HINDI pa rin sumasagot sa tawag ni Baldwin si Blandon. Pabalik-balik siya sa labas ng pribadong ward na inuukupa ni Agatha. Na-dehydrate na ang dalaga. And sabi ng doktor ay may lactose intolerant daw si Agatha at sinsitibo ang sikmura sa pagkain na mayroong gatas o dairy products. Paano nga namang hindi masira ang tiyan nito eh ginawang sabaw sa halo-halo ang evaporated milk?
Sumakit ang ulo niya. He can’t imagine himself caring for a naive, naughty woman. Agatha was the weirdest human being that he had ever met, Minsan ay hindi rin niya maintindihan ang kaniyang sarili pero kahit papano ay alam niyang ilugar ang kaniyang kawerduhan,
Lumuklok siya sa bench saka muling nag-dial sa kaniyang cellphone, Sa wakas ay sumagot din si Blandon,
“Ang tagal mo namang sumagot,” kaagad ay maktol niya,
“Bakit na naman ba? Nasa pilice headquarter ako ngayon at naka-duty,” sagot nito, may iritasyon sa tinig.
“I can’t take it, bro. We’re now in the hospital, Naisugod namin si Agatha,” aniya,
“What? Bakit?” Napabulalas ito.
“Wala ba siyang medical records? Nasobrahan siya ng kain ng halo-halo, ayon, na-dehydrate. May lactose intolerant pala siya sabi ng doktor.”
“s**t! How is she?”
“She’s recovering now.”
“Tingnan mo ang papeles niya na pinadala ni Xander. Baka may medical records siya roon,”
“I guess wala. Imposibleng ipapakita ni Xander sa iba ang medical records ni Agatha, mabubuking ang sikreto niya.”
“Okay, basta bantayan mo lang siya.”
Bumuga siya ng hangin. “Ano ba talaga ng trabaho ko rito? Wala ka pa bang nakuhang katulong? Si Manang Helen, kailan darating?” inip na sabi niya.
“Bukas na bibiyahe si Ate Helen, may kasama siyang dalawang babae na magtatrabaho rin sa mansiyon. Konting tiis na lang, luluwag din ang trabaho mo.”
Hindi na siya nakasagot nang lumabas ang nurse na nag-asikaso kay Agatha. Nagpaalam na lamang siya kay Blandon. Hindi pa bumabalik si Aleng Lokreng upang palitan siya sa pagbabantay kay Agatha.
Humihilab na ang sikmura niya. Wala pa siyang ibang kinain maliban sa halo-halo. Maghahapunan na naman. Aalis na sana siya upang bibili ng pagkain nang may sumigaw mula sa loob ng kuwarto,
“Blandon!” tinig ni Agatha.
Napatakbo siya papasok ng kuwarto. Gising na pala ito at nagwawala. Maagap niyang pinigil ang kamay nito na akmang hihiklasin ang suwero.
“Take this thing off me! I hate it!” nagpupumiglas nitong sabi.
Ginapos niya ito sa magkabilang braso. “Calm down! You’re dehydrated; you need to stay here until you feel better,” aniya.
Kumalma rin ito ngunit tulalang nakatitig sa mukha niya. Her eyes were full of fear, until a tears ran through her cheeks.
“T-they injected me of something, right?” nangangatal ang tinig na gagad nito.
“Yes, but the medicine will help you to recover.”
“No! I wanna go home! Please, Blandon! Let me out here!” nagpupumiglas na namang sabi nito.
“No now, Agatha. Hitayin nating gumaling ka.”
Natigilan siya nang bigla itong yumapos sa baywang niya. Isinubsob nito ang mukha sa kaniyang puson.
“The doctor will come to inject me, then, I will sleep until tomorrow,” anito.
“Hindi, mababait ang doktor dito. Aalagaan ka nila.”
Nag-angat ito ng mukha. “I won’t trust anyone here, Blandon. Please, stay with me.”
“O-okay, I will stay here,” sabi na lamang niya.
Kumalas na ito sa kaniya. Mabuti dumating si Aleng Lokreng at may dalang mga damit ni Agatha. May dala rin itong pagkain. Kumain na muna siya. Kinain naman ni Agatha ang pagkaing rasyon ng ospital para sa pasyente.
Binabantayan ng dalaga ang kilos niya kaya hindi tuloy siya makatakas. Gusto na niyang umuwi at maligo kaso likod lang niya ang tinitingnan nito. Si Aleng Lokreng na naman ang pinauwi niya at upang kumuha ng kaniyang damit.
“Where are you going, Blandon?” tanong ni Agatha nang lumapit siya sa pintuan.
“Ah, lalabas lang ako, may bibilhin,” aniya.
“I’ll go with you.”
Napangiwi siya. Nilingon niya ito. Nakaupo lang ito sa kama at seryosong nakatitig sa kaniya.
“You can’t go outside, Agatha. Don’t worry, I’ll be right back after a minute.”
“Ano nga kasi ang gagawin mo?”
“Bibili lag ako ng candy.”
“Candy?” Namilog ang mga mata nito. “Hindi ba iyon ang matamis na matigas at maliit na pagkain ng bata?”
Natawa siya. Pambihira, pati candy hirap itong kilalanin. “Yes, but candy was not just for kids.”
“Bakit ka kakain ng candy?”
He had realized that candy helps him to stop smoking. Though his doctor gave him a supplement to avoid any complications, he does regular exercise. May limang taon ding diretso siyang naninigarilyo, lalo noong nasa serbisyo pa siya ng military. It’s been one year since he stopped smoking.
“Uhm, nakasanayan ko na kasi na may candy sa bibig para pantanggal umay sa kinain ko,” aniya.
“Gusto ko rin ‘yong may chocolate sa loob!” sabi nito, sumigla ang mukha.
“Uh… I’m not sure if puwede sa iyo ang ganoong candy. Karamihan kasi sa chocolate ay may gatas. Bawal kang kumain ng may gatas.”
Bumusangot ito. “I’m hungry,” reklamo nito.
“Katatapos mo lang kumain, ah.” Mariing kumunot ang kaniyang noo.
“Konti lang naman ang food na binigay. I want pasta.”
Napakamot siya ng ulo. Kailangan pa niyang kausapin ang doktor nito para malaman kung puwede na rito ang pasta. Kaso may cheese ang pasta, na may sangkap ding gatas.
“I’ll ask your doctor first, okay?” aniya.
Tumango lang ito. Mabuti wala itong angal nang magpaalam siya.
HUMIHILAB na naman ang sikmura ni Agatha. She doesn’t understand why Blandon needs to bring her to the hospital. Her condition wasn’t severe, she guessed. Although she had felt something wrong in her stomach, it was nothing to worry about. Madalas siyang nakararamdam ng ganoong kumukulo ang sikmura niya at nagdudumi pero sa palagay niya ay dahil iyon sa pagkain.
Xander once said that she has to be picky in the food, especially those unfamiliar. She doesn’t understand why people have a different opinion when it comes to food. Pare-pareho lang namang tao at kumakain. Natapos naman niya kahit papano ang high school at senior high kahit modular class at on-line lang. Kaso sobrang mabababa ang grades niya. Bihira siya nagkaroon ng teacher na face to face siyang tinuturuan.
She has limited knowledge because she has never been interested in her modular or online class, even face-to-face learning. Inaaway kasi niya ang kaniyang guro. Kasalanan niya rin bakit wala siya masyadong natutunan. Ayaw niya na tinuturuan siya, o pinipilit na gawin ang mga bagay na ayaw niya. Gusto niya ay yaong nadidiskubre niya ang mga bagay-bagay na hindi sinasadya, it felt more exciting. Pero simula nang mapadpad siya roon sa Pilipinas at nakasama si Blandon, bigla siyang naingganyo na mag-explore.
Ang tagal bumalik ni Blandon. Inip na inip na siya sa paghihintay. Humihilab na naman ang kaniyang sikmura. Kakarampot lang kasi ang pagkain na binigay sa kaniya at wala masyadong lasa. Hindi masarap. Naiirita siya sa suwerong nakatarak sa kaniyang kaliwang kamay.
She hate the feeling of being hospitalized. Feeling niya ay magkakasakit siya nang malubha. Nakita niya ang kalagayan ng mga pasyente sa medical Korean drama na madalas niyang panoorin. Parang ang astig kasi ang huhusay ng mga doktor magpagaling ng taong may sakit.
Ang dami na niyang naisip pero hindi pa bumabalik si Blandon. Tumayo siya at kinuha ang nakasabit na dextrose. Yeah, she knows a lot of medical apparatus can be found in the hospital. Kahit nanghihina pa’y naglakad siya palabas ng ward. Lilinga-linga siya sa kaliwa’t kanang pasilyo. Tahimik na. May iilang taong palakad-lakad, mga nurse at mga naka-berdeng damit na lalaki.
“Hello!” matabang ang ngiting bati niya sa lalaking tumawid sa tapat niya.
He gazed at her and gave her a wide smile. He’s good-looking, tall, masculine. He wore a sky blue uniform, the same design as the other staff.
“Have you seen, Blandon?” tanong niya.
“Excuse me?” anito na napapahinto.
“Nakita mo ba si Blandon? Ang lalaking kasama ko,” ulit niya.
“Ah, hindi ko siya kilala. Mas mainam kung bumalik ka na sa loob ng kuwarto at hintayin ang kasama mo,” sabi nito.
“Okay.”
Ngumiti pa ang lalaki bago umalis. He’s polite, unlike the other people she had encountered in Japan. May nurse na kasama noon ang doktor niya na bumisita sa kaniya, ang sungit. Babae iyon, na madalas siyang turukan ng kung ano, pagkatapos ay bigla siyang manghihina.
Hindi na niya mahintay si Blandon. Naglakad siya sa kaliwang pasilyo. Pagdating sa dulo ay nahati sa dalawa ang pasilyo. Lumiko siya sa kanan. Maraming pintuan doon. Pangarap niya iyon, ang makapag-explore sa loob ng hospital.
Medyo madilim na sa dulong bahagi ng kanang pasilyo. Bumalik siya at tumuloy sa kaliwa. Mas maliwanag doon ngunit wala ng taong naglalakad. May bumukas na pinto sa kaliwang silid at lumabas ang lalaking nakaupo sa wheel chair habang tulak-tulak ng matangkad na lalaking puti na ang buhok.
Napahinto siya sa harapan ng lalaking pasyente. Nagtama ang mga mata nila. He looks pale, and his eyebags were dark. Ganoon ang hitsura ng mga pasiyenteng malala na ang karamdaman sa pilekulang napanood niya.
“What are you looking at, lady?” masungit nitong tanong sa kaniya.
Kumislot siya saka umiling. Nilagpasan niya ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang marating niya ang huling pintuan na may malaking salaming pinto. Sa itaas nito ay may nakasulat na ‘laboratory’. She knows what inside the laboratory. Dito sinusuri ang mga sample ng dugo at iba pa mula sa pasiyente.
Nasabik siya at gustong makita ang totoong laboratory. Itinulak niya ang glass door. Napako ang mga paa niya sa bukana ng pinto nang mapansin na napalingon sa kaniya lahat ng taong naroon. Pero hindi ang mga ito ang pinansin niya kundi ang mga kagamitang naroon.
“May kailangan po sila, ma’am?” magalang na tanong sa kaniya ng lalaki’ng all-white ang damit.
Sinuyod niya ito ng tingin. Matangkad ito, maputi at guwapo. May suot itong surgical gloves at nakababa sa leeg ang mask. She ignored him. She scanned the spacious facility, and there are familiar machines that she saw in the movie.
“Hindi ata siya Filipina, brad,” sabi ng isang lalaki na nag-aasikaso ng maliliit na bote sa mesita.
Sinipat niya ang lalaking nagsalita. Nakasuot ito ng surgical mask pero halatang guwapo. Tunay nga na karamihan sa nagtatrabaho sa ospital ay magaganda at guwapo, lalo mga nurse.
“You should go back to your room, ma’am. This area has restricted, for authorized person only,” sabi ng lalaking humarang sa kaniya.
Matamang tinitigan lang niya ito. Curious siya. Gusto niyang makita kung ano ang sinisilip ng babae sa maliit na pahabang bilog. Kumislot siya nang hawakan siya ng lalaki sa kanang kamay. Hinuli niya ang kamay nito at pinilipit.
“Ugh!” daing nito.
Nanghihina pa nga siya, kaya hindi niya napuwersa ang pagpilipit sa kamay nito. Ang hina naman nito.
Napasugod sa kaniya ang isang lalaki at inawat siya. Naibaba niya ang dextrose na hawak kaya umangat ang dugo niya sa hose. Gusto na niya itong baklasin. Nabitawan niya ang kamay ng lalaki nang mahulog ang dextrose niya. Sa inis niya’y binaklas niya ang suwero.
“Diyos ko!” bulalas ng boses babae.
Dumugo ang pinag-alisan ng suwero, but she didn’t care. Mataas nga ang pain tolerance niya at wala siyang pakialam kung nasusugatan siya. Sanay na rin siyang nasasaktan. Nagpa-panic na ang mga tao sa laboratory. Hindi niya maintindihan bakit natataranta ang mga ito. Ang lalaking nasaktan niya ay ayaw nang lumapit sa kaniya.
Ang sabi ni Xander, kapag daw may lalaking humawak sa kamay niya na hindi niya kilala ay balian niya ng buto. Xander teaches her the basic self-defense.
“Please, ma’am, calm down. We will assist you to go back to your room,” samo ng isang lalaki.
Hindi siya pumayag na malapitan nito. Umatras siya at tumakbo palabas. Hinabol siya ng isang lalaki. May dalawang lalaki pa na humarang sa kaniya. She can’t fight them. Nanghihina siya. Napaluklok siya sa bench.
“Agatha!”
Napaangat siya ng mukha nang marinig ang tinig ni Blandon. Hinayaan niyang tumulo ang dugo mula sa kaliwang kamay niya. Palapit na si Blandon, tumatakbo.
“Damn! What you had done?” balisang tanong nito.
“Ibalik n’yo na po siya sa ward, sir. Para naman maasikaso siya ng nurse,” sabi ng lalaki mula sa laboratory.
Hindi na siya pumalag nang bigla siyang buhatin ni Blandon. Inihilig na lamang niya ang kaniyang ulo sa matigas nitong dibdib. It felt calming.