Chapter 2

1043 Words
Sandra’s POV “SA tingin mo? Makakuha tayo ng maraming investors kung ganitong istilo ang gawa mo? I hired you as my secretary not as an apprentice.” Malakas na boses ang pinakawalan ni Mr. Montemayor. Bakat na bakat sa boses na iyon ang galit at inis na halatang hindi nagustuhan ang ginawa kong proposal letter. Napapikit ako nang mapansin ko ang mabilis na pagtapon niya sa pirasong folder. Hindi ko alam kung nakailang beses na akong napagalitan sa loob ng opisinang ito. Kung mahina lang ako at walang pinanghuhugutan ng lakas ay tiyan na matagal na akong lumabas at nag-walk out sa opisinang ito. Sino ba kasi ang may-alam sa ganoon? Hindi ko inakalang trabaho pa rin pala iyon ng secretary! Aba malay ko ba! Mabilis akong naalerto nang mapansin ko ang pagtayo si Mr. Montemayor mula sa inuupuan niyang swivel chair. Muli ay napakagat na naman ako ng aking labi lalo pa nang makita ko ang kakaibang ekspresyon niya. Hinayaan ko siyang lapitan ako. Si God na ang bahala dito. Kung ano man ang gagawin ng lalaking ito sa akin sa loob ng silid na ito ay pinagkaloob ko na sa panginoong diyos ang aking kaligtasan. “Alam mo Miss Fuentes,” hindi nakatuon ang aking atensyon sa kanyang mga mata kaya kahit paano ay hindi ako nakaramdam ng matinding kaba at ilang. Hindi ko man tanaw ngunit alam kong nasa harapan ko na siya at ilang pulgada lamang ang layo ng kanyang bibig sa aking mukha gayong pansin na pansin ko ang bawat hininga niya. “Look at me,” wika nito kasabay ang paghawak sa aking panga saka dahan-dahang inangat ang aking paningin dahilan upang magkasalungat ang aming tingin. Ngumiti ako. Pilit akong napangiti at kahit papaano ay hindi halata ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Ngunit alam kong kahit anong gawin kong pagkukubli ay hindi ko pa rin magawang itago ang pamumutla ng aking lab isa sobrang kaba. Kung naririnig lang ang tibok ng puso ay tiyak na nabibingi na ako sa lakas ng tibok nito ngayon. “Hindi sapat ang ganda lang. Dapat may laman rin dito,” dahan-dahan niyang tinuro ang aking sintido dahilan upang tuluyan na akong nainsulto. Aba! Ang yabang niya! Sa ginawa niyang ito ay parang pinapamukha na rin niya sa akin na walang laman ang utak ko. How could he! He’s just my boss! Even my parents can’t say that to me! Sa puntong ito ay hinawakan niya ang aking kamay. Marahan niya akong giniya papunta sa aking mesa saka ako pinaupong muli doon. “Masuwerte ka at may ganda kang taglay. That would be a good aasset to this company kaya hindi kita kayang pakawalan,” wika nito sa akin kasabay ang paghawak niya sa aking kamay na ngayon ay nasa mouse nitong monitor na rin nakatuon. Dammit! Ano itong ginagawa niya? “Lesson to me. Itatama ko ang mga mali mo.” Mahinang sambit nito sa akin ngunit hindi ko alam kung magagawa ko pa ba ang magpokus lalo pa at napakaraming destructions ang nakapaligid sa akin ngayon. Mahigpit siyang kakahawak sa aking kamay. Ang bibig niya ay sobrang lapit sa aking tainga at bawat hiningang binubuga niya ay nagbibigay iyon ng init at kiliti sa aking leeg. Dagdagan pa ng panlalaki niyang pabango na walang sino mang babae ang hindi makakapansin. “You should give it a space. Para naman hindi malilito ang magbabasa kung parte pa rin ba ito sa paragraph o hindi na.” pagpapatuloy pa nito. Paano ako magbibigay ng space sir kung sobrang lapit mo sa akin? Ni hindi ko magawang magpokus dahil sa hininga mong nakaaagaw pansin. Ilang minuto lang ang lumipas at nakatuon pa rin ang aking atensyon sa monitor. May kung anu-ano siyang binago doon ngunit hindi ko na iyon pansin gayong sa kanya nakapokus ang aking atensyon. “Lastly, you should capitalize my name Miss Fuentes,” sa puntong ito ay ramdam na ramdam ko ang pagdahan-dahang paglapit niya sa aking leeg. Gustong-gusto koong magpokus at pagtuunan ng pansin ang mga katatagang binibitawan niya at ang mga binago niya sa ginawa kong proposal letter ngunit paano ako magpokus kung panay ang paggawa niya ng mga bagay bagay na nagpapailang sa akin. “Napakahalaga ng apilyedo ko, Miss Fuentes. It can change your entire life.” Pagpapatuloy pa nito at sa puntong ito ay tuluyan na akong natauhan sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung magawa ko pa bang magpokus dahil sa sinabi niyang iyon. “Got it? Mark the changes Miss Fuentes. Every time I’ll ask you letters; you should follow this format hindi iyong basta-basta ka na lang nakakagawa. Got it?” “Y-yes po Mr. Montemayor,” ilang segundo ang lumipas bago ako nakapagasalita. Sa puntong ito ay hindi na ako nakapagsalita. Huli na rin nang mapansin kong hindi pa pala niya tinaggal ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa aking kamao. “S-sir? Tapos ka nang magturo hindi ba?” utal na tanong ko lalo pa at kanina pa ako naiilang sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi siya sumagot sa halip ay tinaggal niya ang aking kamay. Ngunit buong akala ko ay tuluyan na siyang aalis sa aking likuran ngunit nagkakamali ako. Mula sa aking kamay ay bumaling siya sa aking leeg. Sa puntong ito ay nasa leeg ko na nakatuon ang kanyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang dahan-dahang paghipo niya doon dahilan upang tumayo ang aking balahibo. “Hindi pa,” mahinang sambit nito. Mula sa aking leeg ay dahan-dahan niyang pinadulas ang kanyang kamay papunta sa aking balikat. Ramdam na ramdam ko mararahan niyang paghaplos niya sa akin. Wala akong naging ibang reaksyon kung hindi ang mapalunok na lamang ng sarili kong laway. Marahan niyang hipo ang takas kong buhok. Mula sa aking balikat ay ramdam ko ang kamay niyang malisyosong humihipo doon. “May meeting mamaya with some investors. Dapat galingan mo. Use your beauty kung kailangan. Akitin mo kung wala nang ibang paraan.” Bulong nito sa akin kasabay ang paghipo nito sa aking dibdib. Hindi na ako nakagalaw pa sa puntong ito. Tuluyan nang nanunuyo ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung tama pa bai tong ginagawa ko sa kompanyang ito. Kung tama pa ba ang pinapagawa sa akin ni Mr. Montemayor…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD