Chapter 45 3rd Person's POV Sa kalagitnaan ng gabi nagising si Lindsay. Tumingin siya sa tabi niya at nakita niya na tulog si Elija. Mukahang late na ito natulog dahil sa pakikipag-usap kina Elliseo. Yumakap si Lindsay sa katawan ng lalaki at sumiksik sa leeg ng binata. "Nagugutom ka ba? Hindi ka nag-dinner diba?" tanong ni Elija na nagising matapos siya yakapin ni Lindsay. Itinaas ni Elija ang comforter at niyakap pabalik ang babae. "Hindi naman ako nagugutom," sagot ni Lindsay. Napatingin si Lindsay sa labas ng glasswall na nasa bahagi ng veranda matapos makita na umuulan. Gumuhit doon ang mahabang liwanag. Niyakap ni Elija ang ulo ng dalaga matapos lumikha iyon ng ingay na sobrang lakas. Mas sumiksik pa ang babae sa binata at tinago ang mukha sa dibdib nito. — Nakatago si C