DINALA ni Baldwin kay Blandon ang nakuha niyang mapa. Dapat pagdating niya mismo ay nagkita sila kaso pinapunta pa siya ni Xander sa opisina ng airline company sa Tokyo para doon kunin ang bayad nito sa serbisyo niya. Mabuti US dollar ang ibinigay sa kaniya ng accounting officer, nagkakahalaga ng one thousand US dollar. Puwede na iyon para sa isang buwan. Dagdagan naman nito iyon sakaling matagalan siya sa misyon na paghahanap sa kawatan ng mapa, na walang iba kundi ang kaniyang kakambal.
Tawang-tawa si Blandon nang ibalita niya ang napag-usapan nila ni Xander. Naroon sila sa opisina ng Black Sparrow Organization at pinagsasaluhan ang whiskey na binili ni Blandon. Mas malakas itong uminom ng alak kumpara sa kaniya, kaya nga nito nadale si Lily sa isang bar dahil sa sobrang kalasingan.
“I told you to be calm while facing Xander, bro. Baka makahalata na siya na ibang tao ang kaharap niya,” ani ni Blandon.
Magkaharap sila na nakaupo sa magkabilang couch katabi ng office table nito. Ngumisi siya matapos masimsim ang kaniyang inumin.
“Paano ako magiging kalmado? He treated Agatha like trash and nobody. Ginawa niyang tanga ang babae,” may iritasyong wika niya.
“At bigka ka atang naging concern kay Agatha.” Sinalinan nito ng whiskey ang kaniyang baso.
“Naaawa lang ako, bro. Imagine how Agatha lives with Xander for how many years without an idea what is going on? Ang gagong Xander, ayaw pang pag-aralin si Agatha sa normal school. Of course, he doesn’t want to lose his rights to Mitsuki’s companies. Kapag natauhan na si Agatha, wala na ng silbi si Xander.”
“Or else, he would desperately kill Agatha.”
“I won’t allow that, bro.”
Tumawa nang pagak si Blandon. “Hey, are you serious about that?”
Dapat ay hindi na siya makialam sa buhay ni Agatha dahil may iba silang pakay kaya tinanggap ni Blandon ang trabaho na maging escort ni Agatha. Pero kumukulo talaga ang dugo niya nang matuklasan na ginawang basahan ni Xander si Agatha. Napaka-obvious na may hidden agenda ang walanghiyang iyon. Maaring may iba rin itong plano bakit pumayag ito na doon muna sa Pilipinas si Agatha.
Nagpadala na ng secret agent si Blandon sa Tokyo upang manmanan ang kilos ni Xander. Kailangan nilang maging maingat dahil hindi nila kabisado ang galaw ng kalaban. Baka may niluluto na itong plano na ikapapahamak nilang lahat.
“Bantayan mong maigi si Agatha, Bald. May pakiramdam ako na may binabalak si Xander kontra kay Agatha,” ani ni Blandon.
“Iniisip ko na iyan. Ang pinadala mong agent na si Lowel, hindi ako sigurado kung uubra siya kay Agatha.”
“Huwag kang aasa sa agents ko, bro. Ikaw ang kailangang nakamasid kay Agatha, dahil hindi basta makalalapit ang tauhan ni Xander kay Agatha. Kilala ka nila kaya titiyempuhin nila na ibang tao ang kasama ng target. Hindi gaanong makagagalaw ang tauhan ni Xander dito sa Pilipinas kaya asahan natin na may iba siyang plano.”
“Pero malaya niyang magagawa ang plano niya kay Agatha rito dahil hindi siya sasabit.”
“Huwag muna nating pangunahan. Iniimbesitagan ko pa si Xander. At once sumabit ang pangalan niya sa pumatay kay Mitsuki, saka na tayo kikilos. Basta priority natin si Agatha at mahanap ang code ng underground facility. Naroon ang sagot sa mga katanungan natin.”
“I got it.”
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Baldwin. Dinukot niya ito mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Si Lowel ang tumatawag. Kaagad niya itong sinagot.
“Ano’ng balita?” kaagad ay tanong niya.
“Sorry sa abala, sir. May problema rito,” anito.
Napaangat siya sa kaniyang upuan. “Ano’ng problema?”
“Hindi namin mahanap si Agatha.”
“What?” Tuluyan siyang napatayo. “Saan siya nagpunta?”
“Kumakain lang siya ng hapunan kanina. Bigla siyang nawala. Wala siya sa mansiyon.”
“s**t!”
“Ano’ng problema, bro?” usisa ni Blandon
“Nawawala si Agatha,” tugon niya. Ayaw talaga siyang pagpahingain ng babaeng iyon.
“Umuwi ka na muna sa mansyon. Bukas na tayo mag-usap,” ani ni Blandon.
Pinutol niya ang tawag ni Lowel. Humirit pa siya ng isang basong whiskey bago umalis. Inabutan pa siya ng traffic sa kalsada.
Pagdating sa mansiyon ay aligaga pa rin ang mga kawaksi sa paghahanap kay Agatha. Pasado alas-diyes na ng gabi.
“Hindi pa rin ba nakikita si Agatha?” tanong niya kay Manang Helen.
“Eh hindi pa rin, sir. Wala naman daw lumabas ng gate sabi ng guwardiya,” anito.
“Nasaan si Lowel?”
“Kasama niya si Armando na naglibot sa kural ng mga hayop.”
Lumabas siya at lumulan sa kotse. Hindi pa niya nalibot ang malawak na lupain ng mga Shaturi pero madali lang namang matagpuan ang kural ng mga hayop. Inihinto niya ang kotse sa tapat ng nakahilirang kural ng baka. Kararating lang doon nina Lowel at Mang Armando.
“Nakita n’yo na ba si Agatha?” tanong niya sa dalawa.
“Hindi pa nga ho, sir. Pangalawang balik ko na ito rito,” tugon ni Mang Armando.
Sinimulan na nilang maghanap. Naghiwa-hiwalay sila. Pumasok siya sa dulong bahagi ng kural na may nag-iisang kabayo na puti. Maluwag ang espasyo sa loob. Sa sahig na may dayami ay may nagkalat na talulot ng puting rosas. Sinundan niya ito hanggang makarating siya sa paibabang lupa na tila imabakan ng dayami.
May naaninag siyang munting liwanag na aandap-andap. Bumaba siya at bumulaga sa kaniya si Agatha na nakahiga sa dayami habang mahimbing ang tulog. Nakapatong sa puson nito ang cellphone na nagpi-play pa ang kung anong pinapanood nito. He heard a familiar noise from the phone, a woman moan. Nang malapitan ito’y napasintido siya. Agatha watched a p*rnographic film.
Kaninong cellphone kaya ang kinuha nito? Kinuha niya ito at in-off ang malaswang palabas. Nasulyapan niya ang nakaangat na palda ng dalaga. Her left hand was in between her thighs. Tinablan kaya ito ng init ng pagnanasa?
Ibinulsa niya ang cellphone saka ito binuhat nang marahan. Mahimbing na ang tulog nito. Paglabas ng kural ay sinalubong siya nina Lowel at Mang Armando.
“Nariyan lang pala siya, hindi ko nakita kaninang pumasok ako,” ani ni Mang Armando.
“Naroon ho kasi siya sa pinakaibaba ng lupa,” aniya.
Pinabuksan niya kay Lowel ang pinto sa backseat ng kotse. Ipinasok niya rito si Agatha.
“Sir, nakita n’yo ho ba ang cellphone ko?” pagkuwan ay tanong ni Lowel.
Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Cellphone mo ang kinuha ni Agatha?” aniya.
Napakamot ito ng batok. “Opo, iyong touch screen ko na cellphone na ginagamit ko sa paglalaro ng ML. Nakita kasi niya akong naglalaro kaya bigla niyang hinablot at ayaw nang ibalik. Iba naman iyong cellphone na ginamit kong pantawag sa inyo.”
Napasintido siya. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang magalit dito. Gabi naman at hindi nito kailangang bantayan si Agatha buong araw at gabi. Pero hindi niya palalagpasin ang p*rnographic videos. Dinukot niya sa kaniyang bulsa ang cellphone nito at ibinalik dito.
“Sa susunod, lagyan mo naman ng password ang mga p*rn videos mo. Napanood tuloy ni Agatha ang mga iyon,” sabi niya.
Nag-aalangang ngumiti si Lowel. “Sorry, sir. Hindi ko naman akalaing makikita pa niya iyon.”
“Kumpiyansa ka kay Agatha, makulit pa sa apat na taong bata iyon, lalo na ang curiosity. Sige na, sakay na.”
Lumulan na rin siya sa kotse at binuhay ang makina. Naiwan naman si Mang Armando dahil malapit lang doon ang tinutuluyan nitong kubo. Stay in ito roon maging ang asawa at anak.
NAGISING si Agatha na naroon na siya sa kaniyang kuwarto at nakahiga sa kama. Bumalikwas siya at hinanap ang cellphone. Wala na ito. Bumangon siya at sana’y lalabas ngunit naka-lock ang pinto sa labas. Kinalampag niya ito.
“Hey! Open the door!” sigaw niya.
Wala atang nakaririnig sa kaniya. Lumapit siya sa bintana at sumilip. Madilim pa sa labas. Humihilab ang kaniyang sikmura. Hindi kasi siya nakakain nang maayos dahil excited siyang maglaro ng ML sa cellphone ni Lowel. Kaso may ibang videos siyang natuklasan, katulad sa minsang napanood niya sa tablet ni Xander. Ang sarap niyong panoorin, nakaiinit ng katawan.
Bumalik siya sa pintuan at kinalampag ito. Bakit naman siya ikinulong ng mga tao roon?
“Open the door, please! Yaya Helen! Ate Susan! Ate Antonia! Lowel!” Tinawag na niya lahat ng kawaksi pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Tinadyakan na niya ito.
Nag-ipon siya ng lakas at sana’y sisipain ulit ang pinto ngunit bigla itong bumukas. Natuloy pa rin ang paa niya sa pagsipa pero iba ang tinamaan--ang ibaba ng puson ni Blandon.
“s**t! Tangna!” bulalas nito, namaluktot habang ang mga kamay ay nakatakip sa pagitan ng mga hita nito.
Tulalang nakatitig lang siya rito. Nang mapansing namumutla si Blandon ay nataranta siya. Saka niya natanto na tinamaan ang bayag nito. She didn’t know what to do, and she found herself grabbing his aching manhood.
“Put-tangna! Hinawakan mo pa!” asik nito, sabay waksi sa kamay niya.
Kumurap-kurap siya habang nakatitig sa galit nitong mukha. Gusto lang naman niya itong tulungan.
“Let that out, Blandon, I will heal your pain,” sabi niya.
“Ano? At ano ang gagawin mo?” Napasandal ito sa dingding.
Naaalala niya ang ginawa niya noon kay Xander, noong aksidenteng nasipa rin niya sa bayag. Pinasubo niyon sa kaniya ang nasaktang ibon at biglang kumalma. Naisip niya baka epektibo rin iyon kay Blandon.
“Let me suck that, so my mouth will help to ease the pain,” walang gatol niyang sabi.
Malutong na nagmura si Blandon. “Saan mo naman natutunan iyan?” tanong nito tila kalmado na.
“Kay Xander.”
“Gago pala iyon. Naniwala ka naman.”
“Bakit naman hindi?”
“Tumigil ka! Bumalik ka sa kuwarto mo at matulog!” singhal nito.
Para siyang dinagukan. Sumama ang loob niya dahil sa pagsigaw nito na parang ang laki ng kasalanan niya.
“Nagugutom kasi ako. Bakit ikinulong pa ninyo ako?” angal niya.
“Kasi makulit ka! Pasok na! Magpapadala ako ng pagkain mo! Nakabubulahaw ka!”
Tinalikuran niya ito pero hindi siya sumunod. Tumakbo siya pababa ng hagdanan. Dumiretso siya sa kusina. Blandon doesn’t have rights to act like Xander. He was just her escort, right? So bakit siya susunod dito?
Binuksan niya lahat ng kaldero at pumili ng makakain. Sinundan siya roon ni Blandon pero hindi niya ito pinansin. Pinuno niya ng pagkain ang kaniyang plato saka niya dinala sa kuwarto. May bitbit din siyang baso ng tubig.
Masama ang loob niya habang nagkakamay na sumusubo ng pagkain. Nakaluklok siya sa kaniyang kama. Ganoon din ang nararamdaman niya sa tuwing nasisigawan siya ni Xander. Pakiradam niya ay wala na siyang ginawang tama. Hindi niya napigil ang pagsikip ng kaniyang dibdib, until she let her tears ran from her eyes. Nahihirapan siyang lumunok dahil tila may kung anong nakabara sa kaniyang lalamunan.
Bumukas ang pinto pero hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok. She knew it was Blandon. He stepped towards her and sit on her left side.
“I’m sorry,” he said politely.
She didn’t talk. Pinahid niya ng kamay ang bakas ng luha sa kaniyang pisngi. Gusto niyang ipadama rito na nagtatampo siya at masama ang kaniyang kalooban dahil sinigawan siya nito.
“Leave me alone,” mahinahong wika niya.
“Okay, but let me talk to you first.”
Tumango siya at hinayaan itong magsalita.
“Gusto ko na itatak mo sa kukoti mo na narito ka sa Pilipinas at hindi na si Xander ang kasama mo,” sabi nito.
“But you act like Xander.” She didn’t bother to gaze at him. Subo lang siya nang subo ng pagkain gamit ang kamay.
“Huwag mong isipin iyan. Magkaiba kami ni Xander.”
“Pero sinigawan mo ako katulad ng ginagawa niya sa akin.”
“Dahil makulit ka. Binulabog mo ang mga tao rito at pinag-alala. ‘Tapos ang aga-aga nambubulahaw ka. Wala pa akong matinong tuloy magmula dumating ako mula Tokyo, Agatha. Marami akong trabaho at hindi lang ikaw ang pinagsisilbihan ko. Kaya ko nga pinapunta rito si Lowel upang magbantay sa iyo habang wala ako,” paliwanag nito.
Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan siyang bantayan. Hindi siya naniniwala na may taong gustong pumatay sa kaniya katulad ng sinabi ni Xander. Bakit naman siya papatayin? Ano ba ang kasalanan niya? Marami siyang gustong malaman ngunit nag-aalangan na siyang magtanong kay Blandon. Baka naiinis na ito sa kaniya.
“If you’re tired of doing your job to me, you can ask Xander to hire another escort for me,” sabi na lamang niya.
“I chose this job and I’m willing to sacrifice, Agatha. Ang gusto ko lang sana ay makisama ka at matuto kang makinig at sumunod sa payo sa iyo. Kung tutuusin ay hindi ka na bata. Dalaga ka na. Kalimutan mo na ang mga walang kuwentang itinuro sa iyo ni Xander. Busy siya kaya wala siyang oras na asikasuhin ka.”
“You mean he didn’t love me?” Namilog ang mga matang tumitig siya rito.
“Maraming uri ng love, Agatha. Xander didn’t love you like what you think. He just cares for you as your guardian.”
Nanikip ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. Tama kaya si Blandon? Na talagag walang pakialam sa kaniya si Xander? Hindi na siya kumibo.
“Ubusin mo ang pagkain mo, pagkatapos ay matulog ka ulit,” anito saka tumayo.
Tumango lamang siya at tinanaw itong palabas ng kuwarto.