Chapter 6

2380 Words
SUMAKIT ang sintido ni Baldwin. Nabulabog ang staff ng ospital dahil kay Agatha. Mali ata ang pinagdalhan niya rito. Dapat pala sa psychiatric hospital niya ito dinala. Mabuti nakatulog na ito matapos kumain ng spaghetti. Hindi na niya pinabalik ang suwero sa kamay nito dahil nagwawala. Hindi niya pinalagyan ng cheese ang spaghetti at konting sauce lang. Mukhang tama si Xander, mentally unstable si Agatha. Naiinis din siya. May mali talaga sa pagpalaki rito ni Xander. He has the feeling that it was intentional. He won’t stop finding out the truth behind Agatha’s condition. Kalaunan ay natanto niya na labas na iyon sa kaniyang trabaho. His job was temporary, and he doesn’t need to focus on Agatha’s life. May iba siyang goal, ang mapalago ang kaniyang negosyo at makatulong sa ahensiya ng kaniyang ama. At siyempre, mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay nila. Nakapikit na si Baldwin habang nakaluklok sa bench sa may gawing kaliwa ng pintuan. Mamaya ay may pumindot sa tungki ng kaniyang ilong. Antok na antok na siya pero napamulat siya ng mga mata nang maaninag ang bulto ni Agatha na nakatayo sa kaniyang harapan. He stared at her almond shape eyes while thoughtfully staring at him, too. His pretty face instantly fades his boredom. Her eyes blinked like a silly cat wanting to play with him. Kumurap-kurap siya nang mapansin na nakasilip ang cleavage nito habang ito’y nakayuko sa kaniya. Her hands were on her knees. “You should sleep on the bed, Blandon,” anito saka malapad na ngumiti. Inalis niya ang tingin sa dibdib nito at ibinalik sa maamo nitong mukha. “Ah, no, you should sleep,” aniya. “I’m just awake. Ikaw ang dapat matulog. You look tired.” “Okay na ako rito.” “Gusto mo tabi na lang tayo sa bed?” Her eyes widen. Napanganga siya. Is this woman knows what privacy is? “Hindi na, ayos na ako rito. Ikaw na lang ang mahiga sa kama. Sanay naman akong matulog na nakaupo, eh.” Bigla itong umupo sa tabi niya, sa gawing kaliwa. Isiniksik pa nito ang katawan sa kaniya at yumapos sa kaniyang braso. Ang init ng katawan nito ay tila apoy na unti-unting tumutupok sa kaniyang depensa bilang lalaki. Kahit anong giit niya na isip-bata si Agatha, hindi maikakailang nakatutukso ang alindog nito, which is one of his weaknesses when it comes to woman. “Hindi puwedeng dikit ka nang dikit sa akin, Agatha. May privacy ka dapat dahil babae ka at amo kita,” sabi na lamang niya. Hindi naman niya ito magawang itulak. “Bakit naman? Xander said that I need to trust you. Only you could give me protection since your are my escort.” Tiningala siya nito at diretsong tumitig sa kaniyang mga mata. “Yeah, but I am just an escort. My job was to look after you. Hindi puwedeng magkaroon tayo ng mas malalim na ugnayan.” “What do you mean by that?” curious nitong tanong. “Magagalit si Xander kapag hindi ko nagagawa nang tama ang trabaho ko. Bawal kang mapalapit sa akin.” Kumalas ang kamay nito sa kaniyang braso at dumistansiya may isang dangkal ang pagitan sa kaniya. Humalukipkip ito. “I like you as my escort, Blandon. You’re so kind to me,” anito. “I’m just doing my job, Agatha, nothing special with it. But of course, I am willing to help if you need a guide for everything you wanted to know.” “Uhm, I think Xander didn’t see us right now, so I can do whatever I want.” Tumayo ito at humarap sa kaniya. “Can you bring me to your place, Blandon?” Nakangising sabi nito. “What?” Napatungo siya rito. “Are you crazy? You can’t go outside while you’re still under medication. Magagalit ang doktor mo kapag nagpumilit kang aalis kaagad.” “But I’m bored here. I want to see outside.” Namaywang ito. “You can go outside but not now. Maghitay tayo ng desisyon ng doktor. At saka paano ka gagaling niyan kung hindi mo sinusunod ang payo ng doktor?” “I’m okay now. Look at me.” Lumundag-lundag ito. Sa dibdib siya nito nakatingin na tumatalbog din. Parang bata na hawak nito ang tainga at ilong habang lumulundag na parang palaka. Napasintido siya. “Stop that, Agatha! Go back to your bed and sleep,” saway niya rito. Tumigil naman ito at tumayo nang tuwid. Hinapo rin ito. “Why are you so killjoy? If you’re not going to agree with me, sleep with me on the bed so I can tell you a story.” Mariing kumunot ang noo niya. Mukhang malaki talaga ang pinsala nito sa utak. Napaisip tuloy siya na baka ganoon din ito kakulit pagdating kay Xander. Kahit sinong lalaki, makararamdam ng init kapag nakasama ang babae na may kasing sexy at ganda ni Agatha. Baka nga pinatos na rin ito ni Xander. Xander was sexually liberated. Noong unang gabi nga niya sa Shaturi residence na nakainuman ito ay nakipagtalik sa babaeng fling, in front of him. Though sanay na siya sa ganoong mga lalaki dahil minsan ay ganoon siya. Nakipagtalik na siya sa bar kasama ang kapwa sundalo. Pero tila mistulang bangungot na lamang ang mga karanasan niya. He becomes wild after breaking up with Amanda. Though a woman wanted space and did not officially break up with him, he assumed it would be forever, and Amanda would never come back. Masaya naman siya kahit papano na walang girlfriend or fling. Gusto talaga niyang baguhin ang kaniyang sarili para sa katahimikan ang kaniyang buhay. Umupo na sa gilid ng kama si Agatha nang siguro mainip dahil hindi niya ito pinapansin. Inilugay nito ang ga-baywang na buhok at sinuklay ng daliri. Bigla siyang naawa rito. “Uhm, Agatha, kumusta naman sa iyo si Xander?” usisa niya. Tumitig ito sa kaniya. Magkaharap lang sila nito. “Uh… he said he loves me, and he won’t allow anybody to hurt me, but he’s cheating. I caught him with a woman on the bed,” she said with full of disappointment. “He loves you? What do you mean?” “Kasi ang sabi niya pakakasalan daw niya ako, ‘tapos magkakaanak kami. Pero bigla siyang nagbago. Hindi na niya ako hinahalikan, or even doing those things we suppose to do.” Nagtagis ang bagang niya. “You mean, you had s*x with him?” Namilog ang mga mata nito. “Hindi ba iyon ‘yong nakapatong ang lalaki sa babae while they both naked? Ganoon kasi ang nakita ko na ginagawa ni Xander at iyong babae.” “Yes, like that. Pero ikaw ba at si Xander ay ginawa iyon?” “Nope. He just put his huge shaft in my mouth, so I need to suck him until he releases sticky fluid and--” “s**t! Gago pala ang isang iyon!” malutong niyang mura, na nagpatigil kay Agatha sa pagsasalita. Ginawa ba namang parausan ni Xander si Agatha. Gigil na gigil siya. He got it. Xander wants to marry Agatha to have full access to the Shaturi wealth in legal ways. But Xander could not stand as Agatha’s lover, and he was still looking for a woman who would give him satisfaction in the s****l matter. “But Xander never dare to have s*x with me,” ani ni Agatha. “Yes, but using your mouth to release his lust was not sound good. He’s bad.” “That’s not true. Xander cares about me. He loves me,” giit nito. Marahas siyang tumayo. “Wala kang alam, Agatha! He wants your wealth; that’s why he said he loves you and planning to marry you.” “I don’t get it.” “Of course, because he manipulated your mind. Allow me to teach you those things that would enlighten you about Xander.” Mariing kumunot ang noo ng dalaga. “Hindi mo kasi kilala si Xander. Kahit masungit siya minsan, hindi niya ako hinayaang masaktan ng ibang tao.” Lalo siyang nairita nang ipagtanggol pa nito si Xander. Imbes na wala na sana siyang pakialam pero naaawa siya kay Agatha. “Nabulag ka lang ng mga matatamis niyang salita, Agatha. I hope you never felt love towards him.” “How could I prove that I felt love?” “Mararamdaman mo iyon kung may pakiramdam ka. Kung naiinis ka sa mga babae ni Xander, at ayaw mo na may iba siyang nagugustuhan, then, you’re falling for him. Nagseselos ka sa ibang babae at gusto mo sa iyo lang nakatuon ang atensiyon niya. Pero puwede ring obsesyon iyon.” “I didn’t felt jealous. I’m just curious why Xander having s*x with different women.” “Manyak ang kuya-kuyahan mo, Agatha!” “Ha?” maang pa nito. “Oo nga pala, hindi kuya ang turing mo kay Xander. Hindi ka rin niya itinuring na pamilya kasi hindi naman siya legally adopted ng dad mo.” “Pero ang sabi niya gusto talaga ng dad ko na maikasal ako kay Xander. Iyon daw kasi ang pangako ni Dad sa kaniya.” “At naniwala ka naman.” “Hindi ko maintindihan. Bakit ganoon, Blandon? Kung mahal ako ni Xander, dapat noon pa niya ako pinakasalan hindi ba?” Dahil gusto ka talaga niyang patayin. Ang yaman mo lang ang kailangan niya, ngali-ngali niyang sabihin. “Kalimutan mo na lang ang mga sinabi niya sa iyo. Narito ka para matuto ng mga bagay-bagay at mag-aral. Kapag marami ka nang alam, maiintindihan mo na ang nangyayari,” sabi na lamang niya. Parang sinakluban ng langit ang dalaga. Nanilim ang anyo nito, nalungkot. Pagkuwan ay humiga na ito sa kama. KINABUKASAN ay kinausap ni Baldwin ang doktor. Pumayag na rin ito na makalabas si Agatha matapos masuri ang kalusugan ng dalaga. May iniresita lang itong gamot at listahan ng mga pagkaing bawal at puwedeng kainin ng pasiyente. Tuwang-tuwa naman si Agatha nang makauwi sila sa mansiyon. Iniwan niya ito roon dahil susunduin niya si Manang Helen at mga kasama nito na darating sa gabing iyon. Pero pagkatapos pa lang ng tanghalian ay umalis na siya. Dadaan pa kasi siya sa opisina ng Black Sparrow Organization at nang makausap si Blandon. Kararating lang din ni Blandon sa opisina mula sa istasyon ng pulis. Inalok pa siya nito ng pizza pie na binili nito sa labas. “Nai-forward na sa akin ni Xander ang medical records ni Agatha,” sabi ni Blandon. Magkaharap silang nakaupo sa mini dining set sa extension ng opisina. Nai-print na nito ang nai-email na dokumento ni Agatha. “Gago talaga si Xander,” gigil na wika niya. “Bakit na naman?” amuse pang tanong ng kakambal niya. “Akalain mo, pinapasubo pala niya kay Agatha ang kargada niya,” walang gatol na sabi niya. Napaubo si Blandon, tila nasamid. “Hayop siya!” Napamura rin ito. “Hindi siya nakontento sa mga babaeng dinadala niya sa mansiyon. Pati ang walang muang na dalaga pinatos?” “I’m not sure if nagsasabi ng totoo si Agatha, na hindi siya ginalaw ni Xander.” “She didn’t lie, bro. Pero pinakulo ni Xander ang dugo ko,” ani ni Blandon. “I can’t take it. Mag-e-imbestiga ako tungkol sa kaniya.” “Seryoso ka ba riyan? Akala ko ba magiging escort lang ni Agatha ang tatanggapin mong trabaho?” Inisang lagok niya ang soda in can. Aywan din niya bakit bigla siyang naingganyong ungkatin ang ugnayan ni Xander kay Agatha. Gigil siya na maturuan si Agatha na maging bukas ang isipan nang sa gayon ay maunawaan nito ang nangyayari sa paligid. “I just want to help, Agatha,” aniya. “Sounds good. I’m willing to help you, bro.” “Dapat lang dahil trabaho mo ito!” Tumawa nang pagak si Blandon. “It’s time to switch your goal in life, Bald. Since you don’t plan to settle down, at least spend your life with good people and help those in need. Hindi maganda ang naging karanasan mo sa previous job at buhay mo, so it’s time for you to explore the new one,” anito. “Katulad ng ano, Blandon?” tiim-bagang na gagad niya. “Like what you are doing now. Malay mo, sa bagong buhay na ito mo matatagpuan ang kakuntentuhan. Stop chasing your dream that wasn’t fit in you.” Ngumisi siya. “You know that I am not mentally stable sometimes. I’m bipolar, mainipin, mainitin ang ulo. Kaya minsan mas gusto ko na lang mapag-isa, ‘yong walang makaaabala sa pag-iisip ko. But you gave me a job that I don’t know how to handle.” “Kaya mo ‘yan. Si Agatha lang naman ang aatupagin mo.” “Si Agatha lang? Wala kang alam, bro.” Umiling-iling siya nang maalala ang eskandalong nagawa ni Agatha sa ospital. “Binulabog niya ang staff ng ospital kahapon,” kuwento niya. “Bakit?” Napatuwid ng upo si Blandon. “Pumasok ba naman siya sa laboratory at may nurse na pinilipit ang kamay. Pagkatapos binaklas niya ang suwero sa kamay niya kaya nataranta ang staff.” Natawa si Blandon. “Pambihira. Ano naman ang pumasok sa isip niya?” “Mukhang kailangn niya ng regular psychiatric assistant.” “Good idea, pero hindi maaring malaman ni Xander ang hidden agenda mo. Hindi kasama sa medical records na pinadala niya ang sinasabi mo na may amnesia si Agatha. Ang meron lang sa record ay tungkol sa medical condition niya na hindi ako sigurado kung totoo. Maraming allergies si Agatha. Hindi siya puwede sa seafood at may gatas na pagkain at may itlog or poultry product.” Umalon ang dibdib niya. “I got it.” Kinuha niya ang naka-envelop na medical records ni Agatha. “Mga alas-siyete ng gabi ang dating ni Ate Helen sa bus terminal sa Pasay. Partas transit iyon bro from Ilocos. Dalawang babae ang kasama niya,” pagkuwan ay sabi ni Blandon. “Copy. May oras pa ako para matulog. Napuyat ako sa ospital, eh.” Uminom din siya ng wine para mabilis siyang makatulog. Nang maubos ang inumin niya ay lumipat siya sa kama. Doon din minsan natutulog si Blandon kasama ang asawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD