Chapter 6

3292 Words
Sandra’s POV I KEEP on watching the time all the moment. Alas dose na ngunit hindi ko alam kung bakit sobrang tagal ng takbo ng oras. 12:15 ang breaktime ko pero pakiramdam ko ay huminto ang oras at sobrang bagal kung dumating ang breaktime ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umupo lamang sa aking mesa. Ilang beses akong napatingin sa mesa ni Mr. Montemayor ngunit hind ko na siya napansin pa doon mula noong dumating ako dito galling sa meeting at nang ibalita ko sa kaniya ang magandang nangyari kanina sa business meeting at ang tungkol sa kay Enzo na umano’y sikat sa industriya. Kalaro ko lang ang sarili kong saliri. Wala na rin akong ginawa pa. Nakakapanibago lang gayong lagi naman akong ginugulo ng kumag na iyon. Walang oras na hindi niya ako inuutusan o kaya ginugulo ngunit hindi ko alam kung bakit hindi siya nagpakita sa akin simula kanina o sadyang busy lang talaga siya. Napatingin ako sa relos ko, saktong alas 12:15 kaya tumayo ako at nagmadaling kinuha ang bag ko para sana pumuntang canteen ngunit napahinto ako sa paghakbang nang akmang lalabas na sana ako ng office nang bumungad sa akin ang isang staff na dala ang isang cart na kung hindi ako magkakamali ay pagkain ang laman nito. Napakunot ako ng sarili kong noo. “W-wala si Sir dito,” ang unang bungad ko lalo pa at sa akin nakatuon ang kaniyang paningin. “Miss Fuentes, para sa ‘yo po ang lunch na ito,” wika nitong mas lalo lang nagpapakunot ng aking noo. Mula sa lalaking staff ay naibaling ko ang paningin ko sa cart at sa mga pagkaing naroon. Hindi ko maiwasan ang mapalunok ng sarili kong laway habang nakatingin doon. Halatang masasarap ang mga pagkain ito at hindi ko iyon maipagkakaila lalo pa sa tuwing naaamoy ko ang aroma nito. But wait… “W-what? B-baka nagkakamali lang po kayo ng hatid. W-wala akong natatandaang order ko ng foods. Saka these are too expensive. W-wala pa akong cash para bayaran ang mga pagkaing ito,” utal na sambit ko. Sana nga nagkakamali siya ng hatid lalo pa at wala akong cash. Sa katapusan pa ang unang sahod ko sa kompanyang ito kaya saan ako pupulot ng perang pambayad ng mga mamahaling pagkain na ito? “Hindi mo na po kailangang magbayad gayong bayad na po ang lahat ng ito,” wika nito sa akin at mula sa pagkain sa aking harapan ay bumaling akong muli sa lalaking staff. “S-sino?” utal kong tanong lalo pa at hindi ko ito inaasahan. “Sorry po pero bilin kasi niyang huwag sabihin. Saan po ba ang iyong mesa?” wika nito sa akin. “O-over there,” turo ko pa sa aking mesa. Wala na akong ibang magagawa pa lalo pa at nandito na ito. Masamang tumanggi sa grasya ngunit ang pinagtataka ko lang ay kung kanino ito galing. Ilang segundo pa akong nakatitig sa pagkain. I even stared even a small detail from it. Wala naman sigurong masamng plano sa likod nito, hindi ba? Safe naman sigurong kainin ang pagkaing ito? The hardest thing for me is to accept an offer from an unknown person. Ilang segundo pa ang lumipas ay wala na akong ibang magawa kung hindi ang galawin ang pagkain sa aking harapan. Dahil sa matinding gutom ay pinili kong isintabi na lang muna ang mga kaisipang pumapasok sa isipan ko. I enjoyed the food, honestly. Wala akong iniwan ni kunting bakas ng pagkain sa mga pinaglalagyan nito kaya sa unang tingin pa lamang ay mapapansin nang sobra akong nagutom at sobrang nag—enjoy sa pagkain. After the meal, I did the usual thing. I check the emails at sinubukan ko ring i-check ang mga papers kahit na alam ko namang tapos ko na iyong gawin. Ayaw ko namang makita ako ni Mr. Montemayor na natutulog lang sa mesa kong ito. Mas mabuti na iyong kung sakaling bigla na lang siyang dumating ay