Chapter 6

2207 Words
Charles Kasasakay ko lang ng kotse ko ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon sa loob ng bulsa ng pantalon ko at sinagot ko pagkatapos kong makita kung sino ang tumatawag. "Mommy, bakit po?" tanong ko. Ikinabit ko ang aking seatbelt gamit ang isang kamay. "Charles, hindi ka ba pupunta sa bahay ngayon?" napakunot ang aking noo dahil sa tanong ni Mommy. Bakit naman ako pupunta sa bahay, anong meron? tanong ko sa isipan ko. "Bakit po, ano ang gagawin ko d'yan?" tanong ko. "Birthday ko ngayon, hindi mo man lang naalala," sagot n'ya sa akin. Napatapik naman ako sa noo ko. Tsk! hindi ko talaga naalala ang araw na ito, wala man lang ako nabili na regalo para sa aking ina. Hindi ko man nakikita ngayon si Mommy, alam ko na nakasimangot s'ya dahil nakalimutan ko ang birthday n'ya. "Sorry My, nakalimutan ko po. Happy birthday po," sagot ko. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan ang birthday n'ya, kahit naman malimit kaming mag-away , mahal ko pa rin ang pamilya ko. "Thank you, anak! Aasahan ko na pupunta ka mamaya hijo. Pakiusap lang anak, 'wag mo ng isama ang mag-ina mo, kahit 'yon na lang ang regalo mo sa akin," sagot ng aking ina. I exhaled deeply before answering my mother. Lagi na lang s'yang gan'yan kapag pamilya ko na ang usapan. "Mommy, ano ba?!" sabi ko. Med'yo irita na ako agad dahil sa sinabi ng aking ina, hindi ba n'ya alam na nasasaktan din ako kung pa'no n'ya tratuhin ang mag-ina ko. "Charles 'yon lang ang hinihingi kong regalo sa'yo!" sagot ni Mommy bago ako babaan ng telepono. Napabuntonghininga na lang ako sabay iling dahil sa ugali ng aking ina. Binuhay ko ang makina ng kotse ko, mabilis kong pinaharurot ang kotse ko pauwi. "Daddy!" sigaw ng anak ko. Tumakbo s'ya papunta sa akin ng makita akong dumating. Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi. "Ang bigat mo na, Baby ko," sabi ko. Lumakad ako papunta sa sofa at naupo sa tabi ng aking asawa. Hinalikan n'ya ako sa pisngi bago ako pinagmasdan ng mataman, 'yung tipong sinusuri ang itsura ko. "Bakit parang iba na naman ang timpla mo ngayon, Mahal?" tanong niya. Alam na alam n'ya talaga kapag may iniisip ako, dinaramdam o may nangyari sa akin. Ganyan n'ya ako ka kilala o gano'n n'ya ako binibigyan ng pansin. Huminga muna ako ng malalim bago sinabi sa kan'ya ang naging usapan namin ng aking ina. Ngumiti lang s'ya ng bahagya habang ang anak ko naman ay nakatingin lang sa kan'yang ina na parang alam niya ang pinag-uusapan namin. Sabagay alam ko na kahit papa'no ay naiintindihan n'ya na ang sitwasyon namin. "Pumunta ka Mahal, 'wag mo kaming alalahanin ni Allie," sabi ni Sabrina. Kinuha n'ya sa kandungan ko ang anak namin. "Pero Mahal, nahihiya na ako sa in'yo ng anak ko," sagot ko. Sinulyapan ko silang dalawa. Alam kong kahit hindi magsalita si Sabrina ay sobra s'yang nasasaktan hindi lamang para sa sarili n'ya kun'di pati sa aming anak. "Hayaan mo na, dadating din naman siguro ang panahon na matatanggap kami ng magulang mo, sa ngayon pagbigyan mo muna ang gusto nila," sagot ng asawa ko habang may nakakaunawang ngiti sa labi. "Sige na Mahal, magpalit ka na ng damit mo sa taas." sabi ni Sabrina ng hindi pa rin ako kumikilos. Labag man sa loob ko na pumunta sa kaarawan ng aking ina ng hindi sila kasama ay tumayo na rin ako para pumunta sa k'warto at magpalit ng damit. Alam ko na kapag walang nakatingin sa asawa ko ay iiyak s'ya, ayaw n'ya kasing ipakita sa akin o kahit kanino na nasasaktan na s'ya. Nakapagpalit na ako ng damit kaya bumaba na ako, nasa sofa pa rin ang mag-ina ko at nanunuod ng TV. "Okay ka lang ba talaga, Mahal?" tanong ko ng makalapit ako sa kanila. Ngumiti s'ya sa akin, ngiting hindi umabot sa kan'yang mga mata. "Oo Mahal, 'wag kang mag-alala sanay na ako, lakad na," taboy n'ya sa akin. "Ba-bye po Daddy, ingat ka po." paalam ng anak ko sa akin. Hinalikan n'ya ako sa pisngi. Napangiti naman ako ang sarap na may ganito kang anak, napaka-sweet. "Thank you, Baby," sagot ko. Hinalikan ko rin si Sabrina sa pisngi, "Aalis na ako Mahal," paalam ko," Naglakad na ako palabas ng bahay pagkatapos kong magpaalam sa mag-ina ko. Bago ako tuluyang umalis ay muli ko silang sinulyapan. Kanina pa ako nakaupo sa loob ng kotse ko pero hindi ko pa rin binubuhay ang makina. Parang ayaw ko talagang umalis ng hindi ko sila kasama. Babalik na sana ako sa loob ng maisip kong lalo lamang maaawa sa sarili si Sabrina sa gagawin ko kaya bumalik ako sa kotse at pinaandar na iyon paalis. "Anak, mabuti at pinagbigyan mo ako." sabi ni Mommy. Kailangan talaga 'yun na agad ang salabong ng aking ina sa akin. Dapat yata talaga ay hindi ako nagpunta rito. Kahit na naiinis ako, hinalikan ko pa rin si Mommy sa pisngi. "Happy birthday, Mommy," bati ko. Iniabot ko sa kan'ya ang cake na dala ko. "Halika, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." sabi ni Mommy, hinila n'ya ako sa braso papunta sa isang mesa na puno ng mga nakaupo. Tingin ko ay mga mag-asawa silang lahat. "Mga kumadre, kumpadre ito pa pala ang isang anak ko si Charles," pakilala sa akin ni Mommy sa mga kaibigan Sinabi n'ya sa akin ang bawat pangalan ng mga nanduon at nakuha ng isang tao ang aking pansin. "Hijo, kamusta? Anak ka pala ni Myra," sabi ni Mr. Salcedo at inabot ang kamay para makipagkamay sa akin. "Ayos lang po Sir, kayo po kamusta?" nakangiting tanong ko. "Maayos ako Charles, ito pala ang aking asawa si Marissa," inabot ko ang kamay ni Mrs. Salcedo at nakipagkamay rin sa kanya "Hello po, kamusta po kayo?" bati ko kay Mrs. Salcedo. "Maayos din ako, salamat," sagot ni Mrs. Salcedo, "Salamat din pala sa pagtulong mo sa asawa ko dati, ikaw pala 'yun tumulong sa kan'ya." "Wala po 'yun Ma'am," nakangiting sabi ko. Habang panay ang pag-uusap namin ni Mrs. Salcedo, kunot na kunot naman ang noo ng aking ina dahil hindi n'ya alam kung ano ang pinag-uusapan namin. "Anong tulong 'yon tinutukoy mo, Mare?" hindi na nakatiis na tanong ni Mommy, kaya ikin'wento na ni Mrs. Salcedo ang nangyari. Ngumiti ang aking ina sa akin pero 'yung mata n'ya ay pinangigilan ako. Mabuti na lang at nasa gawing likuran siya ng mga Salcedo kaya hindi nila kita kung gaano kasama ang tingin sa akin ng aking ina. Ayaw na ayaw n'ya kasi ng gano'n dahil ang katwiran n'ya ay baka mapahamak pa ako o kami dahil sa pagtulong. "Maiba ako kumadre, binata pa ba itong anak mo na ito?" tanong ni Mr. Salcedo kay Mommy, sasagot na sana ako pero inunahan na ako ng aking ina. "Oo, kumpadre, binata pa 'yan," sagot naman ni Mommy, "Bakit?" "Mommy!" sabi ko. Kung ano-ano na namang sinasabi ng aking ina. Lumapit naman s'ya sa akin at pinisil ang aking braso ng hindi nahahalata. "Gusto ko s'ya para sa anak ko kumadre, tama naman palang binata pa 'yang anak mo," nakangiting tugon ni Mr. Salcedo. Oblivious sila sa tensyon na namamagitan sa'min ni Mommy. "Aba! Gusto ko 'yan kumpadre, nasaan ba ang aking soon to be daughter in law?" tanong ni Mommy na wagas ang pagkakangiti. Kulang na lang nga ay ilabas n'ya ang ngipin n'ya na pang mais. "Ah, sir sandali__" sabi ko. Gusto ko sanang kumontra sa pinag-uusapan nila ng maunahan ako ni Mommy, dahilan para tumahimik ako. "Sandali lang kumpadre at may pag-uusapan lang kami ng anak ko," paalam ni Mommy kina Mr. Salcedo, "Basta gusto ko 'yang ideya mo na iyan, pag-usapan natin iyan mamaya." Hinila ako ni Mommy papasok sa loob ng bahay namin. Nasa labas kasi ang handaan. "Ano ba 'yong sinasabi n'yo kanina ha, Mommy?" sabi ko. "May asawa na ako at anak, bakit ba hindi n'yo 'yon matanggap?" "T*nga ka ba talaga o hindi ka lang talaga marunong mag-isip?" sagot sa akin ni Mommy, "Hindi mo ba naisip na kapag nakatuluyan mo ang anak ni Armando ay ikaw na ang maaaring mag may-ari ng kompanya nila? At kapag nangyari 'yon puwede mo ng matalo ang karibal mong si Vergara at puwede mo ng gawin lahat sa kan'ya." "Pero Mommy, pa'no naman ang pamilya ko? Anong gusto mong gawin ko sa kanila?" tanong ko. Kahit gusto ko ang ideya na matatalo ko si Vergara, iniisip ko pa rin ang pamilya ko. "Hindi naman sila mawawala sa'yo, ikaw pa rin ang ama ng anak mo, pero itong pagkakataong ito ay minsan lang dumating kaya mag-isip kang mabuti," mahinahon na sagot sa akin ng aking ina. Hindi ako sumagot kay Mommy. Wala akong maisip na isagot na ipinagtataka ko rin sa aking sarili. "Subukan mo lang anak, wala naman mawawala sa'yo dahil lalaki ka," sabi ni Mommy ng hindi ako sumagot. Hinila ako ni Mommy pabalik kung nasaan ang puwesto nina Mr. Salcedo. Wala na ang ibang kasama nila sa mesa ng bumalik kami kaya naupo kami ni Mommy sa kanilang tabi. "So kumpadre nasaan na nga tayo kanina?" umpisa ni Mommy. "Tinatanong mo kung nasaan ang anak ko kanina Myra," nakangiting sagot ni Mr. Salcedo. "Ah, oo, nasaan nga ba? Dapat isinama n'yo rito," sabi ni Mommy. "Nasa America pa ang batang 'yon, s'ya kasi ang namamahala ng business namin do'n," sagot naman ni Mrs. Salcedo. "Gano'n ba? Eh, papaano magkakakilala ang mga anak natin?" muling tanong ni Mommy. "Hahaha, relax ka lang Myra, uuwi na ang anak ko dahil ipapakilala ko sa kan'ya itong anak mong si Charles," sagot ni Mr. Salcedo. Tinapik pa n'ya ako sa balikat, ngumiti lang naman ako sa kan'ya. Wala akong maisip sabihin. Hindi ko alam kung bakit pumapayag ako sa usapang ito. Iniisip ko kung gusto ko rin ba ang ideya na maging asawa ang anak ni Mr. Salcedo para sa personal kong interest? Pa'no ang pamilya ko? "Charles, okay ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap , hindi mo 'ata ako nadidinig," si Mr. Salcedo, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Sorry po sir, may iniisip lamang po ako, ano po bang sinasabi n'yo kanina?" "Tinatanong kita kung ayos lang ba sa'yong makipagmabutihan sa aking anak?" Napalunok ako ng laway sa tanong ni Mr. Salcedo sa akin. Naramdaman ko rin ang pagsipa ni Mommy sa aking binti sa ilalim ng mesa. Ano bang isasagot ko? tanong ko sa isipan ko. "Yes sir, wala pong problema," nakingiting sagot ko sa kan'ya. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagngiti ng aking ina sa naging sagot ko. "Tama ba 'tong gagawin mo ha, Charles?" kastigo ko sa aking sarili sa isipan ko. Hayst! Bahala na si betman! "Mabuti naman kung ganoon, next week ang balik ng aking anak dito sa Pilipinas, at gusto ko kapag sinundo namin s'ya sa airport ay sumama ka," sabi ni Mr.Salcedo. Kita kong napatingin ang asawa ni Mr. Salcedo, parang hindi niya gusto ang desisyon ng mister n'ya, pero hindi s'ya nagsalita. Ngumiti lang s'ya sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya, ngumiti na lamang din ako. "Sige po sir, sabihan n'yo na lamang po ako kung kelan ang mismong araw ng pagbabalik n'ya ng Pilipinas," sagot ko. "Okay." sagot ni Mr. Salcedo, "Tito na lang ang itawag mo sa akin Charles at Tita naman sa akin asawa." "Hindi na ako makapaghintay na makilala ang anak mo Armando," ngiting-ngiting wika ni Mommy. "Ako rin Myra, excited na akong makilala ng anak ko itong si Charles," sagot ni Mr. Salcedo kay Mommy. Gaya kanina ay parang hindi na naman agree ang asawa n'ya, tahimik lang siyang nakaupo. "Excuse lang po muna Tito, Tita, maiwan ko muna po kayo at may kukunin lang ako," paalam ko. "Sige hijo," sagot ni Mr. Salcedo. Si Mommy ay nagtatanong ang mga mata na nakatingin sa akin pero hindi ko s'ya pinansin, tumayo ako at umalis sa lugar na iyon. Nagpunta ako sa buffet table at kumuha ng mga pagkain, gutom na ako kanina pa. Hindi naman ako kumain sa bahay bago umalis dahil handaan naman ang pupuntahan ko pero itong ina ko inuna pang ilako ako kesa ang pakainin muna. Dito sa med'yo tago ako naupo at ng hindi ako makita ni Mommy kung sakaling hanapin n'ya ako, gusto kong kumain ng walang istorbo. Habang kumakain ay nakatanggap ako ng text galing kay Sabrina. "Mahal, matutulog na kami, ingat ka pauwi. I love you," text ni Sabrina sa akin kaya bigla akong nawalan ng gana. Pa'no ko naatim na kumain ng napakadami samantalang kanina lang ay pumayag akong itat'wa sila, pumayag ako na makipagkilala sa ibang babae. Naiiyak ako na nag-reply sa asawa ko. "I love you too, Mahal. Pauwi na rin ako maya-maya." Gusto ko sanang mag-sorry sa asawa ko sa text pero sinarili ko na lang. Kinalma ko muna ang aking sarili bago tumayo at umalis sa bakuran na iyon, sa bakuran ng magulang ko. Pagsakay ko ng kotse ay nag-compose muna ako ng text kay Mommy. "Uuwi na ako Mom, ikaw na bahala magpaliwanag d'yan kina Mr. Salcedo, kayo naman ang may gusto n'yan." Pagka-send ko ay pinaharurot ko na ang kotse ko palayo sa bahay ng mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD