Charles
"Oh Hijo, himala 'atang napadpad ka sa bahay ko," saad ni Mommy ng makita akong pumasok sa bahay. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kan'yang pisngi.
"Papalipas lang ng init ng ulo.Mom," sagot ko. Umupo ako sa couch dito sa living room namin. Umupo rin si Mommy sa tapat ng upuan ko.
Dito ako dumeretso paglabas ko ng trabaho kanina dahil ayokong makita na naman ni Sabrina na mainit ang ulo ko.
Ilang araw na ba akong laging badtrip sa lalaking 'yon, halos araw-araw na 'ata, kahit makita ko lang s'ya o ang ngisi sa mukha n'ya ay bwisit na ako agad.
"Bakit, nag-away na ba kayo ng magaling mong asawa?" tanong ni Mommy, makikita ang amuse sa mga mata niya na sa halip na mag-alala sa naisip ay mukhang masaya pa talaga. Napailing na lang ako dahil sa asta ng aking ina.
"Hindi po Mommy, sa opisina ako badtrip, dahil sa bago naming managing director," sagot ko.
Sakto naman dumating ang isang maid nila sa bahay at may dalang merienda kaya hindi agad nag-react ang aking ina.
"Bakit? Sino ba yang bago n'yong director? First time 'atang mayamot ka sa katrabaho mo," sabi ni Mommy ng makaalis na 'yung maid n'ya sa harapan namin.
Uminom muna ako ng juice bago sumagot. "Remember Randy Vergara?"
Kumunot ang noo ni Mommy na parang iniisip kung sino ba ang taong binanggit ko.
"The man you always lose in everything?" tanong niya ng maalala ang taong tinutukoy ko.
See? Gano'n ang alam ng halos lahat ng tao na kilala kaming dalawa.
"Yeah, s'ya ang bago namin director at parang pine-personal ako ng lalaking 'yun," sagot ko.
Kumain ako ng dalang merienda ni Manang kanina. Nagutom ako dahil sa inis.
"Mag-resign ka na lang d'yan sa trabaho mo kung hindi mo kayang pakisamahan ang ugali ng taong 'yun," suggest niya sa akin.
"Para namang gano'n kadali 'yun, ang hirap humanap ng trabaho ngayon Mommy," sabi ko.
"Anong ginagawa ng company natin?" pairap na sagot niya sa akin.
"Mommy, alam mo naman na ayokong magtrabaho sa kompanya natin," mahinahong sagot ko. Mahirap na at baka ma-trigger na naman ang bunganga ng aking ina.
"Iyan ang problema sa'yong bata ka, masyado kang ma-pride, ayaw mong gayahin ang mga kapatid mo, at saka kung nakinig ka na lang sa akin dati pa baka ngayon mayaman ka na!" med'yo mataas na ang tono na sagot n'ya sa akin.
Heto na naman kami, mahahalungkat na naman ang paninindigan ko sa mag-ina ko.
"Mom, babalik na naman ba tayo d'yan?" I answered her while signing.
Nakakarindi na ng tenga ang paulit-ulit na pag-ayaw n'ya sa pamilya ko.
"Oo, lagi ko itong uulit- ulitin sayo ng matauhan ka! Kung hindi dahil d'yan sa katigasan ng ulo mo baka hindi gan'yan ang buhay mo ngayon. Bakit kasi hindi ka marunong makinig? Iwanan mo na ang pamilya mo at tutulungan kitang umangat sa buhay!" galit na sagot n'ya sa akin.
"Mahal ko ang pamilya ko Mommy, mas mahalaga sila sa akin sa kahit na anong bagay," med'yo naiinis ko na rin na sagot sa aking ina.
Nakakapikon na! Hindi deserve ng mag-ina ko ang matrato ng ganito.
"Mahal? Tingnan natin kung hanggang kelan mo kayang panindigan 'yan Charles," patuya na sagot niya sa akin.
Tumayo na ako at lumapit sa aking ina para halikan s'ya sa pisngi.
"Aalis na ako, Mommy. Salamat sa merienda," hindi na s'ya sumagot kaya lumabas na ako ng bahay.
Mali 'ata ang desisyon kong pumunta sa bahay namin para magpalipas ng init ng ulo, mas uminit pa ang ulo ko dahil kay Mommy.
Pinasibad ko ng mabilis ang kotse ko pauwi sa aming bahay.
"Mahal," niyakap ko ang aking asawa mula sa likuran n'ya. Nandito s'ya sa kusina at nagluluto.
Noong dumating ako kanina ay wala s'ya sa living room namin kaya rito ko s'ya agad pinuntahan.
"Oh Mahal, kanina ka pa?" tanong niya sa akin.
Umikot s'ya paharap sa akin. Nakayakap na ako sa bewang n'ya habang nasa batok ko ang kan'yang kamay. Mukha tuloy kaming sasayaw.
"Nope! Kakadating ko lang. Ano bang niluluto mo?" tanong ko bago inamoy-amoy ang leeg n'ya.
"Nakikiliti ako Mahal, 'wag mo kong amoyin at amoy kusina ako." sagot niya habang tumatawa at iniiiwas ang leeg sa akin.
"Hindi naman ah, ang bango mo nga, amoy pinipig," sagot ko. Pilit ko na inaamoy ang leeg n'ya.
"Sus, 'wag mo na akong bolahin. Magbihis ka na sa taas at kakain na tayo, puntahan mo na rin ang anak mo sa k'warto n'ya pagkatapos mong magbihis at bumaba na kayo rito," sagot niya bago bumalik na sa pagluluto. Tss! Ang sungit!
"Opo, Madam Sabrina," sagot ko bago ko s'ya tinalikuran para magpunta sa taas. Paakyat na ako ng hagdan ng marinig ko ang pagtawa n'ya dahil sa sinabi ko.
Pumasok ako sa k'warto namin at nagbihis ng pambahay, simpleng sando at short lang ang isinuot ko.
Kumatok ako sa pintuan ng k'warto ng anak ko bago pumasok sa loob.
"Hi Baby," saad ko ng pumasok ako sa k'warto n'ya. Nakita ko na nagsusulat s'ya sa kan'yang study table.
"Daddy!" tumakbo si Allie papunta sa akin at yumakap. Kinarga ko ang anak ko at hinalikan ko s'ya sa pisngi.
"Kamusta naman ang aking prinsesa?" tanong ko sa kan'ya. Naupo ako sa kama habang karga ko pa rin s'ya.
"Okay lang po Daddy, tinuruan po ako ni Mommy, ngayon na magbasa ng English."
"Talaga? Magaling ka na bang bumasa ng English, Baby?" nakangiti ko na tanong sa anak ko, marunong naman na s'ya magbasa dahil pumapasok naman na s'ya, kindergarten na siya ngayon.
Face to face na ang pagpasok nila kaya maganda. Gusto lang ni Sabrina na mas hasain pa ang anak namin sa pagbabasa ng English.
"Yes po Daddy, kita mo po ito? Lagay yan ni teacher kanina, tapos ito po lagay naman 'to ni Mommy kanina dahil ang galing ko po," sagot niya. Ipinapakita n'ya ang tatak na mga star sa magkabila n'yang kamay.
"Wow! Ang galing naman ng Baby ko! Manang-mana ka talaga sa Daddy," sabi ko. Pinisil at pinanggigilan ko ang kanyang pisngi.
"Aray ko po Daddy, ang sakit po," reklamo niya sa akin..
"Hay naku! Kaya naman pala ang tagal n'yong dalawa nagbobolahan na naman kayo rito. Tara na sa baba, kakain na po tayo," si Sabrina ng pumasok sa loob ng k'warto ni Allie.
"Si Daddy po kasi Mommy," sumbong ni Allie sa ina n'ya, bago bumaba sa kandungan ko at yumakap kay Sabrina.
"Anong ako? Ikaw kaya Baby," sagot ko. Nilapitan ko ang mag-ina ko at nakiyakap sa kanila.
"Hep! Tigil na," awat sa amin ni Sabrina ng aktong sasagot pa ang anak namin.
"Tara na," lumabas na si Sabrina ng k'warto kasunod kaming mag-ama.
___________________
"Saan tayo magkikita, Mahal?" tanong sa akin ni Sabrina, nandito kami sa harap ng mall, linggo ngayon at may family bonding kami kagaya ng lagi naming ginagawa kapag Sunday.
"Sa food court na lang Mahal, hintayin n'yo na lang muna ako roon," tumango lang s'ya bago bumaba ng kotse kasama si Allie. Magpa-park pa kasi ako ng kotse sa parking area sa likod ng mall.
Kaka-off ko lang ng engine ng kotse ko pagkatapos ko na makapag-park, ng mapatingin ako sa side mirror at mahagip ng mata ko ang komusyon sa may halos likuran lang kung saan ako naka-park.
Kita ko ang dalawang lalaki na naka- bonet at may hawak na kutsilyo. Hindi ko kita kung sino ang binibiktima nila dahil natatakpan 'yon ng poste na pader.
Dahan-dahan akong bumaba ng kotse at pumunta sa pinangyayarihan ng krimen.
Nagkubli ako sa pader na poste at bahagyang sumilip, nakita ko ang binibiktima pala nila ay isang matandang lalaki na halatang mayaman base sa suot at tindig nito.
Naghanap ako sa paligid ng puwedeng gamiting armas para tulungan ang biktima. Sakto na nakakita ako ng dos for dos na kahoy, kinuha ko 'yun.
Dahan-dahan akong lumapit sa isang lalaki at inundayan s'ya ng p****k. Tinamaan ko naman ang lalaki kaya natumba s'ya, nakita ng kasama n'ya ang ginawa ko kaya sumugod s'ya sa akin at inundayan ako ng saksak na agad ko naman naiwasan.
Iwinasiwas ko rin ang kahoy na dala ko at tinamaan ko ang kamay ng lalaki kaya nabitawan n'ya ang kutsilyo. Sinamantala ko naman 'yun, sinugod ko s'ya at pinokpok sa ulo. Tulog ang hinayupak!
Nag-relax na ako dahil akala ko wala ng kalaban ng may bigla sumuntok sa akin na ikinahilo ko. Bumangon pala ang una kong naitumba.
Naman! Ang sakit ng panga ko. Kelan pa kasi ako naging super hero?
Susugod na naman ang lalaki at hawak na naman n'ya ang kutsilyo ng unahan ko s'yang hambalusin ng kahoy, tumba ang lalaki ng tamaan ko rin s'ya sa ulo n'ya.
"Okay ka lang ba, hijo?" tanong ng matandang lalaki na tinulungan ko ng lumapit sa akin, hiwakan n'ya ako sa balikat.
"Oho, kayo ho ba?" tanong ko rin. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko, pakiramdam ko kasi ay may dugo roon.
"Ayos lang ako, salamat sa pagtulong mo sa akin, kung hindi dahil sayo baka napahamak na ako."
"Wala ho 'yon, lahat naman ho siguro ay gagawin ang ginawa ko, paano po pala ang gagawin natin sa mga 'yan?" tanong ko.
"Ewan ko lang hijo, pero sa tingin ko sa panahon ngayon ay bihira na ang taong handang tumulong. Nakatawag naman na ako ng police kanina, papunta na siguro ang mga 'yun dito."
Tumango ako kay Manong. "Ako nga pala si Armando, ito ang calling card ko kung sakaling kailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang ako."
Kinuha ko 'yon at binasa. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang business card nung matanda kanina.
"Sir, kayo po pala si Mr. Salcedo, chairman ng Salcedo Incorporated," ngumiti ang matanda at tumango.
"Kilala mo pala ako hijo, ikaw ano bang pangalan mo?"
"Charles Corpus po, sa company n'yo po ako nagtatrabaho," sagot ko sa kan'ya. Nakangiti ako pero ewan ko ba parang kabado ako na hindi ko mawari.
"Wow! What a coincidence Charles," nakangiti pa rin na sagot ng matanda. Sasagot pa sana ako ng dumating na ang mga pulis.
Dinampot ng mga ito ang dalawang lalaki na hanggang ngayon ay wala pa rin malay.
May lumapit sa aming pulis at hiningan kami ng detalye sa nangyari, kaya ikin'wento ko lahat mula umpisa, at ganoon din naman ang ginawa ni Mr. Salcedo.
"Sige po sir, kung may kailangan pa kaming itanong ay tatawagan na lamang namin kayo," sabi ng isang police officer na nag-interview sa amin ni Mr.Salcedo.
Tumango lang kami sa mga pulis bago sila umalis para sumakay sa kanilang patrol car.
"Sige hijo, mauna na ako sa'yo, maraming salamat 'uli," paalam ni Mr. Salcedo sa akin.
"Walang anuman po Sir. Mag-iingat po kayo," tumango lamang s'ya bago lumakad paalis.
Kakaalis lamang ni Mr. Salcedo ng tumunog ang cellphone ko.
"Hello Mahal," sagot ko kay Sabrina sa kabilang linya. T'yak na nag-aalala na s'ya dahil ang tagal ko nakabalik sa kanila.
"Mahal, 'asan ka na ba? May nangyari ba, bakit ang tagal mo?" tanong n'ya. Bakas ang pag-aalala sa boses.
Nagsimula na akong maglakad paalis sa parking area. "Sorry Mahal, mamaya ko na ikukwento pagdating ko d'yan, papunta na ako."
"Okay sige, ingat ka," bilin n'ya bago i-end ang call.
Hay! Feeling ko napagod ako sa nangyari ngayon araw. Akalain mo nga naman na naging life saver pa ako.
"Mahal, ano bang nagyari? Oh napa'no 'yan?" tanong ni Sabrina ng makalapit ako. Hinawakan din niya ang mukha ko at tiningnan ang pisngi ko na tinamaan ng suntok kanina, siguro ay pasa na ito ngayon. Kainis nabawasan tuloy ang ganda kong lalaki.
"Nasuntok po Mahal, may tinulungan kasi ako kanina na hino-holdap," sagot ko. Naupo ako sa upuan, nandito pa rin sila sa food court kagaya ng pinag-usapan namin kanina.
"Ano? Buti 'yan lang ang nangyari sa'yo, Mahal, yung biktima ayos lang ba?" naupo na rin s'ya sa tapat ko.
"Okay ka lang, Daddy?" tanong naman ng anak ko sa akin.
"Yes Baby, strong kasi ang Daddy mo," sagot ko.
Itinaas ko pa ang braso ko at pinakita ang muscle ko. Napahagigik naman sa tawa ang anak ko habang ang asawa ko ay napailing na lang.
"Okay lang 'yun biktima Mahal, pero alam mo ba yung hinoldap pala ay 'yung may-ari mismo ng company na pinapasukan ko," sabi ko
"Talaga?" parang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko.
"Oo tuwang-tuwa nga ng malaman na sa kompanya n'ya ako pumapasok," nakangiti kong k'wento sa asawa ko.
"Wow! Mapo-promote ka na n'yan Daddy," tuwang-tuwa sabi ng anak ko. Nagkatinginan kami ni Sabrina at sabay na natawa.
"Sana nga Baby, pero kumain na lang muna tayo dahil gutom na si Daddy." Binuhat ko na ang anak ko at umalis na kami roon para maghanap ng kakainan bago maglaro sa timey zone.