SEVENTEEN: "Dedicating something to someone..." KAREN walked on the grand staircase like a princess, feeling like the great Leah herself. Pinagyayakap pa niya ang naglalakihang bilugang mga poste na aniya'y para siyang bata na first time na nakakita ng ganitong lugar tapos magpi-picture ulit. "Picture mo naman ako, mahal!" Napatingin siya sa dalawang turista din. Babae at lalaki, magjowa malamang. "Sige, mahal. Say cheeeeessseee!" Nag-post nga ang babae ng naka-jolly smile at naka-peace sign habang ang lalaki nama'y magiliw at supportive na supportive na pini-picture ang nobya gamit ang cellphone nito. "Naks! Ganda-ganda naman ng mahal ko!" "Talaga? Patingin nga ako!" excited na lumapit ang babae sa nobyo para tingnan ang mga kuha nito sa cellphone ng huli. "Eh? An