"DUMATING ka rin sa wakas, Hija." Salubong sa kaniya ng isang hindi kilalang tao. Taga-siyudad siya ng Vigan subalit aminado siyang hindi napuntahan ang bawat sulok. "Sorry po, pero sino ka po? At isa pa ay bakit mukhang inaabangan mo talaga ako." Dahil hindi niya kilala ang Ginang ay tanong ang isinagot dito. "Ah, tawagin mo akong Auntie Linda. Taga-DSWD ako. Sa katunayan ay mahigit isang taon na kaming pabalik-balik dito. Dahil ang sabi ng mga kapatid mo ay nasa ibang bansa ka. Ngunit dahil wala kaming makuhang sagot dati sa mga magulang mo ay nagbakasakali kami rito sa bahay ninyo. Ah, yes, kami. Dahil hindi lang ako ang bumabalik dito. Nagkataon lamang na ako ang nadatnan mo ngayon." Sa paliwanag pa lamang nito ay wala siyang maintindihan! DSWD? Aba'y ano ba ang nangyari sa mga k

