Sandra’s POV “YOU got it wrong, Sandra. Hindi naman iyon ang tanging sadya ko kung bakit tayo narito. Do I have to give you another clue then?” Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong sadya niya kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang mapakunot na lang ng sarili kong noo. Hindi ko talaga alam gayong ni kunti ay wala naman siyang ibang binigay sa akin na clue. Ilang segundo pa nang mapansin ko ang dalawang kamay niyang mabilis na pumapalupot sa aking balakang. Mula roon ay mabilis niya akong hinigit papalapit sa kaniya. Kaagad akong napalunok ng sarili kong laway. Matinik na matinik ang mga tingin niya sa akin ngayon na animo’y may plano nga talaga siyang masama ngayong gabi. “A—axel,” mahinang sambit ko pero hindi niya ako pinakinggan

