Nang file ng one month leave si Jonas at dumating siya sa bansa sapagkat hindi niya makayang hindi makita ang ina at kapatid. Dahil sa mga nangyari ay hindi na siya makapagtrabaho ng mabuti. Sumakay siya ng Taxi at kagaya ng dati ay sa main gate Forbes siya humantong. Mabuti at natatandaan siya ng mga gwardya doon. “Boss, saglit lang at ipapaalam ko lang sa Chairman ang pagdating mo?” “Salamat guard.” inilagay lang muna niya sa gilid ang kaniyang backpack at naghintay. Hindi naman nagtagal ay tinawag siya ng guard at sinabing hintayin raw niya ang sasakyan na susundo sa kaniya. Matapos magpasalamat ay inabutan niya ito ng kaunting halaga. “Naku boss huwag na baka po makarating sa taas ay matanggal pa ako sa trabaho.” “Kung gano’n ay ibili nyo na lang ito ng meryenda nyo.” “Salamat po

