CHAPTER SIX

1535 Words
"TINIK ka talaga sa aming lalamunan, Koç! Bakit hindi ka na lang makuntento sa bansa ninyo!" sigaw ni Karim habang panay ang pagpalag. Kaso ismid lang ang napala sa kapwa mafia. "Ikaw ang walang kakuntentuhan, Aldulkarim. Kung hinayaan mo lang sana ang mga katulong na iyan ay hindi ako humarang. Do all the dirty and ground works. Huwag lang ang human trafficking," nakangisi nitong sagot. Kaya naman ay napatawa siya ng malakas bago nagsalitang muli. "Kailan ka pa nagkaroon ng atay at balun-balunan, Koç? Hah! Hindi mo nga pinatawad ang iyong stepmother at stepsister, ang mga hampas-lupa pa kaya? Huwag kang magpatawa, Koç!" aniyang muli. SAMANTALANG napataas ang kilay ni Mustafa dahil sa tinuran ng Mafia Boss ng Gitnang Silangan o ang tinaguriang Arabian King of Sea. Kaso wala namang binatbat sa mga tauhan niya. "Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong ilabas sa iyong bunganga. Dahil huling araw mo na ito sa mundo---" "You are indeed a beast, Koç! Bakit hindi na lang lumubog ang barko mo ngayon din---" Kaso kung pinutol ni Nadim ang pananalita niya ay ganoon din siya rito. "Gag*! Anong akala mo sa iyong sarili propeta? Santo? You are such a stupid jerk! Ano kaya kung ang lulubog? Tsk! Tsk! Halang na ang kaluluwa ko kaya't kahit si Satanas ay hindi ako tatanggapin!" sigaw niya saka ito sinipa. Tuloy! Nagmistula itong tammer na dumikit sa dingding ng barko! "Omar! Hamad! Come closer to me, now!" malakas niyang sabi na hindi man lang pinagkaabalahang nilingon ang mga tauhan. "Nandito kami, bossing. Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo?" sabayang sambit ng dalawang tinawag. 'F*ck these two men! Nang-aasar ba sila o pagod na silang mabuhay? Aba'y tinatanong pa kung ano ang ipapagawa ko sa kanila samantalang hindi sila baguhan!' Ngitngit niya. "Fetch those ingrate bastards. Itawag ninyo sa mga Motowa ng Duba Port (Saudi Arabia) to İskenderun/Mersin (Turkey). Sila na ang bahala sa nga disturbong iyan. Bilisan ninyo at malayo pa ang ating biyahe!" "Ah, huwag n'yo ng ipaalam na tayo ang nakahuli sa kanila. Mamaya ay baliktarin na naman nila ang kuwento--- Ano ba?! Kailan ba kayo naging slow? Move! Aba'y ako ang matutusta sa init ng panahon!" Nagmistula siyang nasa training ng mga armies. Dahil sa naging kilos. Ganoon pa man ay dumiretso na siya sa tambayan jiya sa barko. Hindi pa nga siya nakasampa sa higaan ay humahangos na namang lumapit sa kaniya si Omar. Kaso maaring inisip nitong magagalit siya kaya't inunahan na siya sa paliwanag. "Pasensiya ka na, bossing. Ngunit alam mo namang hindi kami gumagawa ng hakbang na wala kang kaalam-alam. Ang sabi mo ay itawag sa mga motowa ang magkapatid na Nadim at Karim. So, what shall we do to those Filipino maids?" kaagad nitong pahayag. Kaya naman ay natigilan siya ng ilang sandali. "Take them all. Ilipat ninyo silang lahat dito sa barko. Itanong ninyo kung may mga travel documents sila upang maipadala natin sila sa kanilang embassy. Mas malapit tayo sa Istanbul kaysa sa Saudi kaya't sa Philippines Embassy na lang doon kaysa naman bumalik pa tayo sa lugar na iyon." Well, hindi na lamang niya binanggit ang planong namumuno sa kaniyang isipan. "Masusunod, bossing," tugon nito saka muling nawala sa kaniyang paningin. 'Well, may iba akong plano. Ngunit sa ngayon ay kailangan muna naming makaalis sa bahaging ito ng Arabian Sea,' pipi niyang saad. SA KINAROROONAN nina Katrina at kapwa katulong na nagtungong Saudi Arabia. "Ate, ano'ng mangyayari sa atin ngayon? Akala ko ay sa pelikula lamang ito nangyayari. Kaso ngayon ay ako mismo ang nakaranas," may bikig sa lalamunan na tanong ni Katrina sa pinakamatanda sa kanila. Ayon dito ay ilang contrata na raw ang natapos sa iisang amo. Mabait daw kasi ang mga natagpuang employer kaya't binabalik-balikan. "Iyan ang hindi ko masasagot, Katrina. Dahil kahit ako ay natatakot na rin. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi Saudis ang mga sumagip sa atin. Turkish accent kasi," tugon nito. "Diyos ko! Umalis ako ng Pilipinas upang magtrabaho para may pangsuporta sa mga kapatid kong nag-aaral. Pero ganito pa ang nangyari," aniyang napaupo sa tabi ng pinagtanungan. "Huwag kang mawalan ng pag-asa, Neng. Dahil sa aking pagkaunawa ay ihahatid tayo sa embassy. Hindi ko lang alam kung sa Philippines Embassy ba ng Saudi o sa karatig bansa na Turkey," saad nitong muli. Kaso wala ng punapasok na maayos sa isipan niya. Dahil ang tangi niyang iniisip ay kung paano niya matulungan ang apat na kapatid. Maaring magsasalita rin siguro ang iba nilang kasama ngunit hindi natuloy. Dahil lumapit ang isa sa mga tumulong sa kanila mula sa abductors. "SINO sa inyo ang marunong magsalita ng Arabic?" tanong nito sa broken English. "Ako, Mister. Ano ang maitutulong ko?" Kaagad na tumayo si Gina o ang pinakamatanda sa kanila. "Okay. Come with me. Our boss wants to talk to you," anitong muli. Kaso bago pa sila makahakbang ay dumating sina Omar at Ahmad. "Tayo na raw ang bahala, brod. Ang sabi ni boss ay ilipat silang lahat sa barko natin bago pa dumating ang mga motowa mula sa Duba Port," wika ng una. Hindi na nga sumagot ang isa bagkos ay muling humarap sa mga Filipino. "Miss, tell your companions to be ready. We are transferring you to the other ship. You need to do it quickly," anito kay Gina sa salitang Arabic. Dahil dito ay dali-dali ring sumunod si Gina. Translated niya sa mga kasamang baguhan ang sinabi ng lalaki. At hindi nga naglipat oras ay nasa ibang barko na silang lahat. CAPPADOCIA, TURKEY "Magaling! Magaling! Hah! Kahit ang Arabian Sea ay pinakialaman na ng hayop na iyon! Gaano ba kalawak ang sakop ng gagong iyon?!" Kuyom na kuyom na nga ang palad ay halos lumuwa pa ang mga mata si Mrs Sabanci dahil sa galit. "Ang hindi ko maunawaan ay kung paano umangat ang hayop na Mustafa, Mommy. Sa Africa ay nagawa na rin niya iyan. Ngayon naman ay sa Arabian Sea. Saan ang susunod?" patanong ding saad ni Salman. Tuloy! Napabaling dito ang tingin ni Mrs Sabanci kaso naunahan naman ng isa pang anak. "Tama si Fudail, Mommy. Hindi naman lingid sa ating lahat na kicked out siya sa mga Koç noong bata pa. Maaring nasa piling siya ng natandang iyon, ngunit bago pa ito bumalik simula pinalayas siya ay malaking kumpanya na ang hawak-hawak," anito. Sa tinuran ng mga anak ay ilang sandali ring hindi nakapagsalita si Mrs Sabanci. Dahil totoo naman ang mga ito. Siya nga na legal wife ng mga Sabanci o hipag ng namayapang ina ng mortal na kaaway kahit malaking halaga ang naiwan sa pangalan ay hindi kuntento. Ito pa kaya na pinalayas ng ama noong bata pa. Maliban na lamang kung may ulterior motives ito. Kaso! "Mommy? Okay ka lang ba? Dadalhin ka na ba namin sa hospital?" "What's happening to you, Mommy?" Tinig ng mga anak na nagpabalik sa kaniyang kamalayan. "No need, guys. Mayroon lamang akong naiisip. By the way, tell our men in Istanbul to keep on watching the Koç's. At kayo rin, sikapin ninyong makapagtalaga ng espiya sa grupo ni Mustafa," pahayag niya. 'Damn it! Bakit nga ba ngayon lang sumagi ang bagay na iyon sa aking isipan? Tama nga naman ang mga anak ko. Well, kahit madalas silang palpak ay mayroon ding pakinabang,' aniya sa sarili. "Okay, Mom. Kami na ang bahala sa bagay na iyan," tugon ng dalawa. Kaya naman ay napatango-tango na lamang siya bilang sagot at pagsang-ayon. PHILIPPINES EMBASSY ISTANBUL, TURKEY "Thank you, Mr Koç for saving them from the human traffickers. No words can express how grateful we are." Walang hanggang pasasalamat ng director ng embahada. Natuturete na nga ang kaniyang taenga. Ngunit kailangan niyang panindigan ang pagiging 'good samaritan'. "Oh, thats excessive words, Mr Director. Ginawa ko lamang ang aking tungkulin bilang tao at mamamayan ng ating bansa," aniya. 'F*ck! Bakit pinagtatawanan ako ng aking isipan? Hah! Kahit naman ruthless at stubborn man ako ay marami akong tinutulungan! Darn!" Lihim niyang pagmumura. Dahil nasa opisina siya ng embahada ng Pilipinas ngunit nakikinita niya ang sariling natatawa. "Still, malaking tulong ito sa amin. Dahil legal silang lumanas ng Pilipinas at pumasok sa Saudi ay kailangan pa naming ayusin ang kanilang papeles para sa pag-uwi nila sa aming bansa," muli ay wika ng director. Dahil nagawa na rin niya ang tungkulin ay hindi na siya nagtagal sa embahada. Well, may mas importante siyang dapat gawin. LABIS-LABIS ang takot na lumukob kay Katrina dahil ihiniwalay siya ng tumulong sa kanila mula sa mga kasama. "Diyos ko, parang-awa mo na, Ama. Huwag mong ipahintulot na may masamang mangyari sa akin dito." Taimtim niyang panalangin. Lakad, upo, tayo. Kung nakailang beses niyang ginawa ang bagay na iyon sa loob mismo ng silid na pinagdalhan sa kaniya ay hindi niya mabilang. Kaso ganoon pa rin, ang kaba sa kaniyang dibdib ay mas nakakatakot. Mas nabibingi na nga siya sa kabog nito. Kaya naman ay muli siyang tumayo at maglakad-lakad pa sana. Kaso dahil yata sa kalaliman ng pag-iisip ay hindi niya namalayang pumasok ang parang kapre sa tangkad. Wari'y higante dahil na rin sa lapad ng pangangatawan. Sa katunayan ay bumangga siya rito. Nagmukha tuloy siyang unano kumapara sa kapreng nagkatawang tao! Kaso! Kulang naman ay himatayin siya nang nagwika ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD