Sandra’s POV
“MAGANDA ka lang, Miss Fuentes. Use your beauty to gain more advantage which I think the only reason why you’re here in my company.”
I stayed silent while standing in the same spot as where I am. Alam kong kanina pa nakaalis si Mr. Montemayor sa akin harapan ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang magawa ang gumalaw o kaya ang pumunta sa aking lamesa.
There’s nothing on his statement. Kung tutuusin ay hindi dapat ako natinag sa sinabi niyang iyon ngunit hindi ko alam kung bakit sobra akong nasaktan sa sinabi niyang iyon. Kung bakit parang may humila sa pagkatao ko na animo’y tuluyan nang inapakan ang aking pagkatao sa mundong ito.
Huminga ako ng malalim. Bago pa man makalipas ang ilang minuto ay sinikap ko nang bumalik sa katawan ko ang aking presensiya.
Ganito ba talaga kapag sumailalim ka sa malalaking kompanya. Ito ang trabahong matagal ko nang pinangarap. Ang trabahong pormal ngunit hindi ko inakalang kapalit ng lahat ng iyon ay ang paglunok ko sa sarili kong pagkatao.
Ilang segundo pa at tuluyan na rin akong humakbang papunta sa aking mesa. Sa puntong ito ay kinuha ko ang folder na alam kong si Mr. Montemayor mismo ang naglagay n’on doon. I wonder what this meeting looks like. Kung tulad ba ito ng mga meeting na nakikita ko sa palabas sa TV o hindi. I wonder how it goes at kung ano ang kalakaran sa loob ng meeting.
Kabado man ako ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko. Nandito na ako. Sa ilang taon kong paghihirap. Sa ilang taon kong sumasailalim sa matinding pagsubok at sa ilang beses na matanggal sa trabaho ay ngayon pa ba ako susuko?
Kaya ko ito. Kailangan kong panindigan sa lahat na mali ang sinabi sa akin ni Mr. Montemayor kanina.
I am just a simple secretary at kailangan kong gawin ang anumang iuutos sa akin ng mas nakakataas sa akin.
Napatingin ako sa relos, may isang oras pa naman bago magsisimula ang meeting. Napatingin ako sa mesa ni Mr. Montemayor at huli na nang mapansin kong nakaupo na pala siya doon. Nakatingin lamang ito sa kaniyang monitor ngunit alam kong tanaw niya ako sa puntong ito.
Tiniklop ko ang folder na hawak ko saka tumayo. Akmang magsisimula na sana akong humakbang nang mabilis na bumalot sa aking tainga ang kaniyang boses. Kaagad rin akong napahinto at mas lalo lamang naging mahigpit ang pagkakahawak ko sa folder ngayon na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan ng kabang nararamdaman ko sa puntong ito.
“Where are you going?” tanong nito sa akin na siyang nagpapakunot ng aking noo.
“Pupunta na po sa meeting, b-bakit po sir? Is there anything else I forgot?” tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniyang gawi. Hindi man ako nakatingin sa kaniya ngunit alam kong nakatuon lamang ang kaniyang atensyon sa katawan kong nakatayo ngayon.
“Pupunta ka sa meeting suot ang uniform mong iyan? Do you think paniniwalaan ka ng mga malalaking investors?” naaninag ng aking utak ang natatawang reaskyon niya habang sinasambit ang katatagang iyon.
Hindi ako nakapagsalita sa puntong ito sa halip ay napalunok na lamang ako ng sarili kong laway.
“Wait for a minute. I’ll get something for you. Isang oras pa naman bago magsisimula ang meeting,” mabilis nitong sambit habang pansin ko ang tunog ng kaniyang cellphone na alam kong dina-dial na niya ngayon ang numerong tatawagan niya.
“Bring the most beautiful suit. Dapat iyong pinakamaganda. May bibihisan lang ako,” hindi ko alam ngunit mas lalo lang niyang nilakasan ang kaniyang boses sa huling katatagang binitawan niya. Ayaw ko man ngunit hinding—hindi ko maiiwasang mabigyan iyon ng maling kahulugan.
Dammit! Bakit palagi na lamang akong naiipit sa tuwing nakakausap ko ang lalaking ito? bakit parang palaging may nakahawak sa aking leeg habang kausap ko siya? Kung nakakalimutan lang ang paghinga ay siguro kanina ko pa iyon nagawa.
Ilang segundo pa nang marinig ko ang pagbaba nito sa kaniyang cellphone. Hindi pa rin ako nakaalis sa kinatatayuan ko sa puntong ito.
“Mananatili ka bang nakatayo diyan buong sandali?” tanong nito sa akin na alam ko na ang ibig nitong sabihin.
Dumapo ang aking paningin sa isang upuan sa kabilang sulok nitong silid at akmang pupunta na sana ako doon nang marinig ko na naman ang kaniyang boses.
“Sa harap ko ka umupo. May pag—uusapan lang tayo saglit,” rinig kong sambit nito.
Nanginginig ang tuhod kong tinahak ang daan papunta sa harapan ng mesa ni Mr. Montemayor. I can’t look at his eye kaya nanatili lamang sa baba ang aking paningin.
“You know Mr. Chua, right?” tanong nito sa akin.
“H-hindi pa po,” utal kong tanong nang hindi nakatingin sa kaniyang mga mata.
“Look at me. Ganito ka ba kung makikipag—usap sa isang tao?” wika nitong may bahid na pangaral sa kaniyang boses.
Mabilis na naintig ang aking sarili. Sa puntong ito ay mabilis ko ring naiangat ang aking mga mata saka iyon itinuon sa mga mata ni Mr. Montemayor.
“Good. Eye to eye contact is what matters the most, Ms. Fuentes. It is the heart of every conversation,” hindi ko alam ngunit ramdam na ramdam ko ang lamig sa boses niya habang sinasambit ang mga katatagang iyon.
Hindi ako kumibo. Nanatili lamang ang mga mata ko sa mga mata ni Mr. Montemayor tulad nang sinabi niya sa akin—ang tumingin lamang sa kaniyang mga mata. Alam kong mahirap ngunit kailangan kong gawin ang bawat nais niyang mangyari.
“Through looking at one’s eyes, you can see everything,” he paused for a certain reason. Habang lumilipas ang ilang segundong pagtitigan namin ay parang unti—unting nagbago ang lahat. Isang pakiramdam ang nabuo sa aking sarili na alam kong ako mismo ay hinding—hindi ko magawang ipaliwanag.
“You can feel everything. Sa mata rin makikita ang tunay na ganda ng isang tao.” Sambit nito at sa puntong ito ay parang mas lalo lang naging seryoso ang reaksyon niya sa aking harapan.
Dammit! Ano itong ginagawa niya?!
“But in business, you must focus on reading the opponent’s mind. Did you get it Miss Fuentes?” tanong nito sa akin.
Akmang magbibitaw na sana ako ng katatagan nang marinig ko ang mabilis na pagbukas ng pinto sa silid na ito.
“Sir, here are the dress you want me to bring,” ang boses na kaagad na bumalot sa buong silid.
Sa puntong ito ay tuluyan na rin akong nakahinga nang mas maluwag. Iniwas ko na rin ang paningin ko sa kay Mr. Montemayor ngunit huli na ang lahat. Huli na at sa puntong ito ay tuluyan na rin akong binalot ng matinding ilang at kakaibang pakiramdam sa katawan.