"WHAT? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Jafarri. Hindi ba't kabilin-bilinan kong huwag ninyong pasukin ang human trafficking?!" "Then what do you expect us to do, brother? Ang hayaan ang lintik na gobyerno na ipabalikat sa amin ang hindi nila magawa-gawa---" "F*ck you, Jafarri! Maari bang mag-isip-isip ka muna bago ka sumagot? Isang maling sagot pa at talagang ako mismo ang papatay sa iyo!" Ngunit imbes na magalit ito sa paraan ng pananalita laban sa kaniya ay ngumisi lamang saka naupo at nag-de-kuwatro. "Brother, alam kong pilit mong kinakalimutan kung saan tayo nagsimula. Alam ko iyan dahil talaga namang ikaw ang bumuo sa ating grupo world wide. I will never forget that I owe you my life. Someday, in so many ways, I will pay those debts to you." "Hindi iyan ang gusto kong marinig mula

