Sandra’s POV NANATILI akong nakaupo sa sofa habang iniisip kung pupunta ba ako sa condo ni Axel o hindi. I know there’s something wrong at ramdam na ramdam ko iyon. Ramdam na ramdam ko ang kakaiba sa mga nangyayari. Ni isang beses ay hindi ko inutusan ni Axel na papuntahin sa isang lugar na hindi niya ako sinusundo. Ni isang beses ay hindi niya ako hinahayaang maglakad sa gilid ng daan o kaya ang makipagsapalaran sa maraming tao sa sakayan. Kaya malakas ang kutob kong may nangyayaring hindi maganda sa kilod ng sinabi niyang papupuntahin ako sa condo niya. Tumayo ako ilang minuto ang nakalipas. Alam kong hindi naman ako makakatulog hanggang hindi ko nasunod ang damdamin ko. Nais kong makita si Axel na okay lang siya. Nais kong makita ng dalawang mga mata ko mismo na nasa mabuting sitwasy