HINDI mapalis-palis ang ngiti sa labi ni DK ng mga sandaling iyon. Alam niyang naasar na sa kanya si Everlee, pero iyon nga ang gusto niya. Gaya noon, nauwi ang pagkaasar nito sa pagmamahal. Magagawa niya ulit iyon. Lalo pa’t red flag na si Ryder dito. Kinapa niya ang bulsa at kinuha ang telepono saka may tinawagan. Pagkatapos na kausapin ito ay iginiya ang sarili sa sariling silid at nahiga. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa kama pero napabangon siya at sumilip sa bintana. Naririnig niya kasi si Everlee at may kausap. Napaangat siya ng kilay nang makita si Ryder sa labas, sa may gate na nakaluhod. Basang-basa ito sa ulan. Ganoon din si Everlee kaya napababa siya at naghanap ng payong. Akala pa naman niya umuwi na si Ryder, aba’y nasa labas pa pala. Ang kapal din ng mukha. Hi