ang imahe kong may ginagawa at hindi ang nakaidlip lang. Ayaw kong isipin niyang binabayaran ako sa kompanyang ito para matulog. I expected Mr. Montemayor to show up ngunit dumako ang alas 4 nang hapon ay hindi pa rin siya bumalik sa kaniyang mesa. Ilang beses na rin akong napatingin sa cellphone ko at baka may message siya doon na nakaligtaan kong tingnan ngunit wala naman. In my two weeks of working here, this would be my first time na hindi ko napansin ang presensya ni Mr. Montemaoyor sa opisina na ito. Minu—minuto kasi ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang bigkasin ang pangalan ko at pangaralan ako. Dakong alas quatro y media at oras na para umuwi. I think that’s all for today. May nagawa na naman akong tama sa araw na ito at iyon ay ang successful meeting kanina. Inaamin kong hindi ako napagod sa araw na ito kaya siguro matinding panibago ang nararamdaman ko. Siguro ay nasanay lang ako sa mga tambak na utos sa akin ni Mr. Montemayor nitong nakaraang araw. Bitbit ang shoulder bag ko, I walked smoothly towards the exit. Akmang hahawakan ko na sana ang door knob nang nauna itong bumukas. Mr. Montemayor’s image surprised me. Dahil sa matinding gulat na nararamdaman ay napanatili akong nakatayo na animo’y bigla na lamang nawalan ng malay ang buong katawan ko, na animo’y napawalang gana ang daloy ng dugo mula sa aking mga ugat. “S-sir? B-bakit ngayon ka lang?” ang unang katatagang lumabas sa aking bibig. Hindi ko rin mawari kung bakit iyon ang kusang binitawan ng aking bibig. Sa halip na sagutin ang tanong kong iyon ay nanatili lamang na nakatingin sa aking mga mata si Mr. Montemayor. He’s taller than me kaya kailangan ko pang iangat ang aking paningin upang makita nang buo ang kaniyang ekpresyon. He’s looking at my face seriously na animo’y may katatagang nakakubli sa likod ng kaniyang ekspresyon. “Are you waiting for my presence Miss Fuentes?” tanong nito sa akin. Kaagad akong napaiwas ng tingin lalo pa nang naproseso ng aking isipan ang binitawan niyang salita na iyon. Damn him! Ano ba ang nasa isipan niya at parang binigyan pa niya ng kahulugan ang bungad kong tanong sa kaniya. “Uuwi na po ako,” wika ko nang hindi nakatingin sa kaniyang mga mata. Tapos na naman ang trabaho ko at sa pagkakaalam ko ay wala na akong pending task sa araw na ito kaya wala nang dahilan upang manatili pa ako sa opisinang ito. I was about to continue my step nang marinig kong muli ang kaniyang boses. “You’re not leaving yet,” a cold ang baritone voice suddenly wipes away the silence between us. Tuluyan na akong huminto sa paghakbang. Hindi na ako naglakas loob ng iangat muli ang aking paningin sa halip ay mas pinili ko na lamang na manatili ang aking mga paningin sa bandang labas nitong opisina. “P-pardon sir?” “Overtime ka ngayon, Miss Fuentes.” Muli niyang sambit kaya sa puntong ito ay naging malinaw na rin sa aking ang lahat. Malinaw na sa akin ang nais niyang mangyari ngunit ang hindi ko lang alam ay kung ano ang kailangan ko pang gawin gayong sa pagkakaalam ko ay tapos na naman ako sa mga trabaho ko. Eh, kung may pinagawa pa pala siya sa akin ay sana kanina pa niya iyon ibinigay at nang matapos ko nang maaga lalo pa at wala naman akong matinong ginawa buong maghapon mula noong natapos ang meeting kanina. “A-ano pa po ba ang gagawin ko, Sir? Buong hapon po akong walang ginawa. Sana po sinabi mo na lang kani—” “Are you questioning my position, Miss Fuentes?” ang seryoso ang malamig na boses niya ang siyang naging dahilan kung bakit ako biglang napatahimik. Kaagad ko ring natiklop ang aking bibig lalo pa at pansin na pansin ko ang boses niyang parang kinokontrol ang buong sistema ko. “S-sorry, Sir.” Wika ko kasabay ang pagtitimpi ko. “Don’t worry, mag—eenjoy ka sa ovetime mo. Ayaw mo n’on? May sahod ka na, nag-enjoy ka pa,” muli nitong sambi. Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan pa ang lumingon sa kaniyang gawi lalo pa at wala akong ideya kung ano ang plano niya at ang anuman ang iuutos niya sa akin sa mga oras na ito. “Come with me,” he possessively said saka nauna nang humakbang sa akin palabas nitong opisina. Wala naman akong ibang magawa pa kung hindi ang sumunod na lamang sa kaniyang mga yapak. Kung ano man ang plano niya ay sana hindi iyon makakasama sa akin. Hindi naman niya suguro ako ilalagay sa kapahamakan at sana hindi mahirap ang ipapagawa niya sa akin. Matino akong nagtatrabaho at ayaw kong masira ang mga pangarap ko. Tahimik na ang buong palapag nang makalabas ako sa opisinaa. Napatingin ako sa aking relos at mula doon ay pansin ko ang oras. Alas singko na kaya siguro wala nang staff na nandito dahil kanina pa sila nakauwi. Dapat ay nasa bahay na ako sa mga oras na ito ngunit wala. Hindi ko nga alam kung ano ang ipapagawa sa akin ni Mr. Montemayor basta sinunod ko na lang ang sinabi niya at iyon ay ang sumunod sa kaniyang yapak. Rinig na rinig ko ang bawat paghakbang namin. The foot steps are so clear in my ears, ganoon katahimik ang buong palapag. Mas lalo lang lumawak ang ilang nang sumakay kami sa elevator. Buong sandali akong tahimik at kailanman ay hindi nagbabalak na magsalita. I let mr. Montemayor decides this time. Basta susunod na lamang ako sa kung ano man ang nais niya. “Get in the car,” napahinto ako mula sa paghakbang. Nilibot ko ang aking paningin at huli na nang mapansin kong nasa parking lot pala kami sa mga oras na ito. And what just he said?! Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon kaya mula sa paglilbot ng tingin sa kabuuang parking lot ay bumaling ako sa kaniyang atensyon. This time ay nagsimula na siyang buksan ang pinto ng kaniyang kotse at hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. “Sa isang business meeting ba ang tungo natin, Sir?” kunot noo kong tanong. The heck! Hindi ako sasakay ng isang kotse kung hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan. Baka kung saan-saan lang niya ako dadalhin, mahirap na. Hindi kaagad siya sumagot sa tanong kong iyon. Nanatiling nakatuon ang aking atensyon sa kaniyang mukha kaya malinaw na malinaw mula sa aking mga mata ang bawat pagtiim ng kaniyang panga. “Something like that. Just act like you are in business. Basta sumama ka na lang sa akin and don’t ask more questions, okay? Don’t worry, I can pay you doubly or even triple…” wika nito at siya pa mismo ang nagtulak sa akin papasok sa kotse.’ Sa ginawa niyang pagtulak sa akin papasok ay wala na akong ginawa pa kung hindi ang sapilitang pumasok sa loob. Damn him! Sa pagkakaalam ko ay ang pagiging secretary lang ang trabaho ko sa kaniya at hindi ang sunod—sunuran sa kung ano man ang nais niya at isa pa, off duty ko na kaya dapat umuwi na ako at hindi nandito sa sarili niyang sasakyan! The can’s interior is quite surprising. Siguro nagulat lang ako lalo pa at ito ang unang beses kong sumakay sa ganitong mamahaling sasakyan. I them hugged myself tightly dahil sa malamig na temperature na siyang biglang bumungad sa aking pagsakay. It smells good at hindi ako maaaring magkakamali na ang amoy na naaamoy ko ngayon ay ang signature scent ni Mr. Montemayor. It smells manly yet possessive. Parang sa isang amoy lang ay naaalala ko na kung gaano kasungit ang isang Montemayor at kung gaano siya kaseryoso sa anumang bagay. I sitted in front. Tahimik ako hanggang sa makasakay si Mr. Montemayor sa tabi ko at kaagad na ring pinaandar ang sasakyan. Alas singko y media na kaya nang makalabas kami sa parking area ay makulimlim na ang paligid. I roam around using my vision. Mula dito sa loob ng sasakyan ay kitang—kita ko ang maliwanag na daan. Ang mga mall ay sagana sa mga tao at bawat parke na aming nadadaanan ay may masasayang mga bat ana naglalaro. I enjoyed watching the view. Mula sa front seat ng sasakyan ni Mr. Montemayor ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Biglang nakuha ang aking atensyon nang huminto ang kotse. Kaagad rin akong napatingin sa kay Mr. Montemayor saka bumaling sa harapan. “Hindi maaaring ganiyan ang suot mo sa pupuntahan natin. You need to change first,” wika nito sa akin. Sa puntong ito ay tinanggal na niya ang seatbelt sa kaniyang katawan saka kasunod ay lumabas na rin ng kotse. Akmang itutulak ko na sana ang pinto nitong kotse ngunit naunahan niya ako. Siya mismo ang nagbukas ng pinto sa akin. Ayaw kong bigyan ng kahulugan iyon ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang. Damn him! Para saan ba ang mga ito? Nais kong tanungin siyang muli kung saan kami pupunta ngunit hindi ko naman magawa gayong tulad ng sinabi niya kanina ay hindi ako dapat tanong nang tanong kaya nanatili lamang akong tahimik buong sandali. It was a boutique and a salon at the same time. Isang bakla ang bumungad sa amin nang pumasok ako kami doon. Sa akin unang dumapo ang tingin nito ngunit bumaling rin sa kay Mr. Montemayor ilang segundo ang nakalipas. “May ipapaayos ako. Make her representable. Alam mo na ang gagawin mo,” tugon ni Mr. Montemayor sa isang bakla. Kahit na anong nais kong magsalita at magtanong patungkol sa nangyayari ngayon ngunit hindi ko magawa. Mas nanguna pa rin ang takot sa aking sarili at sa bilin ni Mr. Montemayor sa akin kanina. “Noted Sir Axel,” ngiting sambit nito saka bumaling sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Follow me hija,” ngiting wika sa akin saka nauna nang maglakad sa akin na alam kong patungo iyon sa isang room. A room equipped with beautifications surprised me. Hindi na ako nagulat pa ngunit ang kinakagulat ko ay kung bakit kailangan pa itong gawin kung isang business meeting lang naman ang pupuntahan namin. Kung makaasta ay parang isang eleganteng party ang pupuntahan namin ni Sir. “Umupo ka. You can take a nap if you want to. Ako na ang bahala,” wika nito sa akin habang sinimulan na ang pagsuklay sa aking buhok. “Madali lang ito. Hindi naman kailangan ng treatment kung hindi kunting suklay lang.” he continued. “Kilala mo ba si Mr. Montemayor?” walang paligoy—ligoy kong tanong sa bakla. Kung makitungo si Sir sa kaniya ay parang matagal na silang magkakilala lalo pa at parang alam n anito ang gusto ni Sir. Nakuha niya kaagad ang ibig sabihin ni Mr. Montemayor sa isang salita lang. “Oo. Madalas ang pamilya niya dito. Ever since. Ang salon na ito na ang kanilang takbuhan. Wait, you are calling him his surename? Hindi ka niya girlfriend?” ang huling katatagan niya ang siyang nagpapanginig sa aking buong katawan. Ilang segundong naging tahimik ang ikot ng aking mundo. Anong mayroon sa amin ni Sir at napagkamalan niya akong girlfriend niya? Dammit! Hindi ko lubos maisip ang sitwasyon kung sakaling mangyari iyon. “I am his secretary. Why?” tanong ko. Nakatingin lamang ako sa salamin sa harapan ko ngayon kung saan tanaw ko ang repleksyon ng baklang kausap ko ngayon. Hindi siya sumagot sa tanong kong iyon sa halip ay ngumiti siya. Alam kong may mali sa ngiti niyang iyon. “Bata pa lang iyang si Axel ay sa salon na ito na tumatakbo ang kanilang pamilya kung may event na dadaluhan. Kaya kilalang—kilala ko na ang pamilyang Montemayor. Simula kay Lucas at kay Vince hanggang sa lumaki iyang si Axel,” ngiting wika nito na alam kong hindi pa siya tapos sa buong kwentong nais niyang sabihin sa akin. Nagpatuloy siya sap ag—aayos ng aking buhok. Tumingin siya sa salamin at doon tiningnan ang aking repleksyon. “See, hindi ako nagkakamali, kunting kembot lang at maayos na. No wonder Axel got an interest with you,” tugon nitong nakatingin sa repleksyon ko mula sa salamin. Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung ano ang totoong kahulugan sa likod ng mga katatagang iyon. “Wait, kukuha muna ako ng damit na babagay sa ‘yo,” tugon nito sa akin saka kaagad na humakbang papalayo sa akin. Nanatili akong nakatingin sa salamin. Sinubukan kong balikan muli ang mga katatagang binitawan ng bakla kanina ngunit hindi ko talaga iyon maiintindihan. Sa sinabi niya ay parang may nais siyang sabihin sa akin. “Wear this glittered red fitted dress,” kaagad nitong sambit saka inilapag ang dress na tinutukoy niya sa aking harapan.. “Kilala mo ang mga Montemayors?” tanong kong muli. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko makuha ang sagot sa tanong ko. “Yup. Jillian, Lucas’ wife once became a secretary too,” wika nitong siyang nagpapalawak pa ng aking kuryusidad. Gagang baklang ito! kung ano—ano ang sinasabi, hindi ko naman naiintindihan! “A-ano ang ib—” “Shhh. Isuot mo muna ang damit mo. Baka mapagalitan ako ni Axel kung buong magdamag pa tayong magkukwentuhan dito,” bara nito sa akin saka siya na mismo ang nag—abot ng kulay pulang dress. Tinanggap ko naman iyon saka nagtungo sa isang room kung saan ko iyon susuotin. I fiited the dress. Hindi ko inaasahan ang naging resulta. Sino ba ang mag—aaakalang ang pagiging secretary ko ay mauuwi sa ganito. Sana ay maitawid ko nang maayos ang gabing ito… Nang bumalik kami sa lobby ay unang bumungad sa aking paningin si Mr. Montemayor. Hawak lamang niya ang kaniyang cellphone ngunit nang mapansin ang aking imahe ay kaagad rin itong bumalik sa kinatatayuan ko. Napaiwas kaagad ako ng tingin ngunit tanaw na tanaw ng aking peripheral vision ang tingin ni sir mula sa aking paa pataas na animo’y pinagtuunan ng pansin ang aking tindig. “Sir? Saan ba tayo pupunta? Bakit kailangan ko pang magsuot nang ganito?” sa puntong ito ay naglakas—loob na akong magtanong muli sa kaniya. Hindi maaaring hindi ko malaman ang totoo naming pupuntahan. Hindi siya sumagot sa tanong ko sa halip ay inalalayan lamang niya akong makasakay muli sa kaniyang kotse. Hindi niya kaagad iyon pinaandar sa halip ay muli siyang bumaling sa akin. “Hindi ba business meeting ang pupuntahan natin? Why should I need to wear this dress? It is too formal for my position sir,” wika ko sa kaniya habang nakatingin sa sarili kong katawan. Hindi ko maiwasang mailang sa suot ko ngayon. Hindi lang ako sanay sa ganitong imahe. The dress is a bit sexy. Open ito sa harapan kaya nakikita ang cleavage ko same goes with my back. Kaya nga nang sumakay ako sa kotse ay mas lalo ko lamang naramdaman ang matinding lamig mula sa pang—itaas kong katawan. Pinaandar niya ang kotse. Mula sa aking mga mata ay ibinaling niya ang kaniyang paningin sa daan na alam kong naghahanda para sa pagmamaneho nitong kotse. “We are not attending to a meeting, Miss Fuentes. Not even in a business meeting. Stop asking further questions, I’ll pay you triple times with your salary in return,” mahina ngunit malutong na boses ang kaniyang pinakawalan. Humugot ako ako ng malalim na hininga bago ko napansin ang dahan—dahang pag-usad nitong sasakyan. Dammit! Saan niya ako dadalhin? Kung hindi ito business realated, eh ano?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD