Pagdating ng hapon at nagkaroon siya ng pagkakataon kaya’t nagpaalam siya kay Laurice. Pinuntahan niya ang mansyon ng kaibigan na nasa loob rin naman ang Forbes. Kailangan niya ang tulong nito sa pinaplano. “Nas, pasok ka at nasa library lang ang kaibigan mo?” “Salamat, kumusta na?” “Ito marami akong ginagawa, tinanggap ko kasi ang trabaho sa Montemayor airlines company.” “Akala ko nasa shipping lines ka?” “Naku, sinuntok ng kaibigan mo ang president doon dahil nagselos. Alam mo naman yan, utak lawyer advance mag-isip. Inakusahan agad kahit wala namang kasalanan ang inosenteng tao. Basta umiral ang dugong Montemayor. Kahit hindi naman dapat ay biglang magkakaroon ng issue.” “Lumayo ka nga sa asawa ko! Maaari naman kayong mag-usap ng malayo ka ah!” “Asshole! Hanggang ngayon marumi pa

