Sandra’s POV
NAKANGITI akong nakaharap sa salamin. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang repleksyon. Hindi ako makapaniwala sa naging tindig ko ngayon. Ibang-iba ito sa mga araw na nakasanayan ko. I wasn’t expected this moment lalo pa at simula nang makarating ako sa trabahong ito ay wala akong ibang natanggap kung hindi ang mga pangaral sa akin ni Mr. Montemayor at wala nang iba pa. Mag—isang linggo na rin ang lumipas nang natanggap ako sa kompaniyang ito ay inaaamin kong hindi naging madali sa akin ang makitungo sa kay Mr. Montemayor. Ni hindi ko alam kung susundin ko bang talaga ang mga utos niya o hindi. Ngunit wala akong magawa lalo pa at siya naman ang may mas malaking posisyon sa kompanyang ito kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang sumunod sa anumang nais niya.
Tiningnan ko ang imahe ko sa salaaming kaharap ko ngayon. Mula ulo hanggang paa ay hindi ako makapaniwalang may mas gaganda pa pala ako. The dress is not that elegant nang tingnan ko ito kanina ngunit mas bumagay naman ito nang isuot ko.
“Matutuwa si nanay nito kapag nakita niyang ganito ang suot ko ngayon,” ngiting sambit ko at kasabay ng pagsambit kong iyon ay ang paghugot ko ng aking cellphone mula sa aking bag at hindi ako nag—aalinlangang buksan iyon at kaagad na nagtungo sa camera.
I smile while taking photos at different angles in my body. Kahit saang Angulo kong itapad ang aking camera ay hinding—hindi ko maipagkakailang talagang maganda ang imahe ko ngayon at taliwas sa imaheng nakasanayan ko.
“Miss Fuentes? Are you done?” mabilis kong tinago ang hawak kong cellphone saka iyon inilagay sa aking bulsa saka humarap sa banda ng pintuan.
The lady earlier welcomes me. “Sabi ko na nga ba, e. Babagay sa ‘yo ang damit na pinili ko. I can’t believe it, mas maganda ka pa sa mga model dito sa kompanya. Walang dudang ikaw ang pinili ni Sir—”
“Time is running, buong hapon na lang ba kayong magkukuwentuhan dito?” kaagad na napatigil ang babae nang kaagad na balutin ng tinig ni Mr. Montemayor ang buong silid. Kaagad rin kaming napatahimik.
“Lumabas ka sa kuwarto, manang Linda.” The cold baritone voice ecoed the whole room. Hindi ako nakagalaw.
Nang mapansin ko ang paggalaw ni manang ay kaagad rin akong sumunod doon ngunit kaagad rin akong napahinto nang marinig ko ang muling pagsasalita ni Mr. Montemayor.
“Si Manang Linda lang. Hindi ka kasama Miss Fuentes,” wika nitong naging dahilan ng panginginig ng aking binti.
Dammit! Ito na naman siya!
I heard a couple of steps from manang linda. Habang papalabas si Manang ay mas lalo namang lumalawak ang ilang sa aking nararamdaman lalo pa at ilang hakbang na lamang nito ay kami na lamang ni Mr. Montemayor ang maiiwan sa silid na ito..
“Lock the door after you leave, manang,” Mr. Montemayor said, I then clench my jaw after hearing those words from him.
“S-sir, a-anong oras po ba magsisimula ang meeting? B-baka late na po ako. Kailangan ko na yatang umalis,” mabilis kong sambit saka akmang humakbang ngunit kaagad rin niya akong hinarang.
“Aalis kang ganiyan ang mukha mo? Mapuputla ang labi at madilim ang mukha. Ayaw kong mapagtawanan ang representative ng kompanya ko sa buong meeting. Minus points iyon sa kompanya. Kaya hindi ka aalis kung hindi mo nabigyang liwanag iyang mukha mo. Baka mapagkamalan kang sakitin doon,” mahinang sambit nito sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Nakaharang pa rin siya kaya walang ibang aggulo ang maaaring tingnan ko kung hindi ang kaniyang imahe sa aking harapan.
Hindi na ako sumagot pa sa halip ay tuluyan na rin akong umiwas ng tingin sa kaniya. Muli akong humarap sa salamin at pinag—aralang mabuti ang aking mukha.
Kailangan pa bang maglagay ng makapal na make—up at lips stick?
Marahan kong kinuha ang liptint mula sa aking bag lalo pa at iyon lang naman ang mayroon ako. Malay ko bang mas importante pa pala ng buhay ko ang mga iyon?
Matapos ang ilang minuto ay tinitigan ko nang maigi ang aking mukha. Hindi naman nagkakamali si Mr. Montemayor. Tama siya, ngayon ko lang napansing mas may-ililiwanag pa pala ang aking mukha.
Ilang saglit pa at inipon ko ang natitirang lakas sa katawan ko. Marahan akong humarap sa kay Mr. Montemayor saka tiningnan siya sa kaniyang mga mata. Hindi sa aking mga mata unang nakatuon ang kaniyang mga tingin kung hindi sa akin labi. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko lalo pa at ilang segundo rin siyang nakatitig doon.
Dammit! Hanggang kailan ba ako makakaramdam nang ganitong klaseng ilang habang kaharap siya?!
“Good. It looks better than earlier. Okay na iyan. Good luck sa meeting mo. I don’t want to hear bad feedbacks from the client. Basta sinabi ko na sa ‘yo ang kailangan mong gawin, Miss Fuentes.” Wika nito sa akin. Hindi na niya hinintay pa ang magiging sagot ko sa halip ay siya pa itong unang lumabas sa silid at nang tuluyan na itong makalabas ay saka pa ako nakahinga nang maluwag.
Damn that man!
Hinintay ko munang tuluyang mawala sa aking paningin si Mr. Montemayor bago ako gumalaw. Humugot ako ng malalim na hininga at ilang saglit lang ay kaagad ko ring sinilip ang aking relos. It is already 9:30 at alas dyes ang sinabing meeting. Media oras na lamang bago magsisimula.
Kaagad na rin akong dumiretso sa silid kung saan gaganapin ang meeting. May nakasabay pa ako sa elevator na alam kong may kinalaman din sila sa gaganaping conference ngunit hindi ko na iyon pinansin. Nang makarating sa mismong palapag ay kapansin—pansin ang tahimik dito. Taliwas sa mga staff. Alam kong private ang palapag na ito at mukhang exclusive lang for business meeting as well as for VIP staff in the company.
Hindi na ako nagpaligoy—ligoy pa, sa room 12 ang tungo ko gayong iyon naman ang natatandaan kong sinabi sa akin ni Mr. Montemayor. Pagkarating ko doon ay tahimik ang buong silid. Isang malapad na silid ang bumungad sa akin. Sa harapan ay makikita ang projected presentation. Marami pa ang bakanteng upuang kaya alam kong hindi pa lahat ang nandito.
Hindi ko maiwasang mailang nang pumasok ako sa silid lalo pa at hindi ko inasahang makuha ko ang kanilang atensyon. Sa akin kaagad nakatuon ang paningin ng bawat tao dito sa silid. Pinilit kong huwag silang pansinin at labanan ang matinding ilang na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako sanay sa ganito lalo pa at hindi ko maiwasang isipin na malalaking tao sa industriya ng business ang mga nandito habang ako ay hindi man lang nakalahati sa kanilang posisyon at isang representative lamang.
Literal na wala akong alam. Hindi ko alam kung ano ang magiging fllow sa meeting mamaya at kung ano ang gagawin at sasabihin ko buong oras o kung makikinig lang ba akong buong sandali.
I turned my vision around. Ngayon ko lang napansin na lahat pala na nandito ay mga lalaki. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o ano. Kaya pala pansin na pansin nila ang pagdating. Hindi ko alam kung maging masaya ba ako lalo pa at sa pagtuntong ko pa lang ay nakuha ko kaagad ang kanilang atensyon o maiilang at baka hindi ako makasabay sa usapan mamaya.
It looks like a mens talk. Para akong nasa usapan ng lalaki at nakikisawsaw lang kaya hinding—hindi ko maiwasang mahiya at kabahan.
“I guess everyone is here. Shall we start the discussion?” nakuha ang atensyon ko at ng mga lalaking kasama ko ngayon nang magsalita ang MC. Dumako ang aking atensyon sa harapan. Nakapresent na ang first slide ang presentation sa harapan. Inayos ko ang aking pagkakaupo at pinilit na pakalmahin ang sarili at piniling huwag mahalata ng maraming kinakabahan ako at hindi komportable sa lagay ko ngayon.
Naging matahimik ang buong silid saglit bago lumipat ang slide. Mula doon ay nakasulat ang mga tips gayong iyon naman ang nakasulat sa heading.
“Let’s start first with some tips in handling a business before proceeding in our pannel discussion,” wika nito saka tumingin sa slide sa wall. “When handling a business, every second is money. Every second is equals to a decade. Kaya walang dapat na nasasayang.” Huminto siya saglit. Mula sa screen ay tumingin itong muli sa amin. “You can make every minute count by taking advantage of automation to increase your efficiency. You can use apps and programs to record timesheets, track your inventory, manage your money, and more. Productivity apps can automate your to-do list, making it easier to keep track of urgent tasks and plan out your busy days. Ibig sabihin, gawin mo ang lahat mapdali lamang ang trabaho. Malaking tulong iyon. Anyway, lagi naman natin iyang naririnig bawat business seminars kaya hindi dapat pagtuunan ng pansin.” Pagpapatuloy pa nito.
Hindi ko maiwasang mapaisip matapos marinig ang mga katatagang binitawan ng speaker sa aking harapan ngayon. Ngayon ko lang napagtantong lahat pala ng ginawa ni Mr. Montemayor ay para lamang sa ikakaayos ng kompanya.
“Now, let me ask you one question,” kaagad ring tumingin ang speaker sa amin. Kaagad rin akong napaiwas ng tingin lalo pa at ayaw kong makuha niya ang aking atensyon.
Dammit! Hindi pa ako handa sa ganito! Hindi ko alam kung ano ang magiging tanong niyang iyon at mas lalong hindi ko alam kung paano iyon sasagutin.
“In managing a business with a small amount of time given, how will you handle it in making sure every single minute is productive?” tanong nito habang ako naman ay nakaiwas ng tingin sa kaniya.
Hindi ko kailanman pinagtuunan ng pansin ang speaker sa aming harapan. Walang akong balak na tumingin sa kaniya. Basta tanging nais ko lamang sa mga oras na ito ay sundin ang nais ni Mr. Montemayor at iyon ay ang sumali sa meeting na ito at after that, nothing will change. Babalik at babalik na ako bilang secretary niya na parang walang pinagdaanan.
“Miss? Can i have your attention for a while?” mas lalo lang nanginig ang aking mga tuhod nang kasunod kong marinig ang katatagang iyon mula sa speaker.
I don’t know who is he talking about pero sa pagkakaalam ko ay walang ibang babaeng nandito kung hindi ako lang kaya alam ko na kaagad kung para kanino ang tanong niyang iyon at kung sino ang tinutukoy niya.
Malamang, ako.
Dammit! Hayop na Mr. Montemayor na iyon. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi na sana ako nahihirapan pa nang ganito! Secretary ang ina-apply-an ko dito at hindi ang pagiging CEO mismo sa kompanya. Sa ginawa ko ngayon ay parang ako ang nagmamay-ari ng buong Montemayor’s INC.!
“P-po?” ang unang katatagang nabitawan ko nang tuluyan na rin akong nakaharap sa speaker. Sa mga mata niya unang dumapo ang aking paningin ngunit ilang segundo lang ay kaagad ko ring nilibot gamit ang aking paningin ang buong silid. Huli na rin nang napagtanto kong sa akin nakatuon ang kanilang atensyon.
“Please give her a round of applause. Hindi n’yo ba napapansin? Siya lang ang tanging babaeng nandito and we have the saying ‘ladies firsts.” ngiting sambit nito sa buong audience.
Napakagat ako ng sarili kong labi. Ilang segundo akong nag—iisip kung ano ang magiging sagot ko sa tanong na iyon.
“Kung kunti lang ang oras...” napahinto ako. Siguro wala namang maling sagot dito, hindi ba? Kaya malaya kong sabihin ang mga bagay na naranasan ko na dati. “Para gawing productive, kailangan strikto sa lahat ng bagay. You and your staff must have a good communication. Alam naman nating hindi kayang gawin ng nag—iisang tao lamang ang gawain sa kompanya. Kaya para sa akin, mas mabuting maganda ang koneksyon ng isang CEO sa kaniyang mga staff. Kailangan mabait ang CEO sa kaniyang mga staff at nang hindi na mahirap para sa kaniya ang makiusap kung may kailangan. Hindi naman nabubuhay ang isang kompanya kung walang staff, hindi ba? A good and outstanding manager must know how to put thierselves on thier staff’s shoes.” Sa walang pag—aalinlangan ay kaagad kong binitawan ang mga katatagang iyon. Sinabi ko lang naman ang anong naranasan ko at walang halong plastikan!
Ilang segundo lamang ang lumipas at huli na nang malaman kong tahimik ang buong silid. Hindi ko alam kung anong mayroon sa sinabi kong iyon at kung bakit sila natahimik. Pati ang speaker ay ilang segundo pang nakatingin sa akin bago nakapagsalitang muli.
“What’s your name again, Miss?” tanong ng speaker sa akin.
“Sandra. Sandra Fuentes. A representative from Montemayors Inc.” Sagot ko.
“Oh, you are from Montemayors! Magaling!” masiglang sambit nito saka mabilis na bumaling sa iiba pang audience.
“Miss Fuentes got the big point. As she said, hindi magagawa ng isang CEO kung wala ang mga staff. In accordance to the topic, good communication from the CEO towards theier staff is a good way to establish a succesful business. Ngayon alam n’yo na! Dapat mahalin n’yo ang mga staff n’yo dahil sila ang nagsisilbing treasure sa bawat kompanya.” Sambit nito. Bumaling rin siya sa akin. “Thanks for sharing a such wonderful idea, Miss Fuentes. Kung hango man iyon sa totoong buhay, nawa’y magkaroon na ng pagkakaintindhan ang staff at CEO na tinutukoy mo,” ngiting sambit nito saka bumaling muli sa harapan at nagsimula na ring magsalita para sa kasunod na tatalakayin.
The discussion went smoothly. Mula noong nasagot ko nang maayos ang tanong kanina ay kahit papaano ay naibsan ang ilang na aking nararamdaman. Kahit papaano ay hindi na ako nag—aalinlangan pang makihalubilo sa kanila. Ginawa ko ang nararapat. Kahit papaano ay nagawa ko na ring makibagay sa kanila. May mga oras na hindi ko alam kung ano ang pinag—uusapan nila lalo pa kung tungkol sa profit shares ng isang business at may ibang computation pa na hindi ko naman maiintindihan ang ibang terms na ginamit. Wala akong ibang ginawa buong sandali kung hindi ang magkunwaring expert at may maraming alam sa kompanya.
Tumagal ng mahigit isang oras na discussion. Nang natapos ang meeting ay hindi kaagad ako nakalabas lalo pa at maraming business personnel ang nagpakilala sa akin. I made a multiple of handshakes at lahat sila at masayang nagpakilala sa akin.
Ilang minuto pa at akmang lalabas na sana ako ng silid nang mapansin ko ang isang boses na siyang nagpapatigil sa akin. A man is calling me with my sure name. Dahil doon ay kaagad rin akong napahinto at muling humarap sa harapan kung saan galing ang boses na iyon.
“I am Enzo, the CEO of EMS Hotel, a 4th Class hotel in the city. Nice meeting you, Miss Fuentes,” ngiting sambit nito sa akin. Siya ang speaker kanina at hindi ko inakalang siya pa talaga ang unang lalapit sa akin para makipagkilala.
Ngumiti ako saka napatingin sa kamay niyang lang segundo na ring hinihintay ang pagtanggap ko.
“Sandra Fuentes,” ngiting sambit ko at hindi na nagbitaw pa ng anumang katatagang gayon hindi ko naman alam kung ano pa ang sasabihin ko.
“You did a comprehensive discussion earlier. Sa ilang beses kong magkaroon ng business meeting with some business owners and representatives, kanina lang ako napahanga nang husto. Hindi ko inakalang may ganito ka ganda at talinong staff pala ang kompanya ng mga Montemayor,” ngiting sambit nito sa akin na siyang nagpapailang sa akin nang husto.
Umiwas ako ng tingin lalo pa at hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga papering binitawan niya.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o magiging malungkot. Maging masaya dahil hindi ko inasahang kaya ko pa lang makihalubilo sa mga taong successful tulad ni Enzo o magiging malungkot dahil hindi naman talaga ito ang mundong ginagawalan ko at taliwas sa trabahong dapat na ginagawa ko.
“Salamat.” Mahinang sagot ko.
“Nais kong makilala ang CEO ng kompanya mo. Pasalamat siya at isang maganda at matalinong representative ang ipinadala niya dito. Can you make an appointment for me?” seryosong sambit niya.
Hindi ko maiwasang maging masaya sa puntong ito. Alam kong magiging masaya ang kumang na lalaking iyon sa oras na nalaman niyang matagumpay ang mga pangaral na bilin niya sa akin kanina.
“S-sure. Sasabihin ko kay Mr. Montemayor.” Sambit ko nang may halong ngiti sa aking labi.
“Good to hear that. I am looking forward for your company, Miss Fuentes and meeting you again for the second time.” Tugon nito saka nauna nang maglakad papalabas nitong silid.
Hindi kaagad ako nakagalaw. Hindi ko na napansing ako na lang pala ang nandito sa silid. Ilang segundo pa at tuluyan na rin akong lumabas. Mabilis ang naging pagbalik ko sa opisina. It is 11:45 in the morning at umaasa akong nasa opisina pa si Mr. Montemayor at nang maipamukha ko sa kaniya ang magandang balitang nangyayari sa meeting kanina.
“How is it?” hindi ako nagkakamali nang iniisip, ang unang boses niya ang kaagad na bumungad sa akin. Napahinto ako at bumaling sa mesa ni Mr. Montemayor. Kakapasok ko pa lamang sa opisina at kung makatanong siya at parang ako talaga ang inaabangan niya.
The CEO of EMES Hotel wants to have a discussion with you ASAP,” ang unang katatagang bungad ko sa kaniya.
Matinding gulat ang kaagad na bumalot sa kaniyang mukha. Kaagad itong tumayo habang nakatingin lamang ang atensyon sa akin. Dahan—dahan na rin akong humakbang papalapit sa kaniyang mesa.
“How did you do it? I mean, Enzo is a hard-to-get business man. Bihira lamang ang taong nakakakuha ng kaniyang atensyon.” Gulat na tanong nito sa akin.
Mula sa kaniyang mga mata ay umiwas ako ng tingin. Mula sa aking ekspresyon ay pinapakita ko sa kaniya ang matinding angas at pagmamayabang.
“Simple lang, Sir…” kaagad akong huminto sa pagsasalita. Mula sa kung saan ay bumaling muli ang aking atensyon sa kaniyang mga mata. Mula doon ay matapang ko siyang tiningnan. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo? Na ganda lamang ang mayroon ako?” mayabang na sambit ko sa kaniya. Sa puntong ito ay inalis ko ang ilang na siyang palagi kong nararamdaman sa tuwing nagkakatama ang aming paningin. Matapang kong nilabanan ang nakakawalang—lakas niyang pagtingin sa akin.
“That is what I did for gaining his trust,” seryosong sambit ko na may bahid pang kaartehan mula sa aking boses. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya at kaagad na rin akong nagpatuloy sa paghakbang patungo sa akin mesa.