26

1718 Words
Clare’s “Opo, pa. Don’t worry, pa, Sebastian was already on it. The photos were edited. Someone’s trying to destroy the company and they posted malicious photos on the internet. Ginagawan na po ng paraan ni Seb iyong may gawa no’n. Cge, po. Ingat po kayo.” I ended the call with my father. He was livid when I first answered his call but he eventually calmed down when I told him the real story behind those photos. Nakahinga ako ng maluwag nang humunahon si papa, alam ko kung paano magalit iyon at natatakot ako. I was just so thankful that Sebastian was fast enough to contain the situation. Humanga ako sa bilis niyang umaksyon sa mga ganoong klaseng issue. “Hija, dito na kayo mag-dinner, nagpa-handa na ako sa chef ng hapunan natin. May gusto ka bang kainin, hija? I’ll tell the kitchen,” si mama Amalia. I smiled at her before putting my phone inside my pocket. I excused myself earlier when I saw my father called. I looked at the clock mounted on the wall; it was already 6 in the evening. “Wala po, ma, and thank you, po,” Nilapitan niya ako at hinaplos ang buhok ko. Halos magkasing-tangkad lang kami, pero mas lamang ako ng kaunti. I’m so lucky to have an in-law like her, she’s so kind and understanding, and she treats me like the daughter she never had. “No, hija. Ako dapat ang magpasalamat sa’yo. You are so kind to my son. Niu’s so lucky to have a wife like you. Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sa’yo.” Her motherly aura was so evident, “Dinner’s at seven, you can rest on the guestroom for a while, I’ll call when it’s ready,” tinapik niya ako at sinamahan pupunta sa guestroom. “Thank you, ma.” I sincerely said. “Rest for a while, alam kong pagod ka sa biyahe,” she spoke before closing the door of the guestroom. Inilibot ko ang paningin sa loob ng silid. Nasa kama na ang travelling bag na dinala ko. I only brought little clothes in Batangas, a few dresses and nighties. Isang lingo lang naman sana ako doon at dahil nasa beach ay marami akong bikini na dala. I exhaustedly lie on the bed and closed my eyes. So many things happened today and it was so tiring. I don’t understand why people had to do things to that extend just to destroy someone, that’s so evil. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa kakaisip at dahil na rin sa pagod. A soft knock from the door awoke me. “Senyorita, ready na po ang dinner,” sabi noong nasa labas ng pinto. Dali-dali akong bumalikwas at tinungo ang banyo para mag-ayos. “Sige, susunod na ako,” I shouted before entering the bathroom. Nagbihis ako ng napiling bestida sa mga dala ko at naglagay ng kaunting make up. I comb my strawberry blonde hair down. I just let it loose freely on my back. Magkasabay kaming lumabas ni Seb. His room was two doors away from the guestroom. Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya. He just nodded at me and let me go first, he was on my back, following me as I descended the stairs. Medyo na conscious ako dahil ramdam ko ang init ng titig niya sa likod ko. Alam kong nakatitig siya sa likod ko! He never failed to make me feel this way. Whenever he’s around, my heart just can’t behave properly. Parang gustong kumawala ng puso ko sa loob ng ribcage ko! Huminga ako ng malalim at mabilis na tinungo ang dinning room. The dinner went well. Don Manuelo was now calm and they just discussed business and the new project of Seb. Nakikinig lang ako sa kanila habang si Niu sa tabi ko ay hindi masyadong nagsasalita. He’s so affected of the malicious photos, and I can’t blame him. Malaki ang magiging epekto nito sa kompanya. If Sebastian didn’t take action fast, they would have to endure bigger damage. Hindi lang sa kompanya kun’di pati na rin sa pamilya, at isa na ako doon. Iniisip ko pa lang ang mga comments sa social media ay parang natakot na ako. People are sometimes harsh in giving comments, not minding that they are already hurting someone. “Niu, sa guestroom na muna kayo matulog ni Claire. Your room is still under renovation. Pinapinturahan ko.” si mama Amalia. “It’s okay, ma. Thank you,” sagot ni Niu. He’s really quiet. Saka lang siya magsasalita kapag kinakausap o tinatanong. I think I’ll have to talk to him later. “Sebastian and Antonius, I’ll talk to both of you in the study,” Don Manuelo spoke after dabbing a napkin on his mouth. “Yes, dad.” Sabay na sumagot ang dalawa. Napatingin ako sa gawi ni Sebastian, he was seated in front of me and I was taken aback when I saw him staring at me. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Why does he always have to be so obvious? He just smirked at me. So, the naughty Sebastian is back, huh? Wala na iyong Sebastian na parang matandang dalaga kung magsungit? Napaikot ang mga mata ko dahil mas lumaki pa ang ngisi niya. Kanina lang ay nakakatakot iyong mukha niya. Ngayon ay bumalik na naman iyong manyakis na Sebastian! Niu and I never talked after dinner, I fell asleep before he even came into the room. Nang maalimpungatan ako ay nasa tabi ko na siya at mahimbing na natutulog. It’s already an hour past one in the morning. Mahina akong humikab at bumangon. Nahirapan akong lumunok dahil sa tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Kinuha ko ang roba at isinuot ito. I headed to the kitchen to get water. Tahimik ang buong masyon at madilim ang kusina, hindi na ako nag-abala pa na buksan ang ilaw dahil may kaunting liwanag naman na nagmumula sa wall lamp. Binuksan ko ang fridge at naghanap ng maiinum. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko ang isang can ng orange juice, dali-dali ko itong binuksan at ininum. Tuloy-tuloy lang ang paglagok ko hanggang sa maubos ko ang laman nito. “Sarap,” kontento kong saad. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakainum na ako. Kumuha muna ako ng bottled water bago isinarado ang fridge. Paalis na sana ako nang maaninag ko ang isang anino na nakaupo sa bandang dulo na lamesa. Napatigil ako sa planong pag-alis at tinitigan ang taong nakaupo. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Lumakas ang t***k ng puso nang makita ko ang kumikinang na kopita na hawak nito. “You can’t sleep,” saad niya. Hindi ‘yon tanong. At nakumpirma ko nga na si Sebastian talaga iyon base sa laki ng bulto nito. He’s really a huge man, so massive. Hilaw akong tumawa sa kan’ya dahil sa pagbilis ng t***k ng puso ko. Me and Sebastian alone in this dark kitchen is not a good idea. Ang dami pa namang ganap dito sa tuwing nagtatagpo ang landas namin sa kusinang ito. “Uhm, y-yeah,” my voice faltered and I want to punch myself for stammering like that. “Hindi rin ako makatulog, ang dami kong iniisip,” tinunga niya ang kopitang may laman na pulang likido at nagsalin muli ng bago at itinaas iyon sa gawi ko. “You want some? It’s wine, hindi iyan nakakalasing,” nilagay niya ang kopitang may laman sa lamesa pero inilapit niya ito sa akin. “Come on, it’ll calm your nerves and it will aide you in your sleep,” dugtong niya pa, “sit here,” tukoy niya sa upuan sa tabi niya. I wanted to decline him but he’s just looked so mesmerizing. Kahit na nasa dilim siya at hindi ko gaano nakikita ay nag-uumapaw pa rin ang lakas ng dating niya. His presence is not something that you can ignore. Nag-aalangan man ay lumapit ako sa kaniya. Huwag kang lalapit, Claire! Alam mo ang mangyayari kapag nagkalapit kayo ng lalaking iyan! Iba ang sinasabi ng matino kong utak pero ayaw sumunod ng malandi kong katawan. Dahan-dahan akong lumapit sa kan’ya hanggang sa nasa malapit na niya ako. Inimuwestra niya ang upuan sa tabi niya at para akong lasing na sumunod lang sa mga sinasabi niya. Ayaw kong isipin pero nasasabik ako, hindi ko alam kong saan. He took the wine flute and gave it to me. Tiningnan ko iyon bago inumin. I took a sip and my tongue loved the sweet tangy taste of the wine. Matamis na may halong kaunting anghang. Gusto ko ang lasa, masarap. Inubos ko ang laman at ibinalik sa kaniya ang kopeta. Ngumisi siya bago iyon kinuha, itinabi niya iyon. Nagulat ako nang direkta siyang uminum sa wine bottle. His adam’s apple bobbed up and down as he gulp. Napapalunok din ako sa nakita. Nakatingin siya sa akin habang lumalagok. Damn him for looking so sinfully hot! Bakit ba ako ganito ka marupok sa lalaking ito? Pagkatapos niyang inumin ang wine mula sa botelya ay ibinigay niya iyon sa akin. Nagulat ako sa inakto niya pero agad rin akong nakabawi at tiningnan siya ng mataray. Magaling ako sa ganito,e. ‘Yung taray attitude para itago ang kaba. “So, mag-iinuman tayo?” tanong ko sa kaniya ng nakataas ang kilay. He chuckled. Why does he sound so manly and sexy? This is so unfair! Ang bilis-bilis na ng pintig na puso ko pero siya ay relax lang! “Why not? We both can’t sleep. Might as well accompany me tonight, what do you think?” nakangisi niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May hidden meaning iyong sinabi niya! His chuckle turned into a laugh when he saw my reaction. Tumawa siya ng malakas. Agad akong lumapit sa kaniya para takpan iyong bibig niya. Nagigising niya ang mga tao dito, e! “Will you shut up? Baka magising sila!” asik ko sa kaniya habang tinatakpan iyong bibig niya. His smile faded and just when I realize how close our bodies are and decided to take a distance, he grabbed me by my waist. Dumiin ang katawan ko sa kaniya. His warm hands held me tightly while his brooding eyes stared at me with undeniable lust written on them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD