“Kaninong isla ito?” “Sa mapapangasawa ni Laurice at kaya tayo naririto ay para mag dekorasyon.” “Dekorasyon? Anong alam ko sa pagpapaganda ng paligid pinsan?” “JB, alam kong pambabae lang ang alam mo. At huwag ka ng magreklamo dahil wala tayong oras. Kaya nga lahat kayo ay isinama ko rito para matapos natin ito hanggang sa araw ng kasal.” “Oh, akala ko ba engagement?” “Tama ka, dito sa resthouse gaganapin ang engagement at ang kasal ay doon sa beach.” “Ibig mong sabihin ay gagayakan lahat?” “Mismo kaya bilisan muna riyan at nang makapagsimula na tayo.” “Walastik ang bayaw mo kung makapag-isip ay ora-orada!” “Pagbigyan na natin at para naman ito sa Prinsesa Laurice natin.” “May magagawa pa ba ako ay naririto na huh! Akala ko naman ay chicks ang pupuntahan natin dito!” “Naku, pin

