“Papa! Papa ko!” Kasalukuyang nasa likurang bahagi ng resthouse siya dahil malapit na niyang matapos ang landscaping na ginagawa ng makarinig munting tinig. Nagpalingalinga siya ngunit wala namang tao sa paligid. Isang buwan na ang lumipas magmula ng umalis ng isla ang kaniyang mahal kaya iyon na lang ang pinagtuunan niya ng pansin. Ang pagpapaganda ng paligid para sa pag babalik ng kaniyang mag-ina ay maaari nang maging playground ng kaniyang anak. Nakatayo siya habang sinisipat ang pagkakatayo ng isang poste nang biglang may yumakap sa kaniyang likuran. “I miss you.” “B-baby, kailan ka pa dumating?” “Kanina pa ayon nga si Jason kanina ka pa tinatawag ay hindi mo naririnig.” “Ha? Totoo pala ang naririnig ko?” akala ko ay nakaringgan lang ako, nasaan siya?” “Ayon, kasama sila Dad Mo

