NAPAKUNOT ng noo si DK nang makita sa screen niya ang numero. Pamilyar siya sa numero ni Ryder dahil nakausap na niya ito nang ilang beses, trying to drive him away from Everlee’s life. Pauwi pa lang si DK noon galing ng opisina. Late na nga para sa kanya dahil sa magkabilaang meeting. Wala ang kapatid na si Dixxie dahil sa out of the country nit, kaya siya lahat ngayon. “What?” Halata ang inis sa boses niya. “Have you contacted Everlee today?” tanong nito. Natigilan siya saglit. Pero nang maalala amg report ng tauhan niya ay lalo siyang nainis. “Bakit sa akin ka nagtatanong? If I remember, pinuntahan ka niya.” “So, talagang pumunta siya ritong mag-isa?” “Yes! Sabi niya sa akin kahapon sosorpresahin ka niya.” Hindi niya pinahalatang tauhan niya ang may sabi. Mas magandang isipin ni