“Anak magpahinga ka na riyan at dumidilim na may bukas pa naman.” “Tinatapos ko lang po ito.” sa ilang buwan niyang tambay ay nangitim na siya sa kakabilad sa araw. At nakakaramdam na rin siya ng pagkabagot. “Sige ikaw ang bahala, maiba ako wala ka na bang plano na bumalik ng maynila? Dumating ang anak ni Pareng Carding at nabanggit ko na naririto ka. Ang sabi niya baka interesado ka na mag apply sa ibang bansa. Ang sister company raw nila ay nangangailangan ng mga Engineer.” “Sige po pag isipan ko inay.” “Mas mabuti na pasyalan mo sa bahay nila at sa pagkakaalam ko ay ilang araw lang dito mag-stay ang batang yon. Patungo yata raw ng Cebu para ihatid ang pinadala sa mga magulang ng girlfriend.” “Sige po inay magpahinga lang muna ako at pupuntahan ko maya maya.” Sa totoo lang ay naiin