NOTE: May kaunting iksena galing sa prologue. Anim na buwan na ang nakaraan magmula ng huling magkita sila ng binata. Nawalan na rin siya ng balita dito dahil na rin sa naging busy siya sa company nila sa London branch. Ilang competition na ang lumampas na hindi niya nasalihan. At sobrang nanghihinayang siya kaya lang ay wala naman siyang pagpipilian. Ang ama ay nag stay nang matagal ng London kaya wala siyang chance na makaalis. Kasalukuyan siyang nagluluto ng paste na paborito niya ng sunod-sunod ang tunog ng doorbell. Pansamantalang iniwan ang niluluto at halos takbuhin na ang pintuan. Hindi siya agad makapag salita dahil sa hindi inaasahang tao na nakatayo sa harap ng pintuan. “Pack your things at kailangan nating umuwi nang Pilipinas.” “B-bakit?” iyon lang ang tangi niyang na isag