"OMAR, may itatanong sana ako sa iyo pero huwag mo ng iparating sa Küçük bey ninyo. Okay lang ba?" Salubong na tanong ni Master Turky sa right hand man ng nag-iisang anak. "Yes, Master. Ano ba iyon at mukhang seryoso? Aba'y ikaw ang master pero kailangan mo pang itanong kung okay lang." Tugon nito. Well, mas mainam na ang naninigirado. Hindi naman sa takot siya sa anak. Dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay may karapatan pa rin siyang disiplinahin ito bilang ama. "Ganito kasi iyon, Omar. Ilang araw na simula noong nangyari ang engkuwentro ng grupo ninyo sa Cappadocia. Simula noong bumalik kayo ay kapansin-pansin na ang muling pagbalik ng dati nitong ugali na hindi ko nakita sa loob ng isang taon. Mayroon bang problema ang Küçük bey ninyo?" Kaso sa pahayag niya ay mas nakumpirma

