Chapter 8

2292 Words
Georgina Nandito ako ngayon sa harap ng opisina ni Danica, rito sa coffee shop na pagmamay-ari ko. Si Danica ang aking best friend, pero higit pa ro'n ang turing ko sa kan'ya, para sa akin she's my sister to another mother. Kumatok ako sa pinto. Rinig kong sumigaw si Danica ng come in pero hindi ako pumasok sa loob bagkos ay kumatok 'uli ako, mas malakas kesa sa unang katok na ginawa ko. "Come on in," muli kong dinig na sigaw niya mula sa loob, mas malakas din kesa sa una. Kumatok uli ako habang tumatawa, alam kong maya-maya lang ay tatayo na s'ya dahil sa pagkaasar. "Bingi___" hindi niya na natapos ang pagtataray ng makita ako pagkabukas n'ya ng pinto. "George!" sigaw niya, sabay yakap sa akin na may kasama pang paglundag. Hindi naman halatang masaya s'ya na makita ako, hindi ba? "Kelan ka pa dumating na babae ka?" tanong n'ya, "Tara sa loob." Hinila n'ya ako papasok sa loob ng opisina n'ya. "Noong nakaraang pa, kamusta?" Nakaupo na kami ngayon dito sa sofa na nasa loob ng opisina n'ya, may mini living room kasi s'ya rito. My opisina rin ako rito sa coffee shop ko, naiwan nga lang nakatengga simula ng umalis ako para tumira sa America. Madami ng branch itong coffee shop ko na ito at si Danica lahat ang namamahala. Konti lang din kasi ang may alam na ako ang may-ari. "Ay ang daya! Hindi man lang nagpasabi na uuwi. Nasaan na ang pasalubong ko?" naka-pout niyang sabi sabay sahod ng palad. Tinapik ko lang ang kamay n'ya na parang nakikipag-high five. "Biglaan kasi kaya hindi na kita nasabihan," sagot ko. "Bakit nga ba biglaan? Kasama ba 'yan sa pagmo-move on mo kay Margaret?" concern na tanong n'ya sa akin. "Actually hindi, pero si Dad iyon ang ipinipilit na rason kaya ako pinauwi," sagot ko sabay buntonghininga. "Meaning?" kunot ang noo na tanong niya. Wala pa naman kasi s'yang alam sa deal namin ni Dad, hindi ko nasabi dahil gaya nga ng sinabi ko masyado akong kampante na hindi ako iiwan ni Margaret. "Gusto n'ya kasi akong makipag-date sa lalaki para raw mas madali akong makapag-move on," nakasimangot na sagot ko. "What?! Seryoso? At pumayag ka?" gulat na gulat na tanong n'ya. Tumango ako bilang sagot sa lahat ng tanong n'ya. "Pa'no nangyari? I mean pa'no ka napapayag ni Tito?" gulat na gulat pa rin na tanong niya sa akin. "Hay naku! Napakahabang storya sa totoo lang," sagot ko. Tumayo ako at pumunta sa fridge n'ya at kumuha ng beer. Lagi s'yang may stock ng ganito. Hindi naman sa alcoholic s'ya or ano, kapag stress kasi s'ya nakakatulong sa kan'ya ang uminom, kahit isang can lang. "K'wento mo dali, madami akong oras," sabi n'ya. Nakasunod ang tingin niya sa akin na talagang inaantay ang k'wento ko. Naupo muli ako sa sofa sa katapat n'yang upuan. Kaya wala na akong nagawa, kung hindi ang ik'wento ko mula umpisa hanggang dulo, nangangalahati palang ako sa kwento ko ay ubos na ang beer na iniinom ko. Isinama ko na rin sa k'wento ang tungkol kay Charles. "Wow! Hindi ko akalain na dadating 'yon time na magde-date ka ng lalaki," tumatawang sabi niya. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. Bruha! Tawanan daw ba ang sitwasyon ko. Ako rin naman hindi ko rin akalain na dadating ako sa ganito. Oo nga at isa akong bisexual pero never ko pang na-try ang lalaki, na-a-attract ako sa kanila pero hindi ako umabot sa point na makipag-date sa lalaki. "Sorry naman Georgie! Hindi lang talaga ako makapaniwala, kasi naman since nagsimula kang lumandi, babae na agad ang inatupag mo tapos ngayon lalaki na ang ka-date mo," napapangiti pa rin na sabi n'ya. "Hindi ko nga ginusto, kasalan itong lahat ni Margarita," sagot ko. Naiinis ako dahil naaalala ko ang taong rason kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ngayon. "Hayaan muna 'yun, s'ya ang nawalan at hindi ikaw. At saka malay mo naman may reason kung bakit nangyayari ito sa'yo ngayon, just think positive," sabi n'ya sa akin. "At ano namang rason 'yang tinutukoy mo? Don't tell me sasabihin mo rin sa akin na baka kami ang destiny ng lalaking idini-date ko?" nakataas ang kilay kong tanong sa kan'ya. "Nope! Actually I don't know either, but alam ko na maganda 'yon, 'di ba nga sabi nila hindi ka raw ilalagay sa isang lugar kung walang naghihintay sa'yo na maganda," seryoso na sabi n'ya. Napatitig naman ako sa best friend ko, at kelan pa s'ya naging malalim magsalita? "Ikaw ba 'yan Beb?" biro ko sabay lapit sa p'westo niya at hinawakan ko ang mukha n'ya at tinitigan. Hinapas naman niya ang kamay kong nakahawak sa mukha n'ya. "Baliw! Syempre ako 'to, tingin mo sa akin multo?" nakasimangot na sabi niya sa akin, kaya natawa ako. "Sorry naman, ang lalim kasi ng sinabi mo, hindi ko maarok," natatawa na sabi ko. Hinampas n'ya ako ng throw pillow sa mukha. "Aray!" sapul ang ilong ko. T*ngina balak n'ya yata na baliin ang ilong ko! "Oops, sorry!" sabi n'ya. Nag-peace sign pa s'ya sa akin. "Kamusta naman ang date mo sa boylet mo?" "Okay lang," walang gana kong sagot. Ano ba naman kasing sasabihin ko? Napaka-plain lang naman ng pakiramdam ko kapag kasama ko si Charles, hindi kagaya kapag babae ang kasama kong mag-date, may spark. "Ano bang reaksyon 'yan Beb, walang kabuhay-buhay, parang ang dating eh, tumambay lang kayo sa kanto, at nag-jack en poy," biro n'ya. "Nakakatamad naman kasi Beb, basta hindi ko talaga feel ang lalaki," nakasimangot kong sabi. Tumayo ako at kumuha 'uli ng beer bago naupo sa tabi niya. "Baka naman hindi ka lang nati- thrill kaya ka gan'yan? Bakit hindi mo kaya subukan makipag-s*x o makipag-molmol sa kan'ya. Ano nga palang pangalan ng boylet mo?" sunod-sunod na sabi n'ya. S*x?! Seriously? Ilang araw pa lang kami na nagde-date s*x na agad? Ang easy ko naman kapag gano'n. Binatukan ko nga s'ya. Kung ano-ano ang sinasabi. Napakadaldal ng bunganga n'ya. "Sari-sari na 'yang sinasabi mo, anong akala mo sa akin kaladkarin?" mataray kong sabi. "Aray naman! Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin," sagot niya habang hinahaplos ang ulong binatukan ko. "Kung hindi 'yon, eh anong point mo?" "My point is, baka naman kapag natikman mo na ang lalaki ay magustuhan mo na sila," sagot niya ng malumanay na parang iniisip pa ang tamang paliwanag sa sinabi n'ya pero para sa akin doon pa rin naman ang bagsak sa hindi magandang pakinggan. "G*ga! Parehas lang din naman ang dating ng sinabi mo kanina at ngayon," sabi ko. Uminom ako ng beer na hawak ko, lalo akong na-i-stress sa kan'ya. "Hahaha, ganoon ba? Sorry!" at nag-peace sign na naman ang g*ga!Feeling 'ata n'ya ay cute s'ya kapag ginagawa n'ya 'yung ganoon. Tumayo na ako para umalis, mamamasyal