrocedan! Retrocedan!" Fall back! Fall back! agad naman na sigaw ni Daryl sa lahat ng mga kasamahan nito habang sumesenyas na aalis na. At saka siya nito hinila palayo ngunit nagpumiglas si Sister Carol. "Hindi ko puwedeng iwanan ang mga kasamahan ko," mangiyak-ngiyak na saad niya nang makitang bihag ng mga kalaban ang mga kasamahan niya. "I have to do something," malumanay na wika pa niya sa kabila ng takot at pag-aalala. "I don't give a damn. Ikaw lang ang ipinunta ko rito kaya wala akong pakialam kung mamatay man lahat ng mga kasamahan mo," matigas ang boses na wika nito. Hindi naman makapaniwalang napatitig dito si Sister Carol. "W-what happened to you?" Napatingin siya sa bar*l na hawak nito. Sa mukha nito na may talsik ng sariwang dugo na hindi man lang pinunasan na para bang normal lamang iyon. "I-ikaw ba talaga 'yan, Daryl?" He stared coldly at her. Bagaman at walang salita ang namutawi sa bibig nito, sapat na ang malamig na titig na iyon para bumilis ang t***k ng puso niya. "Let's go! Kailangan na nating umalis dito," kapagkuwan ay sigaw ni Daryl habang hinahatak si Sister Carol dahil muli silang pinaulanan ng bala. "No, I won't leave." Tiningnan niya ito na humihingi ng pag-unawa. "Kung gusto mong umalis, umalis ka na. Pero hindi ko iiwanan ang mga kasamahan ko. Ako ang nagdala sa karamihan sa kanila kaya hindi ko sila puwedeng pabayaan na lang." Malakas na hinila niya ang kamay kaya nabitiwan siya nito. "You can't help them if you're dead!" Mabilis namang hinabol at mahigpit na hinawakan uli ni Daryl ang kamay niya. "We have to leave and plan a way to save them." "No. I'm not leaving without them," umiiyak nang giit ni Sister Carol. "Please, umalis ka na at iwanan mo na ako." "Pipiliin mo talaga sila? Like you chose God over me? Over us?" puno ng pait na wika ni Daryl. "Fine! Stay here and wait for death then!" Binitiwan nito ang kamay niya at galit na tumalikod habang kasunod ang mga kasamahan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.8K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
54.6K
bc

Hate You But I love You

read
64.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Ex-wife

read
233.4K
bc

Governor Hidden Mistress

read
6.3K
bc

Lara's Seduction

read
173.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook