BEST OF FRIENDS

1698 Words
Nine years ago... MABIGAT ang katawan na bumangon si Carol mula sa napakalambot niyang kama. Hindi dahil tinatamad siya nang araw na iyon kundi sa literal na bigat ng kaniyang katawan. In short, sa katabaan niya. Actually, paiba-iba ang palayaw sa kaniya ng mga tao tulad ng: tabachingching, chubby, healthy, dambuhala... at cute. Simula pa lang noong bata si Carol ay madalas na siyang tampulan ng tukso dahil sa pangangatawan niya. Pero ni minsan ay hindi niya sinubukan ang magpapayat o mag-diet man lang. Kasi ang sabi ng kaniyang mga magulang ay mas okay na raw iyong ganoon siya. Atleast, wala daw ang magkakamaling manligaw sa kaniya. Natatakot kasi ang mga ito na magka-boyfriend si Carol dahil baka maudlot ang pagmamadre niya. Oo. Bata pa lang siya ay alam na niyang darating ang araw na mahihiwalay siya sa mga magulang para maglingkod sa Diyos. Hindi pa man daw kasi siya noon ipinagbubuntis ay inialay na siya ng kaniyang mga magulang sa Diyos bilang 'pambayad kasalanan'. Parehoong nasa kumbento at seminaryo noon ang mga magulang ni Carol nang magkagustuhan. Kaya bilang kabayaran sa pagtalikod sa mga tungkulin ay nangakong ang magiging anak na lamang ang ang magpapatuloy sa naiwang tungkulin. Aminado si Carol na noong una ay may pagtutol siyang naramdaman sa kaniyang puso dahil pagiging teacher talaga ang pinaka-una niyang maging. Humahanga kasi siya sa mga magulang niya na parehong college professors. Pero dahil masunuring anak ay um-'oo' si Carol. At isa pa ay wala naman siyang nakikitang mali kung maging tagapaglingkod man siya ng Diyos. Kaya kinalimutan niya ang totoong gusto ng kaniyang puso. Kahit paminsan-minsan ay nakakaramdam siya ng pag-alinlangan. Napabuntong-hininga ang eighteen-year old na dalaga bago hinahapong bumaba ng kama at ilang sandaling nagdasal sa harap ng altar. Pagkatapos ay pumunta ng banyo para maligo. Linggo ngayon at araw ng pagsisimba. Hindi siya puwedeng pumalya sa pagsisimba dahil miyembro siya ng church choir. Pagkatapos maligo at mag-ayos ng sarili ay masaya nang bumaba si Carol. Naabutan niyang naghahanda ng almusal ang kaniyang Mommy Alessandra at ang kaniyang Daddy Arnold naman ay nagkakape. "Hmmm. Amoy pa lang ula-lam na, ah!" nakangiting wika ni Carol at saka lumapit sa mga magulang. "Good morning, sweetie!" sabay na bati ng mga ito sa kaniya saka siya niyakap. Palibhasa'y solong anak siya kaya punong-puno ng pagmamahal. "Ito ang mami-miss ko kapag pumasok na ako ng kumbento," nalulungkot niyang saad habang tinitikman ang niluluto ng kaniyang Mommy na home made embutido. "Mami-miss ka namin pero sigurado namang mapapaganda ang buhay mo doon kasi malapit ka sa Diyos," tugon naman ng Mommy niya. "Wala ka naman sigurong boyfriend na hahabol, 'di ba, kapag dumating ang araw na 'yon, anak? Ilang buwan na lang at ga-graduate ka na ng senior high school," panunudyo ng Daddy niya. Biro iyon pero alam ni Carol na may bahid iyon ng paalala. Hindi man aminin ng kaniyang mga magulang ay nararamdaman naman ni Carol na ayaw na ng mga ito na ulitin niya ang 'pagmakamali' nila. "Si Daddy talaga. Huwag po kayang mag-alala dahil hindi uso sa'kin ang pag-i-pag-ibig na 'yan," puno ng kasiguruhan na sagot niya. Iyon naman talaga ang totoo. Dahil nag-debut na lang siya lahat-lahat pero kailan man ay hindi nagka-interes sa mga lalaki si Carol. Dahil bukod sa imposible rin namang magustuhan siya ng mga ito dahil sa katawan niya ay talagang isinara na niya ang puso para sa ganoong bagay. Ni hindi nga niya alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'love' pagdating sa kaniyang opposite s*x. Hindi rin siya aware sa kung ano ang dapat na maramdaman para masabing in love ka sa isang lalaki. Matagal na niyang tinanggap sa kaniyang sarili na tatanda siyang dalaga at tanging ang pagmamahal lang sa Diyos ang paglalaanan niya ng buhay. Saktong katatapos lamang nilang kumain nang may dumating na bisita mula sa katabi nilang bahay. At home na at home itong pumasok at sumilip sa kanila. "Good morning po!" Ang maaliwalas na mukha ng best friend ni Carol ang sumalubong sa kaniya sa b****a ng kusina na ikinangiti niya. He's Daryl Eirik Andreassen o Daryl for short. Sadyang kakaiba ang tunog ng pangalan nito dahil isa itong Filipino-Norwegian. Hindi lang din ang pangalan ni Daryl ang naiiba kundi maging ang hitsura nito na namana sa amang foreigner. He has fair skin, dark brown hair, and green-brown eyes. He was also exceptionally tall compared to other man his age. Para nga lang siyang bunso nito kapag magkasama sila kahit magka-edad lang naman silang dalawa. Lalo na sa tuwing inaakbayan nito si Carol. Kung hindi lang siya mataba, mapagkakamalan talaga siyang bunsong kapatid ng best friend niya. Iyon ang mga katangian ni Daryl ang madalas na dahilan kung bakit ito habulin ng mga babae. Idagdag pa ang pagiging sweet ng binata. Kaya kahit sinong babae talaga ay hindi kayang i-resist ang ka-guwapuhang taglay nito. Dahil kahit si Carol man na kababata ni Daryl at hindi mahilig tumingin sa mga lalaki ay guwapong-guwapo dito. "MUKHANG napalaban ka na naman, ah?" nakangising biro sa kaniya ni Daryl at saka pinisil ang mga baby fat niya. Tinampal niya ito nang mahina sa braso. "Tse! Ang aga-aga mong mang-asar." Kunwa'y nagtatampo niya itong tinalikuran. Sumunod na siya sa mga magulang niya papuntang garahe. Doon niya nakasalubong ang kaniyang Ninang Monica at ina ni Daryl. Kasunod naman nito si Thore na bunsong kapatid naman ng binata. Elementary pa lamang sila noong namatay ang Daddy ni Daryl. Ang pagkakaalam ni Carol ay namatay ito sa isang uri ng sakit na walang lunas. Bago tuluyang sumakay ng sasakyan ay hinarang siya ng best friend niya. Sinapo nito ang nakasimangot niyang mukha at tinitigan siya. As he stared at her, his friendly eyes suddenly changed into sadness. "Joke lang 'yong sinabi ko sa'yo kanina. Para namang hindi mo alam na cute na cute ako sa'yo. Sorry na, please?" Her heart was began to skip a beat. Ganoon ang epekto sa kaniya ng pagkakalapit nilang dalawa ni Daryl. At hindi niya alam kung bakit. "S-sige na nga. Pasalamat ka at Linggo ngayon, bawal magalit." He opened his arms. "Then hug me..." "Mamaya na lang sa church. Kapag nag-'peace be with you' na," biro ni Carol at saka niya binunggo ng kaniyang tiyan si Daryl kaya napaatras ito nang kaunti. Napakamot ito sa ulo. "Grabe! Ang powerful talaga ng tiyan mo, cute." "Talagang cute ako. Bakit? May ganito ba silang tiyan?" pagbubuhat niya ng sarili bago gumiling-giling. Bilang best friend ni Daryl, malakas ang loob niyang magloka-lokahan. Nakakalimutan niya ang insecurities sa katawan kapag ito ang kasama niya. Lalo pa't alam niyang si Daryl lamang, bukod sa pamilya niya, ang nakakakita ng tunay niyang kagandahan. Kunwari lang siyang nagtatampo kapag inaasar ni Daryl dahil ang totoo ay sanay na siya sa pagiging alaskador nito. Alam din naman kasi ni Carol na paraan lang iyon ng kaibigan niya para lambingin siya. Dahil katunayan, ito pa ang numero unong tagapangtanggol niya kapag may nanlalait sa kaniya. "Oo na po! Wala ng kokontra diyan," ngingiti-ngiti na pagsasang-ayon ni Daryl bago siya inakbayan. Mayamaya pa ay sakay na sila ng kanilang van. Ganoon sila tuwing Linggo, sabay-sabay na nagsisimba. Hindi man sila tunay na magkadugo ay para na rin silang iisang tunay na pamilya. Matalik na magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang. "GUWAPO na ba ako, cute?" tanong sa kaniya ni Daryl bago sila pumasok sa simbahan. Inaayos nito ang buhok na nanigas dahil sa inilagay na hair wax. She simply frowned at him. Alam na niya kung bakit ito nagpapa-pogi. Kasi crush ni Daryl ang bago niyang kasama sa choir na si Briella. Maganda at sexy ang dalaga kaya hindi na siya nagtataka kung bakit iyon nagustuhan ng best friend niya. Iyon nga lang ay parang may kakaiba sa babae na hindi niya maipaliwanag kung ano. Para kasing sumasakit ang dibdib niya kapag nakikita niyang kasama ito ni Daryl. Minsan nga ay nasusungitan pa niya si Briella nang walang dahilan. "Natulala ka na diyan. Ngayon mo lang ba na-realize kung gaano ako ka-guwapo?" untag nito sa kaniya sa nanunuksong boses. Nameywang siya at pinandilatan ito. "Alam mo, guwapong-guwapo naman talaga ako sa'yo. Kaso puno ka lang ng yabang sa katawan. Alam mo 'yon?" Napahawak ito sa dibdib at umarteng nasasaktan. "Napaka-harsh mo naman, Carol. Hindi mo ba alam na nasasaktan din ang mga tulad kong guwapo?" "Sira ka talaga! Tama na nga `yang pagyayabang mo at baka may makarinig pa sa'yo." "Ano naman kung may makarinig? Eh, totoo naman talaga na guwapo ako, ah." Inilapit nito ang mukha sa salamin ng kotse na bahagya niyang natatakpan. Pabiro nitong hinimas-himas ang pisngi na animo'y guwapong-guwapo sa sarili. Pero dahil maliit si Carol at halos kasing-tangkad lang niya ang salamin kaya halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Napapikit siya nang masamyo ang mabangong hininga ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit bangong-bango siya sa hininga ni Daryl. Siguro dahil sa menthol flavored ng toothpaste na ginagamit nito. "Tama na nga `yan at baka mabasag pa ang salamin. Saka magsisimula na rin ang misa, o," natatawang biro ni Carol. Nag-mad face ito sa harap niya. "Sabihin mo munang guwapo ako. Or else, hindi ako papasok sa loob." Pinaikot ni Carol ang kaniyang mga mata na kunwari ay nakukulitan na rin. "Oo na. Ikaw kaya ang pinaka-guwapo dito sa Greenland," tukoy niya sa tinitirhan nilang subdivision. "Dito lang ba sa Greenland?" reklamo pa ng best friend niya. Humaba ang nguso at napangiwi na para bang hindi kuntento sa sagot niya. Napailing na lang siya sa kalokohan nito. Sanay naman na siya kaya natawa na lang si Carol. "Sige na nga, pati na rin sa buong universe! Ikaw na ang pinakaguwapong lalaki." Lalong lumawak ang ngiti ni Daryl at nangislap ang mga mata. Pinitik nito nang mahina ang tungki ng kaniyang ilong. "Bolera ka talaga! Kaya love na love kita, eh. Kasi alam na alam mo kung paano mo ako bolahin." Inakbayan na siya nito papasok ng simbahan. Ngunit nang may makita itong matandang babae na nahirapang tumawid sa kalsada, bumalik ito at saka iyon inalalayan ni Daryl. Proud na napangiti na lang si Carol. Hindi lang guwapo at mabait ang best friend niya kundi matulungin pa sa kapwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD