“Anong nangyari sa mukha mo Jong, bakit namumula yan?” “Nasampal ako ng babaeng bungangera.” “Who?” gusto niyang matawa sa term nito sa babaeng pinatutungkulan. “Walang iba kundi ang kapatid ng kaibigan mo, hindi pa kuntento sa kakamura at suntok sa likuran ko ay sinampal pa ako. Gusto kong tirisin ang tapang ng kutong lupang yon huh!” Tuluyang napa halakhak na siya sa pahayag ng kaniyang driver bodyguard. Ngayon lang niya nakitang nasalita ito ng gano’n tungkol sa babae. “Bakit sobrang liit ba ang Kutong lupa na yon at titirisin mo lang?” panggagatong pa niya rito. “Boss parang hindi mo naman kilala ang kapatid ng bestfriend enemy mo.” simpleng ganti niya rito. “Kaibigan ko yon not best enemy, kaya lang naman ako galit sa kaniya dahil tinatalo niya ako.” “Joke lang boss, pero ano

