Chapter 44 3rd Person's POV Maya-maya lang bumalik na ang mga kaklase nina Elias at Aslan. Hawak ni Aslan ang ipad habang kausap sina Cosmo. Nakatulog na kasi si Elias sa balikat ni Aslan matapos ito mapagod sa pakikipagkulitan sa mga pinsan. Nagpalit ng pwesto si Aslan at Elias. Nakaupo na malapit sa bintana si Elias 'nong mga time na iyon. Tumingin si Aslan sa unahan— nakita niya na naka-cap na ang driver na sumakay kasunod ang head teacher. Nagkaroon ulit ng attendance para i-check kung may estudyante pa na wala sa bus. Nang mai-check na nila at akupado na lahat ng upuan. Umandar na ang bus. "Kuya! Kuya! Gusto namin makita ang labas!" request ni Cosmo. Sumilip din si Cole— tinapat ni Aslan ang camera sa bahagi ng bintana. Maya-maya lang biglang huminto ang sasakyan. Napasiga