Chapter 12

2232 Words
Georgina "Oh, nandito ka na naman?!" inis na sabi ni Danica ng makita akong pumasok sa loob ng opisina n'ya, hindi n'ya kasi ine-expect na ako na naman ang kumatok kanina. "Ang taray Beb, pero FYI naman, bawal bang pumunta ang may-ari sa shop n'ya?" tanong ko. Naupo ako sa upuan sa harap ng lamesa n'ya. "FYI rin naman noh, ikaw nga ang may-ari kaya 'wag ka rito, doon ka sa opisina mo," mataray at hindi papatalo na sagot niya sa akin bago ako inirapan. Ang taray talaga ng babae na 'to, ilang araw na ba na gan'yan s'ya sa akin dahil sa ginawa kong paghalik sa kan'ya sa harap ng mga staff namin. Napagalitan nga ako ni Mommy dahil nalaman n'ya 'yong ginawa ko, nagsumbong lang naman itong babaitang ito. Sumbungera, eh ang tanda- tanda na! Alam ko naman kung paano makipagbati sa kan'ya sa mabilis na paraan, kaya nga nandito ako ngayon para roon. "Taray talaga, may regla ka ba?" sabi ko. Hindi siya sumagot at patuloy lang sa ginagawa sa laptop niya. Tss! Dedmahin daw ba ako. Pasalamat s'ya at love ko s'ya kung hindi, baka sinisante ko na s'ya. Hahaha, charot lang! Hindi ako gano'n klase ng amo, na basta na lang tumatanggal ng empleyado kahit walang sapat na dahilan. "Sayang naman, may regla ka pala ngayon, wrong timing. Aayain pa naman sana kitang lumabas tapos libre ko pa lahat," sabi ko. Hindi ako sa kan'ya nakatingin kung hindi sa kuko ko, na parang may interesante roon, pero nakita ko sa gilid ng mata ko ang ginawa n'yang pagsulyap sa akin. Pigil ko ang sarili ko na ngumiti, tagumpay ang pang-aakit ko, interesado sa libre ang babaita. "Aalis na ko, hindi ka naman pala puwede ngayon, sayang talaga," sabi ko pa ng hindi siya nagsalita pagkatapos niyang sulyapan ako. "Libre mo talaga lahat? Kahit saan ko gusto?" tanong niya dahilan para mapatigil ako sa aktong paglabas. "Oo nga, kaso ayaw mo naman yata dahil may regla ka," sabi ko ng lingunin ko siya habang pigil ang sarili na matawa. "Wala akong sinabing ayaw ko, at lalong hindi ko sinabing may regla ako," sabi niya, bago tumayo at lumapit sa akin sabay kawit ng braso niya sa braso ko. "Tara na, libre mo na ako , wala ng bawian." Ang arte, suhol lang talaga ang gusto kaya nag-inarte siya ng matagal. Nagbilin lang siya sa mga staff namin pati na rin sa assistant manager n'ya. Walang nakakaalam na ako ang may-ari ng coffee shop na ito, sa mga staff at kahit ang assistant manager ay hindi iyon alam. "Saang mall mo ba gustong pumunta?" tanong ko ng makasakay na kami ng kotse. "Ayoko sa mall," sabi niya kaya napatingin ako sa kan'ya habang nagkakabit ng seatbelt ko. "Okay. Saan mo gusto na ilibre kita?" tanong ko. Bnuhay ko na ang makina ng kotse. "Gusto kong pumunta sa amusement park," sagot niya, na may malaking ngiti sa labi. "What? Bakit doon?" sabi ko. Nagulat ako sa gusto niyang puntahan. "Basta, gusto ko roon, kaya tara na, bilis!" sabi niya, "At saka bakit ba, sabi mo naman ay kahit saan ay ililibre mo ako kaya wala ng bawian." Napailing na lang ako sa kan'ya, iba talaga ang trip ng babae na 'to, palibhasa walang love life. Mabilis lang naman ang naging b'yahe namin papunta sa amusement park dahil wala naman traffic. "Samahan mo akong sumakay sa ferris wheel Beb," sabi niya sa akin. Hila-hila niya ako papunta sa bilihan ng ticket. "Ayoko, nahihilo ako sa gan'yan, nakalimutan mo na?" kunot ang noo na sabi ko. "Wala akong kasama eh, nahihiya akong sumakay ng ako lang," nakangusong sagot niya sa akin. "Eh anong gagawin natin? Sasakay kang mag-isa o uuwi na lang tayo?" tanong ko sa kan'ya. Lalo tuloy humaba ang pagkakanguso niya dahil sa tanong ko. Gusto ko siyang kuhanan ng litrato, mukha s'yang kuhol! "Sasakay mag-isa, kainis ka! Pengeng pera at ako'y bibili ng ticket," inis niyang sabi sabay sahod ng palad. Akala mo naman ay may patago. Inabutan ko s'ya ng five thousand pesos. Ngiting-ngiti naman siya dahil doon na parang ngayon lang humawak ng gano'n amount ng pera, samantalang thirty thousand a month naman ang sahod n'ya sa akin. "Wow! Ang galante mo talaga Beb, sige kita na lang tayo mamaya, text na lang kita ha?" masayang sabi niya, bago niya inilagay sa bulsa ng pantalon ang perang ibinigay ko. "Ginagawa mo lang akong driver alam mo ba 'yun?" nakasimangot na sabi ko sa kan'ya. Wala naman kasi akong gagawin dito. Madali akong mahilo kapag paikot-ikot ang sinasakyan ko, mapuwera na lang kung babae 'yan na sasakyan ko, kahit magpaikot-ikot kami o magbaliktaran ay ayos lang, masarap eh. "Sorry na, maghanap ka na lang d'yan ng puwede mong mapaglibangan," sabi niya, "Bye! see you later." Kumaway at nag-flying kiss pa sa akin ang bestfriend ko bago umalis. "Oh ano self? Suhol pa more?!" bulong ko sa sarili ko. Naglakad ako at nagtingin-tingin sa paligid ng puwede kong gawin o puntahan pero wala akong makita kaya nagdesisyon na lang akong bumili ng ice cream at maupo sa isang tabi. "Hi, may nakaupo ba d'yan sa tabi mo?" tanong ko sa isang babae. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakayuko s'ya dahil nagtatali s'ya ng sapatos. "Wala," sagot n'ya sa akin. Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin ng nakangiti. Literal na natulala ako ng makita ang hitsura ng babae. Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala na makikita ko s'ya 'uli! Siya 'yung babae sa mall na natapunan ko ng kape, s'ya 'yung babae na parang anghel ang ngiti. Parang gusto kong lumundag sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon! Nagkita kami 'uli, salamat sa bestfriend ko. "Ms. okay ka lang ba? Uupo ka ba?" concern na tanong niya sa akin. "Yeah, u-u-upo ako," natataranta na sagot ko, "Sorry." Gusto ko sana na dumikit sa kaniya sa pag-upo kaso, baka matakot s'ya sa akin. "Nag-iisa ka rin?" tanong ko sa kan'ya. Limang minuto na siguro akong nakaupo roon bago ako nakahanap ng lakas ng loob na magsalita at kausapin siya. Lumingon s'ya sa magkabilang side niya. "Ako ba ang tinatanong mo?" tanong niya, sabay turo sa sarili. Parang hindi pa rin sigurado na s'ya ang tinatanong ko. Tumango ako at natawa ng bahagya, ang cute n'ya kasi, parang ang inosenti. "Sorry, akala ko kasi hindi ako," sagot niya habang tumatawa. Gosh! Ang hinhin naman niyang tumawa, parang dalagang pilipina yeah, Haha! "Hindi may kasama ako, sumakay kasi sila sa ferris wheel kanina kaya iniwan ko muna sila," sagot niya sa akin. Iniwan muna n'ya, sila. So meaning, dalawa ang kasama n'ya ngayon, baka magkasintahan o kaya ay barkada n'ya. Ayos! Mukhang single si Ate girl, my chance ako! Magdidiwang na sana ako ng bongga kaso naalala ko ako pala ang may sabit. Hayst! "Ah, ako rin iniwan ko rin muna 'yung kasama ko, nahihilo kasi ako kapag sumasakay sa mga ganyang rides," sabi ko, pero wala na siyang sinabi tungkol sa sa sinabi ko, tanging ngiti at tango lang ang reaksyon niya. Napahinga ako ng malalim, mukhang mahiyain yata s'ya o hindi lang s'ya sanay makipag-usap sa bagong kakilala. "Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong ko na lang, dahil mukhang wala na s'yang balak magsalita pa. Lumingon s'ya sa akin na parang kinikilala ang mukha ko. "Hindi eh, sorry! Magkakilala ba tayo?" tanong niya habang nakangiti pero nakakunot naman ang noo. "Actually hindi, pero ako kasi 'yong nakabangga sa'yo noon sa mall kaya natapon ang kape mo," pagpapakilala kong sagot sa kanya. "Ah, ikaw pala 'yun!" sabi niya, "Nagkita tayo 'uli Ms.? Ano nga pong pangalan n'yo?" "Oo nga eh, small world isn't?" sabi ko, "I'm Georgina, ikaw?" "Sabrina po," sagot niya.. Kinuha ko ang isa n'yang kamay at nakipag-hand shake ako sa kan'ya "Hi, nice to meet you Sabrina, 'wag mo na akong po-in dahil bata pa ako," nakangiti na sabi ko sa kan'ya, hawak ko pa rin ang kamay n'ya. Dumada-moves ako ng konti. "Sorry. Ilan taon ka na ba?" tanong niya, tapos ay sumulyap sa kamay n'ya na hanggang ngayon ay hawak ko pa. "Twenty three na ako, ikaw?" sagot ko. "Magkasing edad lang pala tayo," sabi naman niya tapos napakamot ng kilay, "Ahmm, 'yung kamay ko?" "Ay sorry, sorry! Nakalimutan ko ng bitawan, ang lambot kasi," sabi ko. Natatawa ako dahil sa mga banat o sa mga palusot ko. Malambot naman ang kamay niya pero hindi ganun kalambot, parang hasa sa gawaing bahay. Tumawa rin naman siya sa sinabi ko. "Sus? Mas malambot nga 'yong sa'yo, parang walang ginagawa." "Oi hindi ah, may ginagawa rin kaya ako. Grabe ka! By the way, matanong ko lang may boyfriend ka na ba?" tanong ko sa kan'ya, sasagot na sana siya ng mag-ring bigla ang cellphone n'ya sa loob ng bag. Anak naman ng tinapa, nandoon na eh! "Hello, okay sige, papunta na ako," sagot niya sa kausap sa cellphone. "Mauna na ako sa'yo Georgina, nice to meet you 'uli, bye!" paalam niya bago nagmamadali ng umalis. "Hoy! Ang layo naman ng tingin mo, sino bang tinitingnan mo ro'n?" sabi ni Danica na bigla na lang sumulpot, tiningnan din niya kung saan ako nakatingin. "Wala, parang may nakita lang akong kakilala roon," sagot ko na lang. Bigla akong nakaramdam ng pagkatamad. "Okay. Tara roon, may snow world doon Beb," yaya n'ya sa akin sabay kapit sa braso ko. Tumayo na ako at sumama na lang kung saan ako dadalahin ng bestfriend ko, wala rin naman akong gagawin kung hindi tumambay sa kung saan. Pumasok kami sa loob ng snow world, at infairness naman ang ganda ng lugar. Nakakamangha parang kagaya rin ito do'n sa fairy land. "Taray Beb, ang ganda hindi ba? Ang sosyal ng lugar," saad ni Danica habang manghang-mangha sa nakikita. Hindi ko naman s'ya masisisi dahil talaga naman ngang maganda rito, ang daming klase ng mga bagay na nililok mula sa yelo, kagaya na lang ng slide, castle at iba pa. Basta pang world class talaga. Nag-e-enjoy naman na ako kaso med'yo nakakaramdam na ako ng ginaw kaya kumapit ako sa braso n'ya. "Oh bakit? Horror house ba 'to?" takang tanong niya sa akin. "G*ga! Giniginaw na ako, tara na sa labas," sagot ko sabay irap sa kan'ya. "Mamaya naman, ang dami pang hindi natin natitingnan, yumakap ka na lang sa akin," sabi niya bago ako kinabig pang lalo palapit sa kan'ya, mukha tuloy kaming magjowa ngayon. Inikot namin ang kabuuan ng snow world na ito, na kahit giniginaw na ako ay sulit naman dahil busog ang mga mata ko sa kagandahan na nandito sa loob. "Tara na, roon naman tayo sa pattern pan," sabi niya sa akin. Finally! Nanawa rin ang babae na ito, hindi man lang yata nakaramdam kahit konting lamig. Lumabas na kami roon at naglakad papunta raw roon sa patttern pan. Mga trip talaga n'ya parang bata. "Ang ganda rin Beb, feeling ko isa ako kina tinkar bill ngayon sa dami ng nakapalibot sa ating mga higanteng rebolto," masayang sabi niya bakas ang pagkamangha na kagaya kanina sa snow world. Pati naman ako ay namamangha sa nakikita ko, ang ganda naman nga kasi at sobrang laki talaga ng mga rebolto, mga higante. Kagaya kanina ay nilibot namin ang kabuuan ng lugar na 'to, pero ngayon ay nakasunod lang ako sa kan'ya. "Kain na tayo Georgie, nagugutom na ako," sabi niya ng palabas na kami sa pattern pan. Nakakawit ang braso n'ya sa braso ko. "Sige, tara humanap ng kakainan," sagot ko. Naglakad na kami para humanap dahil hindi namin talaga namin alam kung saan ang puwesto ng mga kainan dito kung meron ba sa loob na ganoon, baka kasi kailangan pa naming lumabas ng amusement park para makakain. " Charles?" sabi ko ro'n sa lalaking nakaupo sa isang upuan, med'yo nakayuko kasi s'ya dahil nagce- cellphone, kaya hindi ako sigurado, pero ng mag-angat ng tingin ang lalaki ay nalaman ko na tama ako. Si Charles nga ang nandito ngayon na ipinagtataka ko. Ano naman kaya ang ginagawa n'ya sa ganitong klase ng lugar? "Love?" gulat na sabi naman ni Charles sa akin. Si Danica ay napatingin sa aming dalawa. "Love? Magkakilala kayo? Ito ba 'yong boylet mo Beb?" tanong ni Danica. "Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" seryosong tanong ko. Hindi ko pinansin ang tanong sa akin ni Danica. Huwag n'yang sabihin sa akin na may ka-date s'yang iba rito dahil lagot talaga s'ya sa akin. Hindi ko man s'ya mahal ay malilintikan pa rin s'ya sa akin pati ang babae n'ya. Tumayo si Charles at lumapit sa akin parang kinakabahan na ewan. "Ano kasi Love, sinamahan ko 'yong pinsan ko rito kasama 'yong anak nila ng asawa n'ya," paliwanag n'ya. Tinaasan ko s'ya ng isang kilay. "Oo nga Love, promise! Sinamahan ko lang talaga ang pinsan ko. Nasa rest room lang silang mag-ina." "Okay, siguraduhin mo lang na hindi mo ako niloloko Charles, dahil kapag nalaman ko at nahuli kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo," banta ko sa kan'ya. "Hindi kita niloloko Love, kung gusto mo puntahan natin sila ngayon," nakangiting sabi niya sa akin. "Hindi na, by the way, si Danica pala best friend ko, Danica si Charles, boyfriend ko." pakilala ko sa dalawa. "Hi, wow ang yummy mo naman pala!" sagot ni Danica ng makipagkamay sa kanya si Charles, natawa tuloy si Charles sa sinabi ng best friend ko. Tsk! Dami n'yang alam, nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD