“Friend bahala ka na sa mga yan, ang gusto ko lang ay hindi na sila makapang gulo sa pamilya ko at sa ibang tao. Ako na ang bahala sa account mo bukas at ipapasok ko agad ang pinag usapan natin. “Kahit naman walang pera basta ikaw, ako na ang bahala ngayon palang ay mag relax ka na.” “Hindi naman para sayo ang amount na yon, para sa mga tauhan mo. At nagpasasa ka naman sa katawan ng babaeng yon kaya alam kong yon ay sapat na.” saka siya natatawa sa kaibigan. “Basta pag kailangan mo ng tulong ko huwag kang mag atubili na tawagan ako.” “I will, thanks.” Matapos ang tagpo na iyon ay dumiretso na siya ng bahay. At parang walang nangyari na pumasok sa loob. Masyado siyang napagod kaya umakyat muna siya sa kaniyang kwarto. Kailangan niyang ipahinga ang sarili lalo na ang kaniyang mga mata.

