"HANGGANG dito na lang kami, boss Jolbon and Boss Jhay-R. Kailangan na rin naming bumalik kay Master Mustafa," ani Omar nang naibaba na nila ang ilang maleta. Dalawa para sa mga Küçük Bey at para sa magkaibigan. Maleta na nanggaling sa bansang Pilipinas at babalik na hindi man lang bumaba sa sasakyan. "Can you stay for a while, Omar? May gagawin muna tayo. At kung okay lang ay ibalik muna natin sa sasakyan ang mga ito. Baka paalisin tayo ng mga security," ani Boss Jolbon saka pasimpleng iginala ang paningin. "May dahilan ba, Boss? Mukhang seryoso ka eh," tugon nito. Tumango-tango lamang din si Boss Jolbon kaya't walang nagawa sina Franco at Omar kundi sundin ito. Then... "Sa palagay ko ay alam ko na kung bakit, Boss Jolbon. Nais mo bang siguraduhin kung walang inilagay na maaring mag

