NAPASARAP ang tulog ni Baldwin. Nagising siya ng malakas na pag-alog ng kaniyang katawan.
“Pass seven na, bro. Baka naghihintay na sina Ate Helen at mga kasama niya,” ani ni Blandon.
Bumalikwas siya at kaagad inayos ang kaniyang sarili. Nahagip ng paningin niya si Lily na nakaupo sa harapan ng round table at sumisimsim ng red wine. Mukhang tapos nang maghapunan ang mga ito. Wala nang laman ang mga platong nakakalat sa lamesa. Humilab bigla ang kaniyang sikmura.
“Puwede bang kakain muna ako?” aniya.
“Sa Shaturi mansion ka na maghapunan. Sunduin mo muna sila Ate Helen. Kanina pa na-text iyon at sinabi na malapit na sila sa Maynila.”
Kinuha na lamang niya ang kaniyang wallet at susi ng kotse. Umihi muna siya. Napasulyap siya sa itaas ng shower. May nakasabit doong underwear ng babae. Burara talaga ang asawa ni Blandon.
Paglabas ay lumapit pa siya sa lamesa at sinulyapan si Lily. He never talk to her casually ever since he met her. Aywan niya, mabigat pa rin ang loob niya rito. Mataray ito at hindi palakibo kaya siguro hindi sila magkasundo. Inalok siya nito ng wine.
“Thanks but I just want something sour,” aniya saka pumulot ng nag-iisang tirang shrimp tempura at isinawsaw sa suka. “Bye, guys!” paalam niya saka isinubo ang hipon.
“Ingat, bro. Just call me if you need some help,” sabi ni Blandon.
Hindi na siya umimik.
Pagdating sa bus terminal ay siya pa ang unang nilapitan ng matabang ginang na nakasuot ng abuhing palda at pulang blouse. Kulot ang buhok nito na nakatali na iisa. Morena ito, matangkad at hindi naman katandaan. Tantiya niya’y nasa early fifties ang edad nito.
Ang dalawang babaeng kasama nito ay bata-bata pa rin. Maybe they both in thirties, probinsiyana at halatang batak din sa trabaho ang mga ito. Malalaki ang muscles sa binti at mga braso. Puwedeng-puwede ang mga itong kawaksi sa mansiyon.
“Sir Blandon!” nakangiting tawag sa kaniya ni Manang Helen.
Ganoon na ganoon ang mukha nito sa litratong pinakita ni Blandon. Todo ngiti naman siya kahit hindi siya ganoong tipo. He has to act like his twin brother in front of other people involved in Agatha’s life.
“Kumusta po?” kaswal niyang tanong sa ginang.
“Ayos lang naman. May makakasama naman sa bahay ang dalawang anak ko kaya okay lang na magtrabaho ako sa malayo basta huwag sa ibang bansa,” anito.
“Mabuti. So, shall we go?”
Tumango ang ginang.
Iginiya na niya ang mga ito sa kaniyang kotse. Ang dalawang kawaksi ay sa backseat umupo. Katabi naman niya si Manang Helen. May malalaking bag na dala ang mga ito at nakakarton na prutas kuno at gulay.
Inabutan pa sila ng traffic palabas ng Metro Manila. Nag-uusap ang dalawang babae sa backseat sa wikang Ilocano. May naiintindihan siya konti dahil may naging driver dati ang daddy niya na Ilocano.
“Nabisin ak, Susan,” angal ng isang babae sa gawing kaliwa.
Nagugutom daw ito. Iniliko niya ang sasakyan sa kaliwa at pumasok siya sa makitid na kalsada ng fastfood chain. Pumila sila sa drive tru.
“Ay, naawatan ni Sir. Ag-drive tru tayo kano,” sabi naman ng isang babae.
“Apay nabisin ka manun, Antonia? Nalpas tayo nangan yah,” si Manang Helen, sinita ang kasama na nagrereklamong gutom kahit kumain na pala ang mga ito.
Napangiti siya. “Okay lang po, Manang. Mahaba pa ang traffic baka gutumin kayo lalo sa daan. Ako rin ay gutom na,” aniya.
“Ay e, sige pala, sir. Apay amom ag-Ilocano?” si Maang Helen.
“Basit laang,” aniya.
“Ang bait naman ni Sir,” komento ng nangangalang Susan.
“Mabait talaga si ir Blandon,” gatong pa ni Manang Helen.
He grinned. Helen doesn’t have an idea who he truly is.
“Eh kumusta naman po si Agatha?” mamaya ay usisa ni Manang Helen.
“Makulit pa rin,” tipid niyang tugon.
“Nako, sana naman magbago na siya. Ang sadista ng batang iyon kaya minsan hindi ko pinapansin.”
“Pero nasanay na po ata siya sa inyo. Bukam-bibig niya kayo kahit noong nasa-Tokyo pa kami.”
“Eh kasi ako lang ang nakapagtitiyaga sa kaniya.”
“Iyang mga kasama n’yo po, na-orient n’yo na ba?”
“Opo. Sanay na silang mangamuhan, parehong dating OFW sa Saudi.”
“Mabuti naman. Sana lang ay kaya nila ang katulad ni Agatha.”
“Kakayanin nila, sir. Si Susan, dating naabuso ng amo, palaban kaya nakatakas. Si Antonia naman, sobrang matigaya kaya kahit napasadaan ng amo ng plantsa sa binti pero nakatagal pa ng tatlong taon.”
Napailing siya sa narinig. Marami na siyang nabalitaang pinoy OFW na naabuso ng amo. Mayroon pang namatay at nagahasa. Nanggigigil talaga siya sa ganoong balita. He noticed the consequences about working abroad. Foreigners were had different behavior. Ramdam niya ang hirap ng adjustment noong nadistino siya sa Middle East kasama ang iba-ibang lahi na sundalo.
Hindi madaling makipagsapalaran sa ibang bansa lalo ang makisama sa ibang lahi na minsan ay mahirap intindihin. Upang hindi maapi, nakisama siya at ipinakitang malakas siya. Naranasan din niyang ma-bully during military training. Napag-initan din siya ng commander niya noon na isang Pakistan.
He knows that you don’t have a choice but to follow the command to stay in the group. He chose his job, and he has to boost his patient and confidence even it would drop his ego. Ganoon ata talaga, kung nasa mababa, minsan naaapakan. Kaya noong walang progress ang posisyon niya sa military ay naisip niyang mag-AWOL.
Even his shell shock reason has been denied by his stupid officers. Mamamatay siya na walang hustiya at wasak pa ang kaniyang dignidad. He killed lives in the middle of the war, and his left leg has buried in hell. He just realized that being a soldier was not just giving your life for freedom but dragging yourself in miserable death.
May sinumpaan nga silang tungkulin, at pinili niya ang trabahong iyon kaya wala siyang dapat ireklamo. Pero ang naging karanasan niya ay hindi makatarungan. Hindi lang sa bala namamatay ang mg kasama niya kundi sa gutom at infection, viral infection mula sa mga insektong kumakagat sa kanila habang natutulog sila sa masukal na kagubatan.
Noong nagreklamo sila ay sila pa ang napasama. Kesyo mga palpak ang trabaho nila. Tama nga ang mga kaibigan niya, kung nasa mababa ka, pambala ka lang sa kanyon. Kaya gusto niya noong magtagumpay sila sa misyon upang makaangat ang ranggo niya, kaso, isinabak sila sa giyera na biglaan at hindi tantiyado ang dami ng kalaban kaya nahulog sila sa bitag. Mabuti nakatakas sila kung hindi ay nabalatan sila ng buhay at pinagulong sa asin.
Iba-iba naman talaga ang pamamahala sa military. Minsan, dahil ito sa opisyales na may hawak sa grupo. Minalas talaga siya dahil napunta siya sa opisyales na ginagawang tuta at mga langgam ang nasasakupan nito. Gigil na gigil pa rin siya. He never felt regret about quitting his stupid job. At least now, he had peace of mind, na matagal nang inuungot ng kaniyang isip.
Pasado alas-diyes na ng gabi sila nakarating sa mansiyon. Nakapatay na ang ilaw sa loob ng mansyon pero umalingawngaw ang lakas ng volume ng telebisyon sa salas. Gising pa ang aswang, este si Agatha.
Pagpasok nila sa malaking pintuan ay kaagad silang sinalubong ni Agatha. Tumalon ito kay Manang Helen at mahigpit na yumakap.
“Yaya Helen! You’re here na!” excited nitong sabi.
Halos matumba naman ang ginang mabuti matibay rin ang mga tuhod. Gising pa si Aleng Lokreng na pansamantalang pinagbantay niya kay Agatha. Paano nga naman ito makatutulog kung tila may sinehan doon? Nangangalumata na ito.
Ito na ang nag-assist sa dalawang kawaksi para makapagpahinga na rin. Gusto naman sana niyang umuwi muna upang bisitahin na rin ang kaniyang negosyo. Ang problema ay hindi pumayag si Agatha na aalis na naman siya. May ipapakita raw itong bagong natuklasang palabas sa telebisyon.
Pinagpahinga na rin niya si Manang Helen. Sinamahan niya sa panonood si Agatha habang magkatabi sila sa sofa pero may distansiya. Napangiwi siya nang makita ang ipinagyayabang nitong palabas. May cable na ang telebisyon kaya maraming channel.
Tuwang-tuwa ito sa pinapanood tungkol sa autopsy. Sanay na siyang nakakikita ng patay pero iba pa rin ang autopsy kung saan ay binubuksan ang katawan ng tao.
“How can I be a doctor, Blandon? I want to work in the hospital. Like them, oh. They slit the body and open it to discover the patient’s cause of death,” sabi nito.
“Hindi madaling maging doktor na gumagawa ng ganyang trabaho. Marami kang dapat pag-aralan at matagal,” aniya.
“Ilang taon?”
“Mga twelve to fifteen years.”
“As in? Eh mukhang madali lang naman kumatay ng tao.”
Natawa siya pero bigla ring kinilabutan. Ibang katay ata ang tinutukoy nito. Inaantok na siya pero ayaw pa nitong magpatulog. Hindi puwedeng gusto lang nito ang masunod
“Tama nang panood, matulog ka na,” aniya saka siya tumayo.
Natigilan siya nang pigilan siya nito sa kanang kamay. Ang higpit ng kapit nito tipong nanuot ang init sa kaniyang laman.
“Please stay here,” samo nito.
Umupo naman siya pero hindi na nanood. Nauumay siya sa eksena sa pelikula. Parang hayop na kinakatay ang tao. May trauma siya sa ganoong senaryo, noong nasaksihan niya na kinatay nang buhay ang kasama niyang sundalo na nahuli ng rebelde. Simula noon ay nahihirapan na siyang humarap sa kritikal na digmaan.
At least, his doctor helps him to recover from the shell shock, though it’s still bothering him sometimes. Iniiwasan na lang niya ang mga bagay na maaring mag-trigger sa isip niya na mabuhay ang trauma. Mabuti pinahinaan ni Agatha ang volume ng telebisyon. Ginugupo na siya ng antok.
Mahaba-haba na rin ang naitulog ni Baldwin nang magising siya madaling araw. Tahimik na at madilim. Pero ang una niyang napansin ay ang makapal na kumot na nakatakip sa katawan niya. Nakahiga na siya sa sofa at may unan pa sa ilalim ng kaniyang ulo. May nakatutok na stand fan sa kaniya. Sino naman kaya ang nagbigay sa kaniya ng unan at kumot at nag-ayos sa pagkakahiga niya?
Hindi na siya nakatulog ulit. Alas-kuwatro na ng madaling araw. Bumangon siya at pumasok sa kusina. Nagpainit siya ng tubig. May kapeng barako roon pero mas gusto niya ng may cream. Fresh milk na lamang ang inilagay niya at honey and kaniyang asukal.
Nagising na rin si Susan at Antonia. Itinuro niya sa mga ito ang mga gamit sa kusina. Mukhang wala sa mga ito ang nagbigay sa kaniya ng unan at kumot dahil naunang natulog ang mga ito. Si Aleng Lokreng naman ay umuwi pagkadating nila. Maaring si Manang Helen nga ang nag-asikaso sa kaniya.
Nang maubos ang kaniyang kape ay bumalik siya sa salas at tinupi ang kumot na ginamit niya.
“Bakit dito ka natulog, sir?” bugad ni Manang Helen nang lapitan siya.
Nilingon niya ito. Mukhang hindi ito ang nagbigay ng kumot at unan sa kaniya. Saka niya napansin ang kulay ng kumot. Pink ito na bulaklakin at amoy perfume ni Agatha.
“Uh… dito kasi ako inabot ng antok kagabi,” aniya.
“Naku, hindi ka man lang ba ginising ni Agatha? Napagod kasi ako sa biyahe kaya kaagad akong nakatulog.”
“So hindi ho kayo ang nagbigay sa akin ng kumot at unan?”
“Hindi. Pagkapasok ko sa kuwarto ay hindi na ako muling lumabas.”
Si Agatha nga ang nag-asikaso sa kaniya. May care rin pala ang babaeng iyon?
“Baka si Agatha,” anito pagkuwan.
Ngumisi siya. “I didn’t think that she would mind caring for other people,” komento niya.
“Huwag ka, sir, malambing si Agatha. Kahit nga inaaway ako niyon minsan, pagkatapos naman ay yayakapin niya ako at magso-sorry siya. Minsan naman kapag nakita niya na busy ako ay binibigyan niya ako ng tubig or meryenda. Iyon ang nagustuhan ko sa kaniya. Kahit kay Sir Xander ay malambing siya. Kaso hindi lang talaga marunong mag-appreciate si Sir Xander at ayaw na nilalambing kaya hindi sila magkasundo minsan ni Agatha,” kuwento nito.
Kumukulo talaga ang dugo niya sa tuwing naaalala si Xander, at ang mga ginawa nito kay Agatha. Alam niya marami pa siyang matutuklasan na lalong ikabuwisit niya.
“Mas magiging malaya po si Agatha rito kaya sana ay magtulungan tayo na turuan siya sa mga bagay na hindi niya alam,” sabi niya.
“Opo, mas komportable ako rito kasi wala si Sir Xander.”
Curious lalo siya kung paano ba magtrato ng kasambahay si Xander.
“Kumusta naman si Xander sa iyo, Manang? Maayos naman ba siyang maging amo?” hindi natimping usisa niya.
“Ahm, medyo mahirap talaga siyang pakisamahan, sir. Magaan din ang kamay niya. May mga kasambahay siyang nasaktan noon. Pero pagdating sa suweldo wala namang problema.”
Nanggigigil siya. “Nasaktan na ba niya si Agatha?”
Matamang tumitig sa kaniya ang ginang. “Minsan po nasasaktan niya si Agatha noong may nasuntok na babae ni Sir Xander si Agatha. Nilatigo niya si Agatha na hubad. Awang-awa ako noon kay Agatha. Mabuti hindi na iyon nasundan.”
Nagtagis ang bagang niya. Ganoon pala kalupit si Xander, paanong na-appreciate pa ni Agatha ang gagong iyon?
“Sige po, salamat,” aniya.
Nang umalis ang ginang ay dinala na niya sa kuwarto ni Agatha ang unan at kumot. Hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto kaya pumasok na siya. Walang kumot at unan ang dalaga. Naka-bikini bottom lang ito kaya para siyang idinadarang sa apoy nang pasadahan ito ng tingin.
Ang lamig ng kuwarto nito ‘tapos wala itong damit at kumot. Ibinigay nito sa kaniya ang kumot at unan. May unan pa ito sa paanan pero sa ulo wala. Nilapitan niya ito at nilagyan ng unan sa ilalim ng ulo. Iniladlad niya ang kumot at itinakip sa katawan nito. Gumalaw ito at tumihaya.
“X-Xander…” bigkas nito.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Akmang hahawakan niya ito sa balikat ngunit muli itong nagsalita.
“Sorry na… hindi na ako uulit,” anito sa malamyos na tinig.
Binawi niya ang kaniyang kamay at hinayaan na lamang itong managinip. Mukhang may trauma rin ito dahil sa pananakit ni Xander.
Inayos na lamang niya ang kumot nito. Mamaya ay biglang pumitik ang kanang kamay nito at tumama sa baba niya.
“s**t!” Napaatras siya.
“Ang bad mo! You said you love me! You lied to me!” asik nito ngunit nanatiling nakapikit.
Mukhang may tama rin ito kay Xander, hindi nga lang aware. Kung sa bagay, magandang lalaki si Xander, kaya habulin din ng babae. Salbahe naman at abusado He will find ways to prove his accusation against Xander.