Chapter 11

2199 Words
Sabrina "Mommy, wala na naman po si Daddy, ngayon?" sabi ng anak kong si Allie. Kumakain na kami ng dinner ngayon at wala na naman ang asawa ko. Ilang araw at linggo na, na laging hindi namin nakakasama si Charles sa hapunan dahil lagi siyang may lakad o kaya naman ay hindi pa umuuwi tapos minsan ay magte-text lang na may biglaang lakad na naman. Kapag tinatanong ko kung saan ang lakad n'ya ang lagi lang n'yang sagot ay may meeting sila sa ganito o sa gan'yan. Hindi ako madudahing tao pero sa kilos ng asawa ko ngayon ay iba ang kutob ko. Ilang linggo na rin na hindi kami nakakapag-bonding gaya ng lagi namin ginagawa noon. "Wala Baby, may trabaho pa kasi si Daddy, kaya malimit s'yang hindi makasama sa atin ngayon," pagsisinungaling ko na sagot sa anak ko. Tumango lang s'ya at hindi na sumagot pa, ipinagpatuloy na lang n'ya ang pagkain. Kumain na lang din ako kahit wala akong gana. "Hintayin mo na lang ako anak sa sala at liligpitin ko lang ito," sabi ko sa kan'ya ng matapos kaming kumain. "Opo Mommy," sagot niya sa akin bago tumayo at pumunta sa sala, dinig kong binuhay niya ang aming TV. Niligpit ko ang mga plato at pinunasan ang lamesa. Tinabi ko sa refrigerator ang mga tira naming pagkain bago hinugasan ang mga plato. Pinuntahan ko na ang anak ko pagkatapos kong maglinis sa kusina. "Hindi ka pa ba inaantok anak?" tanong ko ng tumabi ako sa kan'ya sa pag-upo. "Inaantok na po, kaso Mommy, gusto ko po sanang hintayin si Daddy na umuwi," sagot niya sa akin. "Naku anak, baka gabing-gabi na makauwi ang Daddy mo, mapupuyat ka lang ay hindi iuon maganda sa batang katulad mo," sabi ko sa kan'ya. Paano n'ya ba hihintayin ang Daddy n'ya, eh hindi ko nga alam kung anong oras si Charles uuwi. Kanina pa ako nag-text pero wala akong nakuhang reply. "Miss ko na si Daddy, Mommy, hindi na kami nakakapaglalaro," malungkot na sabi niya sa akin. Parang dinudurog ang puso ko sa hitsura ng anak ko. Ano ba kasing nangyayari kay Charles? Hindi naman sana tama ang kutob ko, sabi ko sa isipan ko. "Kapag hindi na busy sa work si Daddy, tiyak naman na babawi 'yun sa'yo Baby, kaya 'wag ka na malungkot," pinasigla ko ang boses ko habang sinasabi ko 'yon sa kan'ya, para mukhang makatotohanan. "Talaga po, Mommy?" tanong niya na parang hindi naniniwala. Tumango ako at ngumiti sa anak ko. "Oo anak, mahal ka ni Daddy mo kaya sigurado 'yun." "Okay po Mommy, tulog na po tayo," sabi niya na hindi man lang natuwa sa sinabi ko. Parang alam o ramdam n'ya na maging ako ay hindi sigurado sa sinabi ko sa kan'ya. "Tara na Baby," binuhat ko ang anak ko papunta sa k'warto n'ya. Malaki na siya, pero minsan gusto ko 'yung ganito na bine-baby ko s'ya. Inihiga ko s'ya sa kama at kinumutan. "Good night anak, sweet dreams, I love you." hinalikan ko siya sa noo. "Good night din po Mommy, I love you too po," sagot niya sa akin. Pinatay ko na ang ilaw at lumabas na ng k'warto ng anak ko at nagpunta sa k'warto naming mag-asawa. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may text galing kay Charles pero wala. I exhaled deeply bago ko sinubukan kontakin ang number niya pero ring lamang 'yon ng ring. Nakailang dial ako pero wala talagang nasagot. Itinabi ko na lang ang phone ko sa bedside table at nahiga na sa kama. Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay ng alarm ng cellphone ko kaya kinapa ko 'yun sa ibabaw ng table at pinatay. Napatingin ako sa kabilang side ng kama at wala na doon si Charles. Bumangon na ko at pumunta sa banyo para maghilamos at pagkatapos ay bumaba na. Dumeretso ako sa kusina dahil akala ko nandoon ang asawa ko pero wala. Hindi ba umuwi si Charles kagabi? tanong ko sa sarili ko. Nasagot ang tanong ko ng madinig kong bumukas ang front door namin kaya pumunta ako sa sala. Naabutan ko doon si Charles suot pa rin ang damit na suot ng umalis kahapon ng umaga. Nagulat siya ng makita akong nakatayo sa may pintuan papunta sa kusina. "Hindi ka umuwi kagabi?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot. "Oo pasensya na at napadami ang inom ko kagabi kaya hindi na ako nakauwi," sagot niya sa akin. Naupo s'ya sa sofa kaya naupo rin ako sa tapat ng inuupuan n'ya. "Uminom ka? Bakit? Akala ko ba meeting ang pupuntahan mo?" mahinahong tanong ko, kahit na gustong-gusto ko na s'yang sigawan. Wala pa akong ebensya pero malakas talaga ang kutob ko na niloloko na n'ya ako. "Meeting nga pero ng matapos kami ay nag-aya ang kliyente na mag-inom," sagot niya na parang siya pa ang naiinis. Tiningnan ko lang s'ya na parang hindi makapaniwala sa inaasta n'ya sa akin ngayon. S'ya pa talaga ang may ganang mainis? "Sabihin mo nga sa akin Charles, may problema ba tayo? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" mahinahon pa ring tanong ko. Hanggat maaari ay ayaw kong magsabay ang init ng ulo namin. Kung bakit ba naman kasi s'ya na nga itong may pagkukulang at mukhang may ginagawang milagro ay s'ya pa ang may attitude na ganito. "Ano bang klaseng tanong 'yan Sabrina?" sabi niya sa akin, wala ng bakas ng pagkainis, "Wala tayong problema, pasensya na kung hindi ako nakauwi kagabi at kung malimit akong wala, med'yo busy lang talaga." Ewan ko, pero kahit maayos naman ang paliwanag n'ya sa akin ay hindi ko magawang maniwala, duda ako talaga. "Sigurado ka ba? Iba kasi ang kutob ko," sabi ko sa kan'ya. Gusto kong malaman n'ya na hindi ako naniniwala sa paliwanag n'ya sa akin. "Oo nga, bakit ba ang kulit mo?" sabi niya ng pasigaw, "Puwede ba, 'wag mo akong pag-isipan ng masama, Sabrina!" Hindi ako makapaniwala na sinigawan niya ako ngayon. For the first time sa buong pagsasama namin ay ngayon lang niya ito nagawa. Agad na nangilid ang luha ko. Nasasaktan ako kung paano niya ako pakitunguhan ngayon, paano pa kapag tama ang hinala ko na niloloko na niya ako? Baka ikadurog ko iyon ng sobra kapag tama ang hinala ko. "Daddy, inaaway mo po si Mommy!" sabi ng anak ko habang umiiyak. Nakatayo siya sa hagdan, kaya tumakbo siya payakap sa akin. Agad ko naman niyakap ang anak ko. Bakit naman sa ganito pa n'ya kami inabutan ng Daddy n'ya? "Shhhh, hindi ako inaaway ni Daddy, Baby, nag-uusap lang kami," sabi ko. Nagsinungaling ako sa anak ko, dahil hanggang maaari ayokong malaman niya o isipin man lang na nag-aaway kami ng Daddy n'ya. "No Mommy, inaaway ka ni Daddy, sinisigawan ka po n'ya!" umiiyak pa rin na sagot niya sa akin. "Baby sorry, hindi ko naman inaaway si Mommy, napalakas lang ang pagkakasabi ko pero hindi ko inaaway si Mommy," paliwanag ni Charles sa anak namin. Lumapit siya sa puwesto namin at hinaplos niya ang buhok ni Allie. Hindi s'ya pinansin ng anak namin, patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Napahawak si Charles sa kan'yang batok sabay buntonghininga. Gusto ko rin maiyak sa nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko alam kung bakit kami nagkakaganito, pero pilit kong pinipigilan dahil lalo lamang masasaktan ang anak ko kapag nakita akong umiyak. "Sorry na Baby ko, sige ganito hindi na lang papasok ngayon si Daddy, sa work tapos ikaw hindi ka rin papasok sa school ngayon, mamamasyal tayo, babawi sa'yo si Daddy," nakangiti na sabi ni Charles sa anak namin. Tumigil sa pag-iyak ang anak namin bago tumingin sa kan'yang ama, parang tinitingnan niya kung seryoso ba o hindi sa sinabi sa kan'ya. "Talaga po?" tanong niya sa Daddy n'ya. Tumango si Charles habang nakangiti sa anak. "Yes Baby, saan mo ba gustong mamasyal?" Nag-isip saglit ang anak ko, bago masiglang sumagot sa Daddy niya, "Sa amusement park po Daddy, roon po sa madaming rides." "Wow! Maganda nga roon, sige Baby, pupunta tayo ngayon doon pero kumain muna tayo ng breakfast dahil malayo ang b'yahe natin," sabi ni Charles sa anak namin. "Sige po Daddy," sagot ng anak namin. Kinuha ni Charles si Allie sa akin at binuhat papunta sa kusina, nakasunod lang ako sa mag-ama ko. Pagdating sa kusina ay nagsalang ako sa rice cooker ng bigas tapos ay nagluto ako ng mga pagkain na mabilis lutuin habang ang mag-ama ay masayang nag-uusap, nakaupo na sila sa harap ng hapag kainan. Ng makaluto ay naghain na ako, at inasikaso ko silang mag-ama ng tahimik. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami, si Charles ay sa k'warto namin nagderetso at ako naman ay sa k'warto ni Allie dahil papaliguan ko pa ang anak ko. "Mommy, okay lang po ikaw?" tanong niya sa akin, sinuksuklayan ko na s'ya ngayon dahil tapos ko na s'yang paliguan. "Yes Baby, okay lang si Mommy, bakit mo natanong?" nakangiti na sabi ko. "Kasi po Mommy, mukha ka pong sad," sabi niya, kita ang lungkot sa mukha niya. Med'yo nangilid na ang luha ko, nakakaramdam kasi ako ng pagkahabag para sa sarili ko. Mabuti pa ang anak ko concern sa akin at napapansin na malungkot ako, samantalang si Charles wala, ni hindi man lang siya nag-sorry sa akin dahil sa pagsigaw niya sa akin kanina at ni hindi man lamang ako tinitingnan. "Okay lang si Mommy, Baby, don't worry, ang gusto ni Mommy ay mag-enjoy ka ngayon," pinasigla ko ang boses na sabi sa kan'ya. Tanging tango lang ang sinagot niya sa akin. "Ready ka na Baby?" tanong ni Charles, ng pumasok sa k'warto ng anak namin. "Yes po Daddy," sagot ng anak ko. Nakangiti siya ng malaki sa kan'yang ama. "Very good! Tara sa baba anak, doon na lang natin hintayin si Mommy," sabi ni Charles at kinarga na si Allie at lumabas na sila ng k'warto. Daig ko pa ang hangin, ni hindi man lang ako kinausap at basta na lamang nilayasan. Kinuha ko ang backpack na dadalahin namin na paglalagyan ng mga gamit ng anak ko, like damit na pamalit dahil baka pagpawisan s'ya, towel, etc. Pagkatapos kong maihanda lahat ay nagpunta na ako sa k'warto namin para maligo at mag-ayos. Naligo lang ako ng mabilis at nagpatuyo ng buhok, nagsuot ako ng black fitted jeans, white crop top, at rubber shoes. Naglagay ako ng isang t-shirt na kulay baby pink at inilagay ko sa backpack ni Allie, pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Naabutan ko na nanunuod sila ng TV. "Tara na," 'aya ko sa kanila. Pinatay ni Charles ang TV bago kinarga muli si Allie. Pinauna ko na silang lumabas dahil ako ang maglala-lock ng pinto. Sumakay kami ng kotse at tahimik na bumiyahe papunta sa laguna kung saan nandoon ang amusement park na gustong puntahan ng anak ko. Pagdating sa lugar na pupuntahan namin ay kaagad kaming bumaba sa kotse at nagpunta sa entrance. Pinauna na kami ni Charles dahil maghahanap pa siya ng mapaparadahan ng kotse. Ang daming tao kahit na hindi naman weekend. Nakakatuwa ang dami kong natatanaw na mga rides, bigla rin tuloy akong na-excite, hindi pa kasi ako nakakapunta rito, isa pa hindi pa rin ako nakakasakay sa mga ibang rides na narito na wala sa mga perya. Tapos idagdag pa na hindi ako nakagala masyado noong dalaga pa ako, dahil mahirap lang kami, tapos nabuntis pa nga ako ng maaga. "Tara na Baby, saan mo gusto unang sumakay?" tanong ni Charles ng makabalik mula sa pag-park ng kotse sa amin. "Gusto ko po roon Daddy," sagot ng anak ko sabay turo sa Ferris wheel. "Sige, d'yan tayo unang sasakay," sabi ni Charles. Pumasok na kami sa loob, hawak ni Charles ang kamay ng anak namin habang ako ay nakasunod lang sa kanila, bumili kami ng mga ticket at pumunta sa Ferris wheel at nakipila. Kaso pagdating doon tingin ko ay hindi kami kas'yang tatlo, kumasya man ay masikip at mahihirapan kaming gumalaw. "Baby, kayo na lang ni Daddy ang sumakay, parang natatakot ako eh," sabi ko. Hindi ko kasi puwede sabihin na hindi kami kasya dahil t'yak na magpupumulit siya na sumama ako. "Eh Mommy, wala ka pong kasama rito kapag kami lang ni Daddy, ang sumakay," nag-aalalang sabi ng anak ko. "Baby, big girl na si Mommy, kaya okay lang ako. Sige na sakay na kayo ni Daddy mo," pagtataboy ko. "Sigurado ka ba? Kasya naman tayo kahit paano sa upuan," mahinang tanong ni Charles sa akin. Tumango lang ako. Dumukot siya sa bulsa at inalabas ang wallet, kumuha s'ya ng pera at inabot sa akin. "Ingat ka, bumili ka ng kahit anong gusto mo." sabi ni Charles sa akin, bago sila umalis para sumakay sa Ferris wheel. Kumaway ako sa kanila ng magsimula ng umandar iyon. Ng nasa taas na sila ay umalis na ako. "Saan kaya ako pupunta?" bulong ko sa sarili ko. Takot akong mag-uli mag-isa dahil baka maligaw ako. Habang nag-iisip kung saan ako pupunta ay natawa ako ng kaunti, tawa na may kasamang pait at lungkot. Kung panahon na okay kami ni Charles, malamang ay pipilitin niya na sumama ako sa kanila. Pero dahil hindi kami okay, daig ko pa ngayon ang isang baby sitter na iniwan pagkatapos bigyan ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD