TATLONG araw na ang nakalipas pero hindi pa umuuwi si Blandon. Parang walang nagbago sa daily routine ni Agatha, ganoon pa rin katulad ng ginagawa niya araw-araw sa Tokyo. But at least, she’s free to talk to other people in the house. Unlike in Tokyo, Xander didn’t allow her to speak to anyone except Yaya Helen and her tutor.
Pinahiram siya ni Yaya Helen ng cellphone nito na mayroong games. Naaliw siya nang matuto. Halos wala na siyang ginawa maghapon kundi maglaro at kumain. Ayaw naman siyang palabasin ng mga ito at naka-lock palagi ang main door. Pasilip-silip lang siya sa bintana ng kaniyang kuwarto. From there, she could see the backyard with the all-green surrounding. There’s an empty swimming pool there and a mini playground.
The place felt familiar to her. Maybe she visited this place before when her father was still alive. Some areas of the mansion are familiar, too, especially when she goes to the lobby.
Nakahilata lang siya sa kama habang hawak ng dalawang kamay ang malapad na cellphone. She spent almost three hours in gaming. Sumasakit na ang mga kamay niya at mga mata pero ayaw pa niyang tumigil. Hanggang sa may kumatok sa pinto kasunod ang tinig ni Yaya Helen.
“Agatha! Lunch is ready!” sabi nito
“Later, Yaya!” sagot niya.
“It’s almost late, darling.”
“I said, later!” sigaw niya.
“Blandon is here!”
Pagkarinig sa pangalan ni Blandon ay nabitawan niya ang cellphone. Mabuti natalo na niya ang kalaban sa kaniyang laro. Kumaripas siya patungo sa pintuan. Nang buksan niya ang pinto ay diretso ang tingin niya kay Blandon na nakatayo sa likuran ni Yaya Helen. Walang patalastas na sinugod niya ito at lumambitin siya sa leeg nito, umangkla ang mga binti sa baywang nito.
“Hey! What’s going on?” manghang untag nito.
“Finally, you’re here!” sabik niyang sabi, hinigpitan pa ang yakap dito.
Ang sarap nitong yakapin. Ang bango nito, ang tigas ng dibdib, at ang init ng katawan ay nakakikiliti. This feelings were odd, yet she love it. Parang ayaw na niyang kumalas dito.
“Baba na, mag-lunch muna tayo,” anito sa malamyos na tinig.
Even his voice seems like a piece of music in her ear. “No, just walk,” pagmamatigas niya.
Yumapos na lamang sa kaniya ang mga braso nito saka naglakad habang pangko siya. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya kay Blandon. Siguro uhaw lang siya sa kalinga ng kapatid o kuya. Gusto talaga kasi niya ng kuya na nagpapakita ng care sa kaniya, hindi katulad ni Xander na walang pakialam sa kaniyang nararamdaman.
“Can I call you ‘kuya’, Blandon?” tanong niya habang nakahilig ang kaniyang ulo sa matigas nitong dibdib.
“Ayaw,” anito.
Nag-angat siya ng mukha. And now, their faces were almost near, an inches away from each other. She could smell Bandon’s fresh breathe, warm and fascinating. Their eyes were gazing each other intently, as if they had their own lives.
“Bakit ayaw mo? I like you as my brother.”
“Hindi puwede. I’m your escort.”
“Hm. Pareho lang kayo ni Xander. Bakit ba ayaw ninyo akong maging kapatid? Bad ba ako?” may hinampong sabi niya.
“Hindi naman. Kasi malabong maging kuya mo ako. Nagtatrabaho ako rito at pagsisilbihan kita ayon sa sinumpaan kong trabaho,” sabi nito.
“Sige na nga.”
Pagdating sa hapag-kainan ay ibinaba siya nito sa silya katapat ng lamesa na puno ng pagkain. Nagningning ang kaniyang mga mata nang makita ang maraming kalabasa. It’s her favorite now. Yaya Helen made a squash shake but no milk, just honey to add natural sweetness.
Umupo sa katapat niyang silya si Blandon. Kumuha kaagad siya ng kalabasa na hiniwa sa maliliit na square. Purong kalabasa lang ito, as she requested.
“Bakit puro kalabasa ang nakahain?” ‘takang tanong ni Blandon.
Naroon din si Yaya Helen at kasama nilang mag-lunch. Madalas na siya nitong sinasamahang kumain at katabi niya palagi.
“Nagustuhan po kasi ni Agatha ang kalabasa, sir. Gusto niya ito palagi ang ulam,” ani ni Yaya Helen.
Nakikinig lang siya habang sumusubo. Dinurog niya ang kalabasa at inihalo sa kanin kaya naging dilaw na ito. She loves the creamy taste, parang egg yolks na nilaga nang bahagya.
“Baka mapurga naman siya nito,” amuse na sabi ni Blandon.
“Mapurga?” untag niya habang puno ang bibig. Hindi niya gets.
“Baka masobrahan ka ng kain ng kalabasa at lumuwa na ang mga mata mo,” ani ni Blandon, alam niya na biro lang.
“Hm, you’re harsh to me, Blandon,” napipikong sabi niya.
“Nako, addict na iyan sa games, sir,” sumbong ni Yaya Helen.
Inirapan niya ang ginang. Napasama naman ang tingin sa kaniya ni Blandon.
“Stop playing games, Agatha. Magsimula ka nang mag-aral at kukuha kami ng tutor mo. Kailangan may matutunan ka na bago ka mag-enroll sa university,” sabi ni Blandon.
Namilog ang mga mata niya. “University?” Ang alam niya ay iyon ang malalaking school.
“Yes, kaya dapat may maisasagot ka sa entrance exam. Isang buwan na lang ang paghahanda mo. Ang baba ng grades mo baka hindi ka papasa sa kurso na gusto mo.”
Bigla siyang nanlumo. Bakit ba kailangan pang mataas ang grades?
“You mean hindi na ako magiging doktor?” dismayadong gagad niya.
“Uhm, depende kung kaya mo. Pero kasi mahirap ang kurso na iyon. Marami ka pang pag-aaralan. Bakit hindi ka na lang mag-aral about business?” ani ni Blandon.
Ngumuso siya. “Ano ba ang magiging work ko sa business?”
“Magma-manage ka ng businesses na iniwan ng dad mo.”
“Hindi ba si Xander ang gumagawa niyon?”
“Xander was an authorized person who had rights to manage your dad’s companies but doesn’t have rights to heir it. Only you can inherit all of your dad’s wealth and businesses.”
“But I’m not interested in businesses,” giit niya.
“Kahit na. Kailangan mong matuto upang maipagkatiwala na sa iyo ang negosyo ng dad mo. You have to be aware of the process.”
Nalungkot siya sa natuklasan. Mas gusto talaga niya maging doktor. “Hindi ba ako puwede maging doktor?” pilit niya.
“Of course you can, but you should study about business first. Kapag marami ka ng alam, maari ka namang mag-aral ulit.”
Curious tuloy siya sa business kuno ng daddy niya. Ni minsan ay hindi siya nakatuntong sa kompanya o kung ano ba ang negosyo ng daddy niya. Ni hindi pa siya nakahawak ng pera.
Hindi na lamang siya kumibo. Subo lang siya nang subo habang iniisip kung ano ba talaga ang gagawin niya. Wala siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kaniya kapag nag-aral na siya sa normal school.
Pagkatapos kumain ay tumambay siya sa lobby at umupo sa couch. Nakatutok siya sa telebisyon nang lumapit si Blandon. Umupo ito sa gawing kaliwang couch. Inabot nito sa kaniya ang brown envelop.
“What is that?” ‘takang tanong niya habang nakatitig sa envelop.
“Narito ang school credential mo. Tingnan mo ang grades mo,” anito.
Kinuha naman niya ang envelop at binuksan. Inilabas niya ang maliit na class card. Napangiti siya nang makita ang kaniyang grades.
“Seventy-seven, mataas naman eh,” aniya.
Natawa si Blandon. “Mataas na iyan para sa iyo?” may sarkasmong gagad nito.
Tumabang ang ngiti niya. “I think it’s fine.”
“Sa college, maganda pa rin kung mataas ang grades mo.”
“Ikaw ba, mataas ang grades mo noong papasok ng college?” Namimilog ang mga matang tumitig siya sa binata.
“I’m proud of my grade, ninety-six,” nakangiting turan nito.
“Wow! You’re smart, Blandon!” nagagalak niyang puri. Inisip kaagad niya na puwede pala itong maging dokor. “Eh bakit hindi ka naging doktor?”
Tumabang ang ngiti nito. “I want to be a doctor, but I followed what my father wants for me.” His voice was flat.
“Ano ba ang gusto ng dad mo?” usisa niya.
“To become a soldier like him.”
Nanlaki ang mga mata niya. “You mean, you’re a soldier?”
“Yes, but I quit my job.”
Nalungkot na naman siya. “Bakit naman? Soldier was a hero, like my father.”
Late lang niya natuklasan na dating sundalo pala ang daddy niya, noong naitanong niya kay Xander. Madalas kasi siyang nakatitig sa litrato ng daddy niya na nakauniporme ng sundalo at may hawak na baril.
“Hindi na ako masaya sa trabaho ko,” tugon nito pagkuwan.
“Gano’n ba? Kaya ba naging escort ka na lang?”
“Yes, at least I still serve and protect people.”
“But are you happy now?”
Matipid itong ngumiti. Saka niya napansin na parang ang lungkot ng mga mata ni Blandon. Para bang may madilim itong karanasan sa buhay na hindi nito nagawang lagpasan.
“Don’t be sad. Gusto mo laro tayo ng ML?” aniya.
Nangunot ang noo nito. “Naglalaro ka ng mobile legend?” gilalas nitong gagad.
“Yap. Ate Susan teaches me how to play.”
Napakamot ito ng ulo, na para bang naiinis. “Tatalino ka talaga riyan.”
“But I enjoyed playing ML. You should try, too; it would kill your boredom.”
“Hindi naman ako bored. At saka nagretiro na ako sa larong iyan. I plays war game.”
“I know that, too! In ML, I have enemies attacking me.”
“Nako, itigil mo ang laro, Agatha. Mag-aral ka nang marami kang matutunan. Ang bilis mo ngang natutong maglaro, mga aralin mo pa kaya? Magpapagawa ako ng module sa tutor mo about business,” anito saka tumayo.
Bumusangot siya. Ang sungit naman nito. Sinundan lang niya ito ng tingin habang papalayo.
Talagang hinigpitan siya ni Blandon. Hindi na siya pinahiram ng cellphone ng mga kasama sa bahay. Isinumbong daw siya nito kay Xander kaya bawal na ang laro. Wala na siyang libangan kaya pinalagyan niya ng tubig ang swimming pool. Marunong naman siyang lumangoy dahil tinuruan siya ni Xander.
Nagbabad siya sa tubig hanggang hapon. Suot lamang niya’y termong itim na underwear. Mayroong hardinero na nagbubunot ng damo sa paligid ng pool. Medyo matanda na ito at kamukha ni Mang Armando. Ito rin ang naglagay ng tubig sa pool gamit ang hose ng tubig.
Nakalubog siya sa tubig sa may gilid ng hagdan. Ulo lang niya ang nakalitaw. She saw a tall guy in a dark suit. He’s stunning, young, and good-looking. She was attracted to handsome guys with stone-hard chests--like Blandon and Xander. And wait, who’s that guy watching on her?
Maya-maya ay dumating si Blandon at nilapitan ang lalaki. Naroon sa tapat ng cottage na bato ang mga ito nakatayo, may tatlong dipa ang layo sa kaniya. Saglit lang nag-usap ang dalawa at siya naman ang nilapitan ni Blandon. Umuklo ito sa harapan niya.
Ang una niyang napansin ay ang ibaba ng puson nito na may namumukol. And wait, why his zipper widely open? He wore fitted black jeans. Kung paano’y biglang lumipad ang kaniyang diwa sa malaswang isipin. Of course, all men had the same d*ck. Siguro mas malaki ang kay Blandon kumpara kay Xander. Kasi hindi naman gaanong bakat ang kay Xander kung may pantalon.
“Hey! Agatha!” pukaw sa kaniya ni Blandon.
Nakatitig pa rin siya sa ibaba ng puson nito. Saka naman ito napayuko at tiningnan din ang nakikita niya.
“s**t!” bulalas nito at napatayo. Tumalikod ito sa kaniya
“Why, Blandon?” tanong pa niya.
“Uh, aalis ako pero may maiiwang bodyguard dito para tingnan ka,” anito.
“Where are you going then?”
“May aasikasuhin lang ako at baka bukas na ako babalik.”
Naiinis siya sa tuwing aalis ito. Mas gusto niya kung ito ang palaging nagbabantay sa kaniya.
“Palagi ka na lang umaalis,” may tampong sabi niya.
“Marami kasi akong trabaho. May iba pang pinapagawa sa akin si Xander.” Hinarap siya nito.
Nakasara na ang zipper nito. Nagpalutang naman siya sa tubig habang nakatitig dito. He scanned her body, she noticed that while his chest moves ups and down.
“I have to go,” paalam nito.
Hindi na siya nagsalita. Tinanaw lang niya ito habang papalayo. Kinausap pa nito sandali ang bodyguard kuno niya bago tuluyang nawala sa paningin niya. Nakaisip siya ng kalokohan upang hindi na alis nang alis si Blandon, at para hindi ito kukuha ng ibang magbabantay sa kaniya.
Nagkunwari siyang nalulunod. “Help!” sigaw niya habang lulubog-lilitaw ang kaniyang ulo sa tubig. Namataan niya na tumatakbo na palapit sa kaniya ang lalaking bodyguard. Tumalon ito sa tubig. He saved her. Malakas ito at kaagad siyang nai-ahon. Umubo siya, not a joke dahil talagang nakalunok siya ng tubig. Hinagod nito ang likod niya.
Hinuli niya ang kanang kamay nito na humagod sa kaniyang likod at pinilipit, inipit pa sa kaniyang binti.
“Ugh! s**t!” sigaw nito.
Pagkuwan ay sinipa niya ito kaya nahulog sa tubig. Ang bilis nitong nakaahon. Tumakbo palapit sa kanila si Yaya Helen.
“Ay, Apo! Apay anya napasamak kinka?” tanong nito sa lalaki na hindi niya maintindihan.
Mariing kumunot ang noo niya. Bakit iba ang salita nito? Kaagad naman niyang dinepensahan ang kaniyang sarili.
“Eh kasi hinipo niya ang likod ko, Yaya,” aniya. Ang sabi kasi ni Xander kapag nanghihipo ng katawan ang lalaki na estraghero ay binabastos siya. Eh tapos naman na siya nitong iniligtas.
“Tinulungan ko lang naman po siya kasi nalunod. Baka nahirapan siyang huminga kaya hinagod ko ang likod,” paliwanag din ng lalaki.
Tumayo siya at namaywang. Siya pa ang matapang. “Saving me is your job. But you don’t have rights to touch me without my permission,” aniya.
“Hay, tama na nga! Huwag kang ganiyan, Agatha. Tinulungan ka lang naman ni Lowel, eh,” ani ni Yaya Helen.
Nakaalis na sa tubig ang lalaki pero nanatiling kalmado. Bigla siyang nakosensiya, bagay na bihira niya maramdaman. Well, it’s her fault.
“Sorry po,” pagkuwan ay sabi niya sa lalaki.
“Okay lang, ma’am. Aware naman po ako sa ugali n’yo,” anito.
Aba’t mukhang nasabi na rito ni Blandon kung ano ang ugali niya. Ano kaya ang pagkakilala nito sa kaniya? Salbahe ba siya?
“Tama na ngang paligo, Agatha, mamaya ay sipunin ka pa. Ilang oras ka nang nagbabad dito,” sabad ni Yaya Helen.
Kinuha nito ang tuwalya niya at ibinalot sa kaniyang katawan. Sumunod na lamang siya rito. Habang papasok sila sa bahay ay pinapangaralan siya nito.
“Masama po ba ang ginawa ko, Yaya?” tanong pa niya sa ginang.
“Oo, masama. Hindi ka naman binastos ni Lowel, eh. Tinulungan ka lang niya. Ang paghagod sa likod mo ay hindi naman pambabastos. Akala niya ay hirap kang huminga dahil nakalunok ka ng tubig.”
“Ganoon ba?”
But deep inside, ayaw talaga niya kay Lowel. Okay lang na magbantay lang ito sa paligid niya. Gusto pa rin niya na si Blandon ang nakabuntot sa kaniya. Ito lang ang pinagkakatiwalaan niyang lalaki dahil ito ang napili ni Xander para escort niya.