CHAPTER FIVE

1151 Words
"BOSS, hindi ka ba nagtataka sa barkong nasa kabila?" Tinig ng right hand man ang pumukaw sa kaniyang malalimang pag-iisip. Kaya naman ay napaangat siya ng paningin. "Why? Ano ang mayroon sa barkong iyan?" balik-tanong tanong niya. "Sorry, boss, pero halika rito sa telescope upang makita mo ang nais kong ipahiwatig." Dahil ayaw naman niyang muli silang magbalikan ng tanong ay tumayo siya sa kinauupuan at lumipat sa linya ng monitor. Kaso kaagad naman siyang napamura dahil sa nakita. "F*ck! They are from this country! Those mafias are from the Middle East!" "Boss?" "Tama ang narinig ninyo, Omar at Ahmad. Kung pansinin ninyong maayos ay hindi kagaya mg barko natin. Their guardsmen are quite a lot compared to any other passenger cruiseship." "Ano ngayon ang plano mo, boss? Ah, pasensiya na kung napatanong ako." Tuloy! Napataas ang kilay niya sa tinuran ni Omar. Niyuyukuan at kinatatakutan siya ng karamihan. Ngunit hindi naman iba sa kaniya ang dalawa. Ruthless at stubborn man siya sa imahe ng mga tao subalit hindi alila ang turing niya sa mga ito. They are his brothers. "Lumangoy kayong dalawa at magpakita aa kanila. At oras na barilin kayo ay papalakpak ako. Ano pa ba kundi amg maging alerto. Aba'y gusto n'yo bang sa atin na naman ipasa amg kagaguhang iyan? Sumse!" nakataas ang kilay niyang sabi. "Boss, naman. Aba'y mas maganda na ang nagtatanong upang makasigurado. Seriously, ano ang gagawin natin ngayon. Sigurado rin naman akong nakamasid amg kabilaang pangkat." "Tama si Omar, bossing. Kilala mo naman kaming sa utos mo lang sumusunod. Kaya't kahit ano man nag plano mo ngayon ay susunod kami." Mga salitang nanulas sa bibig nina Omar at Ahmad. "Alam ko iyan, Omar, Ahmad. Sa ngayon ay kailangan nating makasiguradong human trafficking nga ang problema sa kasalukuyan. We do most of the dirty works, but we have never been into human trafficking. Let's say, panghugas kasalanan. Kailangang mailigtas natin ang nasa barko." Well, wala namang masama sa gumawa rin ng magandang bagay. "Sure, bossing. Dating gawi ba?" Paninigurado ni Ahmad. "Yes, Ahmad. Kumbaga gawin sa kanila ang hindi inaasahan. At dahil dating gawi ay wala ng mag-aakalang susugod tayo," tugon ng Mafia Boss na si Mustafa. So it be! CAPPADOCIA, TURKEY "So, nasaan ngayon ang Mustafa na iyon, Hijo? Huwag mong sabihing naging angel na rin ang demonyo sa lupa?" nakangising tanong ni Mrs Sabanci. "Hindi na iyon tatanggapin sa langit? Mommy. Dahil sa dinami-rami ng mga pinatay at ginawang masama ay mananatiling demonyo ang gagong iyon," kaagad na sagot ni Salman. Iyon nga lang ay kaagad ding umayos dahil sinamaan ng tingin ng Ginang. "Kung kaya n'yo nga lang sana itong tapatan ay hindi na tayo namumurublema sa kasalukuyan. Hah! Huwag ninyong kalimutang nasa kaniya ang full authority ng mga Sabanci. Oras na hindi natin makuha ang mga papeles na iyon ay mananatili tayong under sa gagong iyon!" mariing wika ng Ginang. "Mommy, huwag ka ng magalit. Dahil kagaya nang sinabi mi brother Salman ay marami ang kaaway ng hayop na iyon. Hindi tayo ang umaasang mawala ito sa mundo. Let's say enemies to enemies. Let our enemies eliminate him. Ayaw mo po ba iyon? Mawawala siya sa mundo na walang kahirap-hirap." Pumagitna si Fudail sa kapatid at ina. Subalit kagaya lang ng una ay sinamaan siya ng tingin. "Ilang plano na ba ang ipinatupad n'yo laban sa kaniya? Hah! May nagwagi ba? Kung marunong lang sana kayong makinig sa mga habilin ko ay namatay na ang gagong iyon sa Africa noong nakaraang buwan. Ngunit ano ang