Chapter- 21

2286 Words

“Anak bakit hindi ka makisalamuha sa kanila?” “Mas gusto ko na lang rito inay, lalo ko lang namimiss ang mag-ina ko.” “Bakit hindi mo kausapin ang kaibigan mo para maka balita ka sa kaniya. Sigurado na may alam siya tungkol kay Laurice at sa apo ko.” “Ayaw ko po inay, kung hindi lang dahil kay Nene ay hindi naman ako sasama rito. Ang gusto ko lang ay suportahan si Bunso kaya tayo naririto.” “Anak, baka masyado ka nang nagtatanim ng galit sa kaibigan mo. Hindi ba at lagi kong sinasabi sa inyong magkakapatid na masamang patagalin ang galit na nararamdaman sa kapwa. Nakikita ko sa kaibigan mo na hindi na siya galit sayo. Siguro talagang gano’n lang pag nagseselos nakakagawa ng hindi tama. Kahit ang makapagsalita ng mali ay hindi na iniisip na nakakasakit sa kapwa. Dahil alipin ng selos at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD