25

1602 Words
Claire’s Inis na humalukipkip ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Marahas akong lumingon sa kaniya nang tumukhim ito ng malakas. Naiinis ako sa mukha niya! Bigla na lang siyang sumulpot dito at sasabihing kailangan kong umuwi at hindi ako puwedeng tumanggi. Ayaw ko pa nga sana umuwi dahil may tatlong araw pa akong nalalabi sa beach house na ito. I want to stay here for those three days to think things thoroughly, especially now with the scandal that Niu was involved in. Mas gusto kong ihanda ang sarili ko sa pagharap sa media at pamilya ko, alam kong magugulo ang tahimik kong buhay kapag napatunayan na si Niu talaga iyon. Sa totoo lang ay mas gusto kong isipin na sinabotahe lang kami hindi totoo na issue na iyon para mas madaling tumahimik ang issue. “So, you already saw the photos,” tanong niya, nasa harapan pa rin ang tingin niya. I know what he’s referring to, it was the pictures of Niu with another woman. Funny, but I didn’t feel any remorse or jealousy when I got the chance to look at those pictures. Siguro nabigla ako noong nalaman ko pero hindi ako nasaktan, at alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon, wala akong nararamdaman para sa asawa ko kahit na halos dalawang taon na kaming kasal. Sabi ng mga kakilala ko ay matutunan ko raw na mahalin si Antonius sa paglipas na panahon, pero hindi iyon ang nangyari, sa iba ako nahulog. Alam ko naman na may pangangailang pisikal si Niu na hindi ko nabibigay sa kaniya at sa iba niya ito ibinubuhos. Kaya hindi na ako masyadong nagulat na may ganitong issue, sa papel lang naman ang kasal namin at hindi ko naman iyon pinagbawalan. Pero sa kabilang banda naman, dapat ay nirespeto niya pa rin ang kasal namin, sana naging maingat siya dahil marami ang maapektuhan kung nagkataon. “Yeah, it’s all over the internet,” sagot ko sa kaniya. “Damn!” he cursed. Nilingon ko siya, nakakunot ang kaniyang noo at umiigting ang kaniyang panga. Nasa harapan pa rin ang mga mata niya. “Bakit?” I asked him curiously. Nangangalit iyong itsura niya at mahigpit ang kapit niya sa manubela. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagmaneho. Napairap ako sa kaniya, minsan hindi ko talaga naiintindihan ang ugali ng isang ‘to. May mga panahon na pilyo siya, minsan naman ay nag-uumapaw ang pagiging suplado niya, kagaya ngayon. Isa’t kalahating oras ang biyahe galing Batangas pabalik sa Makati at halos dalawang oras na iyon ay wala kaming imikan. Hindi na rin ako nagsalita dahil parang wala sa mood ang ugok na ‘to, hinayaan ko na. Kumunot ang noo ko nang makitang may mga taong nakatayo sa labas ng subdivision. Teka, bakit dito? “Bakit dito?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. He entered the subdivision where his parents live. Akala ko ba sa bahay niya ako ihahatid? Bakit dito? “Because your house is surrounded by information-hungry bastards. At mayroon din pala dito. Damn!” inis niyang sinabi. He slowed down as we entered the gates, hinaharangan nila ang dinaraanan namin kaya umaksyon ang mga guards., itinaboy sila ng mga ito para makalusot kami. Mabuti na lang at tinted ang bintana ng kotse ni Seb. Agad na pinarada niya ang kotse sa labas ng gate ng mansion, katabi sa kotse ni Niu. So, nandito pala ang asawa ko? Hindi ko na siya hinintay na pag-buksan ako, agad akong lumabas at tuloy-tuloy na pumasok sa mansion. Sinalubong ako ng katulong nila at sinabi sa akin na nasa study room si Niu at ang mga magulang nila. Aakyat na sana ako nang hawakan ni Seb ang braso ko. Nilingon ko siya at tinignan siya ng nagtatanong kong mga mata. He looked mad and his hand on my arms are slightly trembling. Marahas ang kaniyang paghinga, parang nagtitimpi. Dumausdos ang kamay niya mula sa braso ko patungo sa kamay ko at hinakan ito ng mahigpit. Nauna siyang umakyat habang hila-hila ako, wala akong nagawa at sumunod na lang. I looked at our intertwined hands, his hand is so much larger than mine and the angry veins are visible. Nakagat ko ang labi ko sa kinikilos niya, ayaw ko man, pero nakadama ako ng kilig. Malakas ang boses ang maririnig sa loob ng study room. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. I never really thought about Niu’s cheating issue because I was busy getting conscious of Sebastian’s presence on our way here. Mas napapansin ko ang mga kinikilos niya at ang reaksyon nga katawan at puso ko. Bigla akong kinabahan ngayong maghaharap na kami at nandito pa ang mga magulang nila. Ngayon ko lang din naisip ang mga magulang ko. Nakarating na ba sa kanila ang balita? Malamang! Sigurado akong magagalit si papa kapag umabot ito sa kanila. Sebastian suddenly turned and held both of my shoulders. He blocked the door. His penetrating gaze was directed at me rendering me immobile. My heart skipped a beat. Palaging ganito ang nararamdaman ko sa tuwing tinitigan niya ako gamit ng mga mata niya. He looked so domineering yet gentle. “Know that I’ll always be here for you. I’ll protect you Claire. No matter what,” he said with so many promises in his voice. Nabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko at parang may mga insektong gustong kumawala sa tiyan ko. “Hmm?” Sinakop ng mga palad niya ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako sa mga mata. Wala sa sariling tumango ako sa kanya. Mas lalong nagwala ang puso ko nang hinalikan niya ako sa noo. Everything faded in the background and the only thing that I felt is how warm his lips on my forehead. The gesture made my stomach churned. His warm and minty breath assaulted my face that made me feel dizzy. I closed my eyes and savored the feeling. Muli siyang humarap sa pinto at kumatok, pinihit niya ang doorknob at binuksan ng pinto. Don Manuelo was pacing back and forth while Niu was standing beside the bookshelves with mama Amalia hugging him. Bakas sa mukha ng Don ang galit at pagkabigo. Pictures were scattered on the floor; those are the photos of Niu with a woman. Napatitig ako sa mga larawan, marami iyon at mayroon din sa study table. Si Don Manuelo ang unang nakakita sa amin. He halted when he saw us then diverted his gaze to his wife and son. Tumukhim si don Manuelo para makuha ang atensyon nila. Mabilis na nag-angat ng tingin si Niu. Rumehistro ang gulat at pagkabahala sa mga mata niya nang makita kami. “Claire,” he whispered. Ngayon ko lang nakitang ganito si Niu, para siyang binagsakan ng langit sa ayos niya. Gusot ang damit niya at magulo ang buhok. Naawa ako sa itsura niya. Tumingin siya sa akin na parang nanghihingi ng tulong pero nang dumako ang mga mata niya sa katabi ko, nakita ko ang takot doon. “Claire, anak, kanina pa kayo diyan?” kinakabahang tanong ni mama Amalia. Binasag ang katahimikan. “We just arrived, ma,” si Seb ang sumagot at lumapit sa ina niya at humalik sa pisngi nito. “Kuya, I’m so sor—” Niu was cut off when Sebastian barked at him. “Shut up!” Nagulantang ako sa lakas ng boses ni Sebastian. Dumagundong sa buong silid ang lakas ng kaniyang pagsigaw. Nangangalit ang kaniyang mga titig sa kapatid, parang anumang oras ay lalamunin niya ito ng buhay. “Sebastian,” si Don Manuelo. It was a warning. “I already took care of it. Those malicious photos are edited. Someone posted it on the internet to sabotage the company, dad.” He looked at his father pointedly, “a friend of mine in the cybercrime unit already took down those photos. Hinahanap na nila kung sino ang nagpalabas no’n. I’ll make sure he’ll pay for this,” galit na saad nito habang nakatingin kay Niu. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. So those photos are part of the sabotage he’s talking about? Niu didn’t really cheat? Don Manuelo took his seat at his table and he heaved out a deep breath. “Sebastian,” he called him. Both his hands are on the top of the table. He looked at him appreciatively, “thank you,” Tumango ito sa anak at inimuwestra ang upuan sa harap ng lamesa. Iginiya ako ni Sebastian sa plush seat at pinaupo ako doon bago umupo sa harap ng Don. Agad akong dinaluhan ni mama Amalia at tumabi ng upo sa akin. “Hija, I’m so worried about you. Are you okay?” hinawakan nito ang kamay ko at hinaplos. Worried and exhaustion was visible on her face, but that doesn’t make her less pretty. Siguro ay napagod ito dahil sa mga issue na nagsilabasan. “Okay lang po ako, ma. Mabuti at nandoon po si Sebastian,” ngumiti ako sa kanya para ipakitang maayos lang talaga ako. I don’t wanna add to her burden. She breathes out a long sigh indicating she was relieved to see me okay. Mahinhin siyang ngumiti sa akin. “Yes, Sebastian is always the saving grace of this family.” Napunta ang mga mata ko kay Niu na nakatayo lang sa likod ni mama Amalia. I saw a hint of hurt and dismay in his eyes. And it somewhat hurt me to him like this. It’s not the Niu that I knew. Parang ang bigat-bigat ng dinadala niya. Mapait siyang ngumiti sa akin bago nag-iwas ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD