“Good morning.” Humikab si Naddie habang nag-iinat-inat at pababa ng hagdan nila. Nakita niya ang mga magulang sa may hapagkainan. “Good morning, anak. Halika na, kain na tayo,” anang ina niya sa kanya. Tipid na ngumiti lang si Naddie sa ina bago lumapit dito. Humalik siya sa pisngi ng ina at ganoon din sa kanyang ama. Civil naman sila ng ama niya. Hindi na sila nakapag-usap ulit tungkol sa nangyari sa kanya. Nevertheless, he is still her dad, so hindi rin naman siya nagtanim ng galit dito. Hindi nga lang din tulad ng dati na sobrang close nila or like palagi silang nag-uusap nito. Yumuko siya at umupo na rin sa tapat ng kanyang ina. Tipid na nginitian lang ulit siya nito. “Kain na tayo,” yaya pa ng mama niya. Tipid na tumango lang si Naddie at nagsimula na nga silang kumain. “Kumu