Pagdating nila sa bahay nila ay naroon ang kaibigan at ilang bodyguard nito. At may pagtataka sa mga mukha, siguro nagtataka kong bakit may kasama silang ibang bata. “Laurice, ano to?” seryosong tanong niya sa kapatid. “He’s Jonas son at huwag ka ng mag maang maangan pa Kuya dahil alam kung alam mo ang tungkol dito huh!” “Alam nga pero one week ago pa lang nang malaman ko at kaya ako narito ay dahil dito.” inabot niya ang naka sobre na puti sa kapatid. Saka malakas na tinawag si Jonas at tahimik namang lumapit ito. “Ayan nag paternity test 99.99% anak mo ang batang yon.” Kahit naman wala iyon ay alam niyang anak niya ang bata. Pero kinuha pa rin iyon at binasa saka tumalikod at hinahanap ang kaniyang inay. “Jonas, kailan pa ito? At bakit ngayon mo lang nalaman ang bagay na yan?” “N

