"HAYAAN n'yo na ang mga gag*ng iyon. Kung totoo mang sila ang nakasagip sa mga anak ng hay●p na iyon." Kuyom ang kamao ni Master Mubarak. Kaya naman ay napatingin ang mga tauhang nakakaalam sa tunay na pagkatao. "Pero oras na may nalalaman ang mga iyon ay ikaw ang dehado, Boss. Dahil siguradong magsasalita sila. Lalong-lalo na ang babaeng iyon," sabi ng isa. "Tama siya, Boss. Sinamahan ka namin mula noon hanggang sa kasalaukuyan. Kahit pa maraming hirap ang napagdaanan natin. Ngunit lahat ng iyon ay binalewala namin. Dahil kahit ikaw ay malaki ang sakripisyo. Bakit ngayon ay hahayaan mo lang na makuha nila ang mga batang iyon?" patanong na pahayag din ng tunay na right hand man ni Master Mubarak. And, yes! To achieve a great plan, he needs to sacrifice everything, including lives! Ila