nangyari? Buhay na buhay na nga ay wiped out pa ang grupo natin doon. Kahit ang mga taga-London ay pumanig na rin sa kaniya." Ismid pa ni Ginang Sabanci. Kaya naman ay natigilan ang magkapatid. Subalit sandali lang din. "Sa palagay ko ay mayroong espiya ang gagong iyon sa angkan natin---" Pero hindi rin pinatapos ni Mrs Sabanci. "Saan mo ba iniwan ang iyong utak, Salman? Hah! Ngayon mo lang napagtanto ang bagay na iyan? Jerk! Iyan ang pagtuunan ninyo ngayon ng pansin. Ang huliin ang espiya ng lintik na iyon. You can use any kind of strategy to find out who that wretched is. Nagkakaunawaan ba tayo?" Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa magkapatid. YES, MOMMY nga ang sabayang sagot ng mga ito. SA GITNA ng Arabian Sea kung saan naroon ang ilang barko na kapwa nagmamatyag. "Hoy, babae! Halika rito!" Dinig ng grupo ng mga Filipino workers. Subalit dahil biyente sila at walang pangalang binanggit ang balbas saradong lalaki ay hindi nila iyon pinansin. Nagulat na lamang sila nang hinablot si Katrina. "Katrina!" sabayang sambit ng mga ito. "Oh, Katrina, pala ang pangalan mo, babae. Hmmm... Sa tindig mo pa lamang ay siguradong nakakatayo na ng armas. Wow! Jackpot!" Umikot-ikot pa talaga si Nadim sa dalagang takot na takot. Akmang dadakmain ito subalit naging mabilis na umiwas ang dalaga. Bumalik ito sa hanay ng mga kasamahan. "Ate Gina, parang-awa mo na, ayaw kong mapariwa---" Subalit hindi natapos ng dalaga ang pagmamakaawa sa kasama dahil ang buhok naman ang hinila ni Karim. "Huwag magpakipot pa, bebe. Hindi ba't iyan nag dahilan kung bakit pumarito kayo sa ibayong dagat? Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko ang pagkatao mo. At isa pa wala ka rin namang magagawa kundi ang sumang-ayon," nakakaluko nitong sabi saka dinila-dilaan ang labi na halos hindi na makita dahil sa kapal ng balbas! "Bitawan mo ako, Mister! Wala kang karapatang gawin iyan sa akin. Kaming mga Filipino ay pumarito upang magtrabaho. Hindi kami kagaya ninyong malilibog!" malakas na saad ni Katrina. Naunawaan man nito o hindi ang pinagsasabi niya ay wala siyang pakialam. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang makatakas sa mga ito. Kaso laking panlulumo naman niya dahil nasulyapan ang asul na asul na tubig. 'Diyos ko, paano kaya kami makatakas sa impeyernong ito? Paano nangyaring naharang ang sinakyan naming bus samantalang pag-aari ng airport?' aniya sa isipan. Kaso! "Boss Karim! Boss Nadim!" Nagtalsikan ang laway ng lalaking habol-habol ang hininga habang palapit sa kanilang kinaroroonan. "Ano ba?! Gusto mo bang ikaw ang gawin kong parausan ngayong oras?!" Nagulat man o nainis dahil hindi natuloy ang pangha-harras sa kaniya ay lihim pa ring nagpapasalamat si Katrina. Dahil nilubayan siya ng lalaki. 'Ano iyon, bakla? Hah! Gawing parausan ang kapwa lalaki? Aba'y ganoon na ba kamanyakis ang mga arabong ito?' Nakuha pa niyang saad sa isipan. Kaso! "Tatanggapin ko ang lahat ng parusa mo sa ibang araw, bossing. Igapos ko ang lahat ng mga babaeng iyan at magpakasawa ka. Subalit sa ngayon ay kailangan nating umiwas. Dahil may mga nakatunog. Kung hindi ako nagkakamali ay barko ni KOÇ ang nasa paligid---" Kaso hindi na rin natapos ng nagangalaiting balbas sarado ang nais sabihin. Dahil bukod sa umalog-alog ang barko ay nagkarambola na ang ilang kalalakihan sa labas ng main lounge ng barko. Tuloy! Hindi nila malaman kung saan pupuwesto at magtatago. Dahil hindi naglipat segundo ay sumiklab ang mainit-init na palitan ng bala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD