Ilang araw na ang lumipas magmula ng mag krus ang landas nila ni Lydia. Ang babaeng naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng scandal noong colleges. Ano ba ang kailangan sa kaniya at gusto siyang makausap. At sa lawak ng Pilipinas bakit naroon sa lugar nila ito. Imposible na konektado ito kay Eunice Hernandez para guluhin na naman sila. “Babe, may problema ka ba?” nakaramdam siya ng kakaiba sa lalaking minamahal. “B-baby, ahm...w-wala naman medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko.” “Kung gano’n tigilan mo ang kakatrabaho diyan sa likuran. Kumuha ka ng tao para sila ang gumawa para maka paghinga ka.” “Mas gusto ko na ako lang ang gumagawa baby at isa pa wala naman akong ibang ginagawa rito.” “Paano kung magkasakit ka. Ang init ng sikat ng araw tapos nagbababad ka.” Hindi na siya

