"WHAT the h*ll you are all doing here without notifying me?!" Dahil sa gulat ay iyon ang nanulas sa labi ni Mustafa. Ngunit ismid at pang-aasar pa ang napala aa kapwa niya masungit at babaerong si Marco Alessandro Ferrari. "Well... Brothers, let's all go back now. Wala tayong mapapala sa babaerong iyan. Aba'y imbes na magpasalamat ay hindi na," anitong wari'y sinabugan ng granada. "Heh! Mayroon bang babaerong tulad mo na may atay at balun-balunan? Hah! Alalahanin mong mga membro tayo ng Mafia society!" tuloy ay singhal niya rito. Kaso ang mga kapwa namang sumulpot ang napahalakhak. "Maari bang magseryoso naman kayong dalawa. Susme, nahaharap na nga kayo sa problema ngunit patuloy pa rin kayong nag-aasaran," saad ni Boss Jolbon bagay na sinundan ni Jhay-R. "Naalala ko tuloy ang kabata

