EIGHTEEN: "Ikaw?!" Tumango-tango ang bata. "Okay po, mommy." Napailing nalang si Karen at nagpatuloy sa pag-explore ng interior ng templo. Sana nga lahat ay kagaya ng mommy't-daddy ng batang babae. Sana lahat ng magulang ay iniisip ang usaping puso pagdating sa mga anak. Hindi naman sa gusto niyang ipagpalit ang mga magulang niya dahil wala naman siyang karapatang gawin 'yon sa mga taong buong buhay niya ay walang ibang ginawa kundi ang alagaan at mahalin siya. Sana lang talaga ay pinakikinggan din ng mga magulang niya ang nais ng puso niya, hindi lang ang nais ng legasiya ng kanilang pamilya… NANG sumunod na araw, nagising siyang mga alas nuebe na ng umaga tapos ay kinakalam na ang kanyang sikmura kaya tumawag siya sa landline para magpa-deliver ng kanyang kakainin. Habang n