na lang ako sa mall at baka may mas matino pa akong makausap doon kesa rito sa best friend ko. "Oh, sa'n ka pupunta?" kunot ang noo na tanong n'ya. "Aalis na, puro ka kalokohan eh!" sagot ko at naglakad na papunta kung nasaan ang pinto. "Grabe ka naman! Hoy 'yong pasalubong ko ha, dalahin mo rito!" pahabol niya bago ako makalabas ng tuluyan. "Oo na!" sigaw ko. Lumabas na ako sa coffee shop at nag-drive papunta sa mall. Wala naman talaga akong balak pumunta rito, naisipan ko lang talaga. Hindi pa naman kasi ako ang namamahala sa business namin dito dahil sabi ni Dad, h'wag muna tutal maayos naman daw ang palakad ni Tito Rey roon, mag-focus na lang daw muna ako kay Charles. Dami ring alam ng Tatay ko. Masyado n'yang gusto si Charles, gusto ko nga minsang lokohin at sabihin na bakit hindi na lang silang dalawa. Palinga-linga ako sa mga store kaya hindi ko napansin na may mababangga ako. "Ay! sorry, sorry!" taranta kong sabi sa nabangga ko at pinagpagan ang suot n'yang blouse dahil natapon doon ang iniinom n'ya, worse ay kape pa man din 'yun. "Ah Ms. ok na, ako na.. w-wait, ay! dibdib ko na 'yang hinahawan mo!" taranta rin pigil sa akin ng babae habang pigil na ang kamay ko. Kaagad akong napatigil sa ginagawa kong pagpupunas dahil sa sinabi n'ya, agad akong napatingin kung nasaan ang kamay ko at ng makita na tama nga s'ya ay dali-dali kong inalis ang kamay ko na nasa dibdib n'ya. L*tche! Nakakahiya! "Ay sorry! Hindi ko sinasadya," sabi ko. Pakiramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa sobrang hiya. Nice one Georgina! Ang laki mong t*nga! sabi ko sa sarili ko. "Okay lang, sige," sabi ng babae. Pansin ko na namumula rin ang pisngi n'ya. Paalis na sana s'ya ng pigilan ko s'ya sa braso. "Wait! Hindi ka ba magpapalit ng damit?" tanong ko, "Bilhan na lang kita ng blouse?" "Hindi na, pauwi na rin naman ako," sagot n'ya. Ngumiti s'ya ng bahagya sa akin bago muling naglakad para sana umalis. Hindi ako nakakilos agad, natulala ako dahil sa ngiti n'yang 'yun, napaka-serene kasi, kakaiba, hindi ko ma-explain ng mabuti, basta iba s'ya. "Sigurado ka?" tanong ko ng makabawi dahil nakita kong aalis na naman s'ya agad. Nakangiting tumango lang s'ya bago tuluyan naglakad paalis kung nasaan ako. Hindi ko na s'ya natatanaw pa pero nananatili akong nakatingin sa lugar kung saan s'ya naglaho sa paningin ko. Ang ganda ng ngiti n'ya, para akong nakakita ng anghel , plus ang bait pa n'ya, hindi man lang s'ya nagalit dahil sa nangyari. Ang engot mo Georgina, bakit hindi mo kinuha ang pangalan at number n'ya? pagalit ko sa sarili ko. Hayst naman! Nagdesisyon na akong umuwi na lang sa bahay, bigla akong tinamad dahil hindi ko nakuha ang pangalan ng babae. Pasakay na ako ng kotse ko ng mag-ring ang cellphone ko. "Hello Charles," sagot ko ng makaupo na ako sa loob ng kotse. "Hi, puwede ba tayong kumain sa labas mamayang gabi? Dinner?" sagot niya sa kabilang linya, base sa boses niya alam kong nakangiti s'ya. Aayain daw ako kumain mamayang gabi, dinner? Engot ba s'ya, syempre dinner na iyon, gabi na eh, meron bang lunch sa gabi?! "Sige, what time ba?" tanong ko. Hindi ko na lang sinabi 'yung napansin ko sa sinabi n'ya. "Around 7:30, okay na ba 'yon?" "Sige," sagot ko before I hang up. Nagkabit muna ako ng seatbelt bago binuhay ang makina ng kotse para umalis na roon at makauwi. Pagdating sa bahay, naabutan ko ang aking magulang na nakaupo sa couch sa living room namin habang masayang nagkuk'wentuhan. Gusto ko rin makahanap ng relasyon ng kagaya ng sa kanila, iyong pang matagalan, na kahit matanda na sila pareho ay ang sweet pa rin nila sa isat-isa. Lumapit ako sa kanila at humalik sa kanilang mga pisngi. "Oh anak, saan ka ba nanggaling?" tanong ng aking ina. "Binisita ko lang si Danica, Mommy," sagot ko, "Sige po, akyat na muna ako." "Kamusta na kayo ni Charles anak?" tanong ni Daddy, kaya napatigil ako sa pag-akyat sana sa hagdan. "Okay lang po Dad, mamaya po kakain uli kami sa labas," sagot ko na ikinangiti naman ng aking ama. "Mabuti naman hija, sana sagutin mo na agad 'yong tao, 'wag mo ng patagalin para mas maging malapit kayo," sabi ni Daddy. Tumango lang ako at hindi na nagkomento pa. Pagdating sa k'warto ay pabagsak akong nahiga sa kama. Sasagutin ko ba talaga si Charles? Kung sakaling gawin ko 'yon hindi ko alam kung paano umaktong girlfriend ng isang lalaki. Bahala na nga si betman! Pumunta ako ng banyo para maligo dahil may lakad pa ako mamaya. Ng mapatuyo ko ang buhok ko ay nahiga ako sa kama at isinet ang alarm clock ko. Matutulog muna ako dahil maaga pa naman. Pakiramdam ko konting oras pa lang akong nakakapikit ng tumunog ang alarm ko pero kahit antok na antok pa ako ay tumayo na ako para mag-ayos ng aking sarili. Kinuha ko ang damit na isusuot ko , isa 'yung color red sleeveless na dress na hanggang binti ang haba, ipinusod ko lang ang aking buhok at naglagay ng konting make up, saktong kakatapos ko lang sa pag-aayos ko ng makarinig ako ng paghinto ng sasakyan sa labas. Isinuot ko ang 2 inches heels ko at dinampot ang bag na dadalahin ko bago lumabas ng aking k'warto. Pagbaba ko sa living room, magkausap sina Dad, at si Charles, si Mom naman ay nakikinig lang. "Ahem!" tawag ko sa atensyon nila, masyado silang busy sa kung anong pinag-uusapan nila at hindi nila ako napansin na bumaba. Lahat sila ay napalingon sa akin. "Tara na," sabi ko, "Kanina pa ako rito nakatayo." Tumango s'ya at tumayo, "Sige po Tito, Tita, aalis na po kami," paalam ni Charles sa mga magulang ko. Isang tango lang ang naging sagot ni Mommy, samantalang si Dad ay abot tenga pa ang pagngiti. Ano kayang pinag-usapan ng dalawang iyon at parang ang saya-saya ni Dad? tanonh ko sa isipan ko. Lumabas na kami ng bahay, ipinagbukas ako ni Charles ng pinto ng kotse bago s'ya sumakay sa kabila. "Saan mo gustong kumain?" nakangiti na tanong niya sa akin bago buhayin ang makina ng kotse. "Ikaw na ang bahala, pero gusto ko do'n tayo sa may barbeque ang menu," nakangiti rin na sagot ko sa kan'ya, nakakahawa naman kasi ang ngiti n'ya. "Okay," sabi n'ya. Pinaandar na niya ang kotse. Habang nasa b'yahe ay nagpatugtog pa s'ya ng music, ng isang sikat na singer. Maganda naman ang music kaya na papasabay ako ng konti, at least hindi ako maiinip habang nasa b'yahe, ang tahimik naman kasi ni Charles. Hindi ko mabasa kung ano bang tumatakbo sa isipan n'ya ngayon. Bigla na naman sumagi sa isip ko ang nakita kong pag-uusap niya at ng Daddy ko. My gut says na may mangyayari ngayon gabi. Hindi ko mapigilan na hindi kabahan. Hayst!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD