TANGHALI nang nagising si Agatha. Humilab kasi ang simura niya. Alas-tres ng madaling araw na siyang nakatulog dahil tinapos niya ang pelikula. Ang walanghiyang Blandon, tinulugan siya. But later on, she had realized that Blandon needed more time to sleep. He worked for her and minded her while she was in the hospital.
Hinayaan niya na makatulog sa sofa ang lalaki. Binigyan na lamang niya ito ng unan at kumot. Wala siyang makitang kumot sa closet niya kaya pinagamit niya rito ang kaniyang kumot at isang unan. Pero paggising niya ay nasa kaniya na ulit ang kumot at unan. Napangiti siya. Blandon was a nice guy, unlike Xander.
Napanaginipan na naman niya si Xander, at noong panahon pa na pinarusahan siya dahil sinuntok niya sa mukha ang babae nito na inapakan ang laruan niyang daga na remote control. Nainis siya sa kaartehan niyon, eh ginawa lang namang basahan ni Xander matapos daganan.
Inis siya roon. Iyon ang babaeng nahuli niya na nakatalik ni Xander sa may open cottage sa backyard ng bahay nila. Nagalit pa nga si Xander kasi ang arte, ayaw sumubo ng ano ni Xander, eh mas magaling siya roon.
Natanto niya na hindi nga naman siya itinuring ni Xander na katulad sa mga babae niyon. He never touch her like what he does to those women. Xander was a savage guy. Nananakit ito ng babae lalo kung inaangkin nito. She adapted Xander’s cruelness because he showed it to her, teaching her to become a sadist. And she just found it calming, especially when she got hurt or hurt others physically.
Pero nabasa niya sa libro na maari palang makulong ang taong mapanakit. It called physical abuse. Bigla siyang nainis sa kaniyang sarili. Mabilis siyang mainis at magalit kapag hindi niya gusto ang nakikita. Nagalit din siya noon kay Xander dahil sinungaling ito. Sinabi niyon na hindi ito maghahanap ng ibang babae.
She doesn’t understand why Xander has not been contented with one girl. Sometimes he brought two ladies into the house and f**k them. Is it normal? Is it okay to have s*x with multiple partners? It looks dirty. Pero minsan ay naiinggit siya sa mga babae ni Xander, kasi nakita niya kung paano mag-enjoy ang mga ito at mukhang sarap na sarap. Eh kasi hindi iyon nagawa sa kaniya ni Xander. He’s so unfair, so selfish.
Isang katok sa pinto ang umabala sa pag-e-emot niya. Bumaba siya ng kama at lumapit sa pintuan at binuksan ang pinto. Bumungad sa kaniya si Blandon na nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon. Ang bango nito, fresh, mukhang bagong ligo. Aalis ba ito?
“Good afternoon sleepy head!” nakangiting bati nito.
“Where are you going?” kaagad niyang tanong, nakasimangot.
“Tumawag si Xander at pinapupunta ako ngayon sa Tokyo. May ipapagawa siya at kukunin ko na rin ang school credential mo para makapag-enrol ka na sa pasukan.”
Bigla siyang nalungkot. So matagal itong mawawala. “Gaano ka katagal doon?” walang buhay niyang tanong.
“I’m not sure. Depende sa ipapagawa ni Xander.”
Hindi niya alam kung ano ang titnutukoy nitong school credential. Hindi naman siya pumasok sa school.
“Ano’ng school credential?” curious niyang tanong.
“Uh, iyon ang record mo sa school kung saan ka na-enrol para sa modular at online class. Naipasa ka naman daw ng teachers mo.”
Napangiwi siya. She’s not sure if she really passed the subjects. Konti nga lang ang natutunan niya sa mga modules niya.
“Okay. Balik ka kaagad, ah? At saka sabihin mo kay Xander na ayaw ko na siyang makita,” nakangising sabi niya.
Kumunot ang noo ni Blandon. Pagkuwan ay isinara niya ang pinto. Pumasok siya sa banyo at naligo.
Paglabas niya ng kuwarto ay wala na si Blandon. Wala na rin ang kotse nito sa garahe. Mabuti na lang naroon na si Yaya Helen at may kasamang dalawang makakasama niya sa bahay.
“Tanghali ka nang nagising, Agatha kaya almusal at tanghalian na ang kakainin mo,” ani ni Yaya Helen nang igiya siya sa dining room.
Maraming pagkain na nakahain pero halos may gulay lahat. Gusto rin niya ng gulay pero hindi niya kilala ang mga nakahain. Nakanguso siya habang nakatitig sa pagkain.
“Hindi mo ba gusto ang pagkain?” malungkot nitong tanong habang nakatayo sa gawing kaliwa niya.
“My doctor said that my stomach needs to digest, not heavy foods. I was dehydrated lately, and I can’t eat anything, especially those that have dairy product foods,” she said.
“Ahm, naibigay naman sa akin ni Blandon ang listahan ng mga pagkain na puwede mo lang kainin. Puwede ka naman daw kumain ng gulay na malalambot.”
Tinitigan niya ang gulay na may dilaw na parang patatas pero square ang hiwa. “What is this, Yaya?” aniya.
“Iyan ang kalabasa. Squash in English. Malambot iyan at masarap. Ang berdeng dahon naman ay spinach. Tikman mo.”
Kumuha naman siya at inilagay sa kaniyang plato. Nagsalin din siya ng kanin. Nang matikman ang dinurog na kalabasa kasama ang kanin ay naingganyo siyang kumuha ng marami. Malinamnam ito.
“Dala ko ang mga gulay mula sa probinsiya namin,” sabi ni Yaya Helen.
“Saan po ang probinsiya? Doon ka ba nakatira?” usisa niya.
Kumuha rin siya ng isdang malapad na gray at malaki ang mata. Mayroon itong gulay na violet ang balat. Medyo maasim ang isda pero masarap.
“Malayo ang probinsiya kung saan ako nakatira. Maraming puno roon at bundok.”
“Really? Can I go there?” Bigla siyang na-excite.
“Ah, eh baka hindi puwede lalo na mag-aaral ka na sa pasukan. At saka sobrang layo niyon.”
“Kasing layo ng Tokyo? Sasakay ba tayo ng airplane?” Gusto talaga niyang makakita ng totoong bundok at maraming punung-kahoy.
“Mayroong masasakyang eroplano papunta roon pero mahal. Kung sasakay tayo ng bus ay aabutin ng anim o walong oras ang biyahe.”
“Gusto ko ‘yon!”
“Hindi pa ngayon tayo makapupunta. Kakausapin muna natin si Sir Xander kung puwede kang pupunta sa ibang lugar.”
Bumagsak ang balikat niya. Alam na niya na hindi papayag si Xander na pupunta siya sa ibang lugar lalo kung wala si Blandon. Hihintayin na lang niyang bumalik si Blandon.
Speaking of Blandon, she noticed something odd in him that sometimes felt confusing. Para bang nagbago ito. Dati noong nasa Japan sila ay ang cool makitungo nito sa kaniya. And now, he’s cold sometimes and obviously not comfortable while they were together.
Ah, baka naman talagang nagbabago ang ugali ng tao depende sa sitwasyon. Pero aminado siya na mas gusto niya ito na nagiging mas malapit sa kaniya. Parang nagkaroon siya ng kuya. Si Xander kasi ayaw na tinatawag niya na ‘brother’.
“Ang sabi pala ni Blandon, huwag ka raw labas nang labas ng bahay. Manood ka lang daw ng telebisyon,” sabi ni Yaya Helen.
Matamang tumitig siya rito. “Bakit naman? Isn’t safe outside?”
“Kasi baka makagawa ka ng hindi maganda sa labas. May nagbabantay sa gate at may mga alagang hayop sa bakuran.”
“Is there a horse outside?” Na-excite siya kasi ang popo na nilaro niya noong unang dating nila ay dumi umano ng baka.
“Ah, meron ata pero karamihan ay baka.”
“Baka?” Nalito siya sa baka at kabayo. “Ano ho ang hitsura ng baka?”
“Kuwan, parang kabayo rin pero minsan mas malaki at wala masyadong buhok. Iyon ang madalas kinakatay at ang karne ay yaong beef.”
“You mean, iyon ang kinukuhaan ng gatas?”
“Yap.”
Lalo siyang nasabik. Napanood kasi niya sa pelikula kung paano kumukuha ng gatas sa dede ng baka. She excitedly wants to try it.
“Guto ko ring subukang pumisil ng dede ng baka then the milk will comes out!”
Tumabang ang ngiti ni Yaya Helen. “I’m not sure if the caretaker will allow you to do that.”
Napalis ang ngiti niya. “Why people here didn’t trust me? Am I bad, Yaya?” malungkot niyang sabi.
“No, you’re not bad. They just making sure that you are safe all the time. Kasi nga maraming bagay ka pang hindi alam.”
She’s confused. Ano pa ba ang mga bagay na hindi niya alam? Gaano ba kalawak ang nalalaman ng isang tao? At her age, she thought her knowledge was enough. Xander said that she was smart and didn’t need to feel pity or envy for others. She has everything, the wealth that her father left. Kahit daw hindi na siya mag-aral ay hindi siya mahihirapan kasi marami siyang pera
Eh hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa niya alam kung ano ang hitsura ng pera na sinasabi ni Xander. Ayaw na sana siya nitong pag-aralin pero mapilit siya. Naiinggit siya sa mga taong nasa pelikula na pumapasok sa school at may suot na magandang damit na pare-pareho, may shoes, may bag, then maraming kaibigan.
Nagpatuloy siya sa pagsubo ng pagkain. Masarap magluto si Yaya Helen, iyon ang na-miss niya rito. Kahit minsan ay inaaway niya ito, hindi ito nagagalit sa kaniya. Hindi siya nito pinabayaan.
GABI na nakarating sa Tokyo si Baldwin. Bago siya umalis ng Pilipinas ay nagkita pa sila ni Blandon. Binigyan siya nito ng instruction sa dapat niyang gawin. Kailangan ay makuha na niya ang mapa na makapagtututo sa underground facility ni Mitsuki.
Pagdating niya sa Shaturi residence ay nadatnan niya si Xander sa lobby at may kalampungang magandang babae na nakabikini. Ang kalat talaga ng taong ito. Nang makalapit siya ay naghiwalay ang dalawa. Tumayo ang babae ay nagpaalam sandali.
“Maupo ka, Blandon,” sabi ni Xander.
Umupo naman siya sa katapat nitong couch. May tinutungga itong baso ng cognac. Pagkuwan ay nagsalin ito ng inumin sa isang baso at ibinigay sa kaniya. Mukhang lalasingin na naman siya nito. Umiiwas na nga siya sa hard liquor. Gayunpaman ay kinuha niya ang baso ay sinimsim ang laman nang paunti-unti. Ayaw niyang malasing kaagad.
“So, how Agatha?” tanong nito.
“She’s fine. Nagkaproblema lang noong isang araw dahil na-dehydrate siya,” aniya.
“Why?”
Kunwari concern pa ang gago.
“Nasobrahan siya ng kain ng halo-halo, iyong dessert na may gatas.”
Umalon ang dibdib nito. “Silly girl. Alam naman niya na never ko siyang napakain ng may gatas o kahit uminom.”
Sa loob-loob niya, ibang gatas kasi ang pinainom marahil nito kay Agatha. Nagtatagis ang bagang niya habang iniisip kung paano nito tratuhin ang dalaga. And now, Xander was free to do whatever he wants since Agatha didn’t notice his stupidity.
“Ang sabi niya, ayaw ka na raw niyang makita,” walang gatol na sabi niya, katulad ng habilin ni Agatha.
Humagalpak ng tawa si Xander. “Did she really say that?” anito.
“Yap. At sabi rin niya, gago ka raw.” His evil mind laughed.
Nanlaki ang mga mata ni Xander. “Hey! She didn’t know how to say that word.”
“Narinig kasi niya sa ibang tao at mabilis na-adapt. Inalam niya kung ano ang ibig sabihin niyon.” Palusot niya.
Natawa lang si Xander. “Don’t mind her. Your job was to look after her. Walang makaiintindi sa kaniya dahil sa mental unstable na kung sasakyan mo ay masisiraan ka ng bait.”
Ikaw ang may problema sa pag-iisip, Xander. Psycho, naisaloob niya. Gusto talaga niya itong barahin.
“Anyway, I got Agatha’s school credential, and I’m not sure if her grades will pass the university standard in the Philippines,” anito. May kinuha itong brown envelope sa maliit nitong maleta at iniabot sa kaniya.
Kinuha naman niya ito at binuksan. Napasintido siya nang makita ang grades ni Agatha. Puro palakol pero wala namang bagsak. Highest grade nito ay seventy-eight at science subject. Over all average ay seventy-seven.
“Siguro kailangan muna niya ng tutorial bago mag-take ng entrance exam,” aniya.
“Puwede namang mag-tutorial na lang siya about business para may alam siya. Useless din naman kung mag-aaral siya sa university.”
Nagdaiti ang mga ngipin niya. “Gusto maging doktor ni Agatha, yaong mag-specialize in pathology and to perform the autopsy. Gusto niyang kumatay ng tao, lalo raw ng mga traidor,” may diin niyang sabi.
Humalakhak si Xander. Unghang din ito, hindi pa nakahahalata na binabara na niya.
“You know, Blandon, I like your loyalty to your bosses. But please, don’t believe whatever Agatha’s said to you. She’s pathetic. Paano siya magiging doktor kung ni semen hindi niya alam?” nang-uuyam pang sabi nito.
Konti na lang ay pupugutan na niya ito ng ulo. Konting pasensiya pa, Baldwin. “Bakit sa dami ng puwedeng ituro sa kaniya ay semen ang gusto mong matutunan niya?” aniya.
“Tinatanong kasi niya kung ano iyong lumalabas sa akin after my ejaculation while I’m--”
“While you’re f*****g her mouth, aren’t you?” may gigil na sabad niya.
Napalis ang ngiti ni Xander. Mukhang nakahahalata na. “Please, let’s change the topic. As I said, stop entertaining Agatha. She’s talking nonsense.”
“But she didn’t lie.”
“And what are you pointing out, Blandon? You’re here to work for me. Just follow what I command you,” matigas ang tinig na sabi nito.
Pilit niyang ikinakalma ang kaniyang sarili. Naalala niya ang habilin ni Blandon na maging kalmado siya sa harap ni Xander baka siya mabuking.
“Sorry,” sabi lang niya saka tumungga ng alak.
“Pinapunta kita rito para kunin ang credentials ni Agatha at para hanapin mo ang mapa ng underground facility,” sabi nito pagkuwan.
Matiim siyang tumitig dito. “For what?” Kunwari ay hindi pa niya alam ang tungkol sa mapa.
“Someone took the map from Mitsuki’s burial before. I don’t know who stole it. Naisama iyon sa ataul niya at biglang nawala.”
Si Blandon ang kumuha niyon at naitago. Ang problema, palaging makalilimutin ang kakambal niya at naiwan doon sa mansiyon ang mapa. Nasabi naman niyon kung saan nakatago ang mapa.
“Okay, ako na ang bahala. Pero paano ko sisimulan ang paghahanap?”
“I’ll give you the visitor’s name from the last night of Mitsuki’s burial. You may find those people. Karamihan sa kanila ay mga kilala ni Mitsuki sa Pilipinas at nagtatrabaho sa branches ng kompanya niya roon. Noong gabi bago nawala ang mapa, konti lang ang tao. Hindi na-broadcast ang tungkol sa burol kaya konti lang ang dumalo. Sa huling gabi, hindi ako umalis sa tapat ng kabaong pero nakatulog ako noong madaling araw. Paggising ko ay wala na ang mapa. Dapat ay kukunin ko iyon bago ang libing. Naunahan ako ng hangal na iyon.”
He didn’t commented. Nang bumalik ang babae ni Xander ay inisang lagok niya ang laman ng kaniyang baso. Pumangko ang babae sa mga hita ni Xander at naghalikan ang mga ito. Alam na niya ang kasunod niyon kaya nagpaalam na siya.
Dumiretso siya sa inukupang kuwarto ni Blandon. Ibinigay nito sa kaniya ang duplicate ng susi. Nang mabuksan ay hinanap kaagad niya ang mapa. Mabuti hindi pa napapalitan ang mga gamit doon. He found the map at the back wall of the bookshelves. Gawa lang sa flywood and dingding.
Lumuhod siya at sa ibabang bahagi niyon ay may butas. Tinakpan lang ito ng wallpaper. Kasya lang ang isang kamay niya nang maipasok. Nakapa niya ang pahabang bilog na bagay. Maingat niya itong iniangat at inilusot sa butas. May dalawang dangkal ang itim na PVC tube na may takip sa kaliwang dulo. Nasa loob daw nito ang mapa.
Ibinalik din niya ang wallpaper at inayos ang bookshelves. Isinilid niya sa kaniyang backpack ang mapa pati ang school credential ni Agatha. Habang busy si Xander ay pumasok siya sa kuwarto ni Agatha. Sisinupin niya ang posibleng maging ebidesiya para sa kaniyang planong pag-imbestiga kay Xander.
Hinalungkat niya ang mga gamit ni Agatha sa lumang aparador. Mayroon siyang universal keys na issue pa sa kanila sa military. Nabubuksan nito kahit anong seradura o kandado. Adjustable ito. Kinuha niya lahat ng gamit na magkasya sa kaniyang bag.
Hindi na siya natulog. Mag-uumaga na nang lumabas siya ng kuwarto. Tahimik na sa kabahayan. Maaring nasa kuwarto na nito si Xander kasama ang babae. Ang sabi naman nito ay maari na siyang umalis sakaling makapagpahinga siya. Ipapadala raw nito sa email ni Blandon ang listahan ng mga taong paiimbestigahan nito sa kaniya na naroon sa Pilipinas.