Chapter 9

2305 Words
Charles Nag-aayos ako ng aking kurbata sa harap ng salamin dito sa k'warto namin ng pumasok si Sabrina. "May lakad ka 'uli Mahal?" tanong niya bago s'ya umupo sa kama habang pinagmamasdan ako. Sumulyap ako sa kan'ya sa salamin bago sumagot. "Oo, hindi 'uli ako makakasabay mag-dinner sa in'yo ni Allie," sagot ko. Sabrina exhaled deeply, parang may gusto s'yang sabihin pero nag-aalangan siya. "Ano 'yon? May sasabihin ka?" tanong ko sa kan'ya. Naupo rin ako sa kama para magsuot ng sapatos. "Saan ba ang lakad mo Mahal? Bakit ang limit mo 'atang umalis ngayon?" tanong niya, bakas ang lungkot sa kan'yang boses. Gusto kong makonsensya sa pinaggagawa ko sa asawa ko, pero wala eh, nandito na ako. Unti-unti na akong napapalapit kay Georgina, kaya hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon. Isa pa I like Georgina, kilala ko s'ya dahil batchmate kami nung college, at isa s'ya sa mga gustong-gusto kong babae noon, hindi lang ako makaporma dahil nahihiya ako, besides kilala s'ya noon bilang bisexual kaya hindi ko na rin sinubukan ang chance ko. At ngayon may chance na ako sa kan'ya, hindi ko na 'yon sasayangin, gagawin ko lahat para maging kami. "May business meeting lang kami." sagot ko. Tumayo na ako para umalis, kinuha ko ang mga gamit ko like wallet, cellphone at ang susi ng kotse ko, inilagay ko lahat iyon sa bulsa ko. "Aalis na ko, 'wag mo na akong hintayin," paalam ko sa kan'ya bago s'ya halikan sa pisngi. Alam kong napapansin na ni Sabrina ang pagbabago sa akin, aminado naman ako sa pagbabago ko, simula ng makilala ko si Georgina at magsimula kaming lumabas-labas. At simula rin noon, parang nawalan na ako ng gana kay Sabrina. Hindi ko alam kung bakit gano'n lang kabilis akong nanabang sa asawa ko, kahit na alam ko na mahal ko s'ya. Lumabas na ako ng k'warto namin kasunod ko siya, naabutan namin si Allie na nanunuod ng TV sa living room. "Daddy, aalis po 'uli kayo?" tanong ng anak ko ng makita akong bumaba ng hagdan. Lumapit ako sa puwesto niya. "Oo Baby, may meeting kasi 'uli si Daddy, kaya aalis uli ako," sagot ko, "Ba-bye na anak at baka ma-late na si Daddy." "Bye po, ingat ka Daddy," sabi n'ya. Tumango lang ako at hinalikan s'ya sa pisngi bago lumabas ng bahay. Hinatid pa rin ako ni Sabrina gaya ng palagi n'yang ginagawa. Bago ako sumakay sa kotse ay sinulyapan ko s'ya 'uli, kitang- kita ang lungkot sa mga mata niya. Pinili kong dedmahin ang lungkot ng asawa ko at sumakay na ng kotse, binuhay ko ang makina at agad na pinaharurot iyon paalis, palayo sa asawa kong nakabantay hanggang mawala ako sa kan'yang paningin. Pagdating sa mansion ng mga Salcedo ay agad akong nag-park at bumaba ng kotse. Susunduin ko ngayon si Georgina dahil may dinner date kaming dalawa. "Good evening po Tito, Tita," bati ko sa mag-asawa pagpasok ko sa loob ng bahay nila. Humalik ako sa pisngi ni Mrs. Salcedo at nakipagkamay kay Mr. Salcedo. "Magandang gabi rin sa'yo Charles, maupo ka at may pag-uusapan tayo," utos ni Mr. Salcedo na agad ko naman na sinunod. Naupo ako sa tabi niya. "Hijo, kamusta naman ang panliligaw mo sa anak ko?" simula n'ya sa usapan namin. "Maayos naman po Tito, bakit po?" tanong ko. "Wala naman, med'yo nababagalan lamang ako sa proseso ninyo, bakit hindi mo s'ya tanungin ngayon kung puwede ng maging kayo?" Nagulat naman ako sa suggestion ni Mr. Salcedo. Tatanungin ko na ngayon si Georgina? Hindi ba parang sobrang aga naman 'ata para gawin ko 'yon. Napahawak ako sa aking batok dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ahm Tito, hindi po ba parang masyado pang maaga para roon?" alanganin na tanong ko. "Oo, nandoon na ako pero malay mo naman, pumayag na ang anak ko," sagot ni Tito, sasagot pa sana ako ng makarinig kami ng pagtighim. Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan noon, si Georgina pala ang may gawa ng ingay para kunin ang aming pansin. Med'yo nakasimangot s'ya kaya tumayo na ako at kaagad nagpaalam sa mag-asawang Salcedo. Pinagbuksan ko ng kotse si Georgina bago ako sumakay sa driver seat. Tinanong ko s'ya kung saan n'ya gustong kumain ng dinner, baka kasi nagke-crave s'ya sa isang pagkain. At tama ako, may gusto s'yang kainin talaga ngayon, nakangiti n'yang sinabi na gusto n'yang kumain ng barbeque, hindi ko nga lang alam kung manok ba o baboy ang gusto n'ya. Seeing her smile like that, feeling ko ang swerte ko. Sobrang ganda ni Georgina, napakaswerte ng lalaking mamahalin n'ya, na inaasahan ko na maging ako iyon. Binuhay ko na ang makina ng kotse at umalis na kami, habang nasa b'yahe ay binuhay ko ang stereo ng kotse ko at nagpatunog ng music, para naman hindi mainip ang aking date for tonight. Habang nagmamaneho ay iniisip ko ang sinabi ni Mr. Salcedo kanina sa akin. Pinag-iisipan ko kung gagawin ko ba ang suggestion ng aking future b'yenan. Pagdating namin sa Ferry's Grill ay pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse, pumasok kami sa loob na magka-holding hands. Ipinaghila ko s'ya ng kan'yang upuan bago ako naupo sa katapat ng upuan n'ya. Tumawag ako ng waiter para mag-order ng aming pagkain. Gaya ng gusto ni Georgina puro barbeque ang in-order niya, sinigang na hipon, pakbet at crispy pata naman ang sa akin. Kumain kami ng tahimik, habang napapasulyap sa isat-isa at mapapangiti. Masaya ako na makasama s'ya sa pagkain, feeling ko nga ay mahal ko na s'ya. Pagkatapos kumain ay inaya ko s'yang manuod ng sine. "Charles, inaantok ako sa palabas na 'to, alis na tayo," sabi niya. Nasa kalagitnaan na kami ng movie na pinapanuod namin. Maganda naman ang palabas hindi ko alam kung bakit s'ya inaantok. "Sige tara, labas na tayo," pagpayag ko kahit na gusto kong tapusin ang movie na 'yon. Ang hirap talagang spelling-in ng mga babae. Tsk! "Saan mo gustong pumunta?" tanong ko. Naupo s'ya sa bakanting upuan na nakahilera sa labas ng timey zone, nanatili akong nakatayo sa harapan niya. "Pahinga muna tayo, okay lang?" tanong n'ya sa akin, as if naman kapag hindi ako pumayag ay hindi n'ya gagawin. "Sige pahinga ka muna rito," sagot ko, "Ah, Georgina, okay lang ba kung iiwanan muna kita rito saglit?" "Okay lang naman, saan ka ba pupunta?" "Pupunta sana ako sa rest room," sagot ko. Actually hindi ako sa rest room talaga pupunta, kung hindi sa jewelry store. Titingin ako ng puwede kong gamitin sa pag-aaya ko kay Georgina na maging girlfriend ko s'ya. I decided na sundin ang sinabi ni Tito. Bahala na si betman kung anong kakalabasan ng gagawin ko. "Okay sige, balikan mo na lang ako rito," sagot n'ya sa akin. Hinalikan ko s'ya sa pisngi bago ako umalis na nagpangiti sa kan'ya. Ang lapad ng ngiti ko habang papunta sa jewelry store, daig ko pa ang teenager na kinikilig ngayon. "Hello Sir, what are you looking for?" magiliw na tanong sa akin ng sales lady. "I'm looking for something I can give to the person I'm dating," sabi ko, "I'm planning to ask her today to be my girlfriend." "Wow! Good luck po sa in'yo," masayang sabi ni Ateng sale's lady, "Ito po Sir, it's beautiful, she will definitely be happy with it." Iniabot sa akin ng sale's lady ang isang bracelet, maganda ito at madami mga nakalawit, okay sana 'yun kung hindi ko lang kilala si Georgina, alam kong hindi niya 'yon magugustuhan dahil napaka-girly. "Wala ba kayong iba, hindi kasi s'ya mahilig sa sobrang maborloloy na gamit, med'yo boyish kasi," sabi ko. Tumango naman s'ya at ngumiti. Ibinalik n'ya sa lagayan ang bracelet bago kumuha ng panibago, this time isa namang iyong necklace na white gold, may pendat na araw at sa baba ay may pendant na moon. Bale dalawa ang pendant ng necklace, maganda at unique ang style. Iniabot niya 'yun sa akin. "Iyan po Sir, maganda po 'yan, simple but elegant at higit sa lahat hindi masyadong pang girly." Pinagmasdan ko 'yon ng maige at nagandahan naman talaga ako. Bagay na bagay iyon kay Georgina dahil makinis at maputi ang balat niya. "Sige, kukunin ko na ito, magkano?" tanong ko. "Okay po Sir, fifteen thousand po," sagot niya. Kumuha s'ya ng box at inilagay do'n ang necklace bago ibigay sa akin, kinuha ko iyon at binayaran. "Sorry, matagal ba ako?" tanong ko kay Georgina ng bumalik ako. Nakahalumbaba kasi s'ya at parang inip na inip na sa paghihintay sa akin. "Hindi naman," nakangiting sagot niya sa akin. "Tara na?" sabi ko. Tumango s'ya sabay tayo at hawak sa kamay ko. Naglakad na kami palabas ng mall at nagpunta sa parking area. Gaya ng palagi kong ginagawa ay pinagbuksan ko uli s'ya ng pinto ng kotse bago ako sumakay sa driver seat. "May pupuntahan pa ba tayo?" tanong niya ng mapansin na hindi daan pauwi sa kanila ang tinatahak namin. "Oo, may gusto lang akong ipakita sa'yo," nakangiti na sagot ko. Balak ko kasi s'yang dalahin sa Mayala garden's para do'n mag-propose sa kan'ya para naman romantic. Kumunot ang noo n'ya sa akin bago nagtanong. "Saan naman?" "Basta, maganda do'n," sagot ko. "Saan nga? Baka naman balak mo na akong gahasain ay hindi ko pa alam," seryosong saad niya kaya napatingin ako bigla sa kan'ya. Ano raw? Gahasain? Sa g'wapo kong 'to? Mukha ba akong r****t? "Grabe ka naman, gahasain agad?" nakangusong sagot ko sa kan'ya. "Hahaha, joke lang. Saan mo nga ba kasi ako dadalahin?" tumatawang sabi niya. "Basta nga, relax ka lang malapit na tayo," sagot ko at mas binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. "Wow! Ang ganda naman dito!" manghang- mangha na sabi niya ng pumasok kami sa Mayala gardens. "Sabi ko sa'yo 'di ba, maganda ang pupuntahan natin, nagustuhan mo ba?" tanong ko kahit obvious naman na ang sagot. Tumango s'ya at sumulyap sa akin habang walang patid ang pagkakangiti. "Yes, nagustuhan ko, sobrang ganda. Ano bang meron at dinala mo ako rito?" tanong niya at nagsimulang maglakad, sumunod naman ako sa kan'ya. "Dahil dito," sagot ko at kinuha sa bulsa ng pantalon ko ang box ng necklace na binili ko kanina. Saktong pagbukas ko ng kahon ay lumingon s'ya sa akin. "Ano 'yan? Para saan 'yan?" nakakunot ang noo na tanong n'ya. "Georgina, I know it's pretty fast because we'll just know each other but, I've wanted you for a long time since we've been in college so I don't want to waste any more time, Georgina will you be my girlfriend?" tanong ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko, mabuti na lang at nasabi ko ng maayos ang dapat kong sabihin sa kan'ya. Mukhang nagulat siya dahil hindi s'ya agad nakasagot, nakaawang pa ang bibig. "Ok lang kung hindi ka pa___" "Yes," naputol ang sinasabi ko ng magsalita siya. " Yes?" tanong ko. "Yes, ang sagot ko ay yes, sinasagot na kita. Payag na akong maging girlfriend mo," nakangiti na sabi n'ya. "Talaga?!" hindi makapaniwala na tanong ko sa kan'ya, nanlalaki pa ang mata ko habang nakangiti. "Ayaw mo?" nakangiti rin na tanong n'ya sa akin. Umiling ako. "Syempre gusto, gustong-gusto ko," sabi ko. Naglakad ako palapit sa kan'ya para isinuot ang kwintas sa leeg niya. "Thank you Love," sabi ko. Mataman ko s'yang tinitigan bago ko tinawid ang distans'ya namin. Hinalikan ko s'ya sa labi ng dahan-dahan, gusto kong sulitin bawat sandali, segundo, minuto at oras na magkalapat ang aming mga labi. Niyakap ko s'ya sa bewang habang s'ya naman ay nakahawak sa batok ko. Sa mga sandaling ito ay wala kaming pakialam sa mga taong dumadaan. Parang tumigil ang mundo ko sa sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon. Finally! Kami na ng babaeng pinapangarap ko noon pa. "I love you," sabi ko matapos ang kissing moment namin, pinagdikit ko ang aming mga noo. Ngumiti s'ya sa akin pero hindi sumagot. Med'yo naapakan ang ego ko dahil do'n pero ayos lang, naiintindihan ko. Alam ko na dadating din naman ang panahon na mamahalin din n'ya ako, ang mahalaga sa ngayon ay kami na, kami na ng babae magdadala sa akin sa rurok ng tagumpay at kayamanan. Namasyal kami sa lugar na 'yon habang nakayap kami sa bewang ng isat-isa. Madami ang napapatingin sa amin dahil sa sobrang ganda ng babaeng kasama ko. Ang saya ko talaga ngayon, masaya rin naman ako kay Sabrina pero iba ang level ng kasiyahan ko ngayon dahil kay Georgina. "Uwi na tayo Love, masakit na ang mga binti ko," yaya n'ya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi n'ya, at least kahit hindi pa n'ya ako mahal, love din ang tawag n'ya sa akin. Sapat na sa akin iyon sa ngayon. "Oh, para saan naman ang ngiti na 'yan?" tanong n'ya. "Wala masaya lang ako dahil tinawag mo ko sa endearment ko sa'yo," sagot ko. Aaminin ko na med'yo kinikilig ako sa kan'ya. Para akong highschool student na binati ng crush n'ya. "Hahaha, kinikilig ka noh?" sabi niya sa akin sabay sundot sa tagiliran ko dahilan para mapapitlag ako. Malakas kasi ang kiliti ko roon. "Hindi ah, saka na ako kikiligin kapag I love you na ang nadinig ko na sinabi mo," sabi ko. "Sus! Ayaw pang aminin eh," nakangiting sabi niya. Deadma na naman s'ya sa sinabi ko. Hay naku! "Tara na hatid na kita, strict pa naman ang parents mo, baka mapagalitan tayo dahil late ka na umuwi," sabi ko bago ko s'ya hinawakan sa kamay. "Hahaha, strict ka d'yan, halos ilako na nga ako sa'yo ni Daddy," naka-pout na sabi n'ya. Naglalakad na kami papunta sa kotse. "Ilako talaga? Tinutulungan ka lang ni Tito na makahanap ng matino, gwapo at mabait na kagaya ko," sagot ko. Ngumiti ako sa kan'ya sabay kindat. "Hahaha, grabe! Ang lakas ng hangin Love, malapit na akong tangayin," sarcastic na sagot niya sa akin. Natawa naman ako, "Bagyo ba Love?" sabi ko. Tumango s'ya kaya nagkatawanan kami pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD