Naipikit ni Naddie ang kanyang mga mata habang dinadama ang melody ng kanyang ginawang kanta. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Huminga siya nang malalim at saka umayos nang upo. Tiningnan niya ang kanyang music sheet. She couldn’t believe that she was able to do a full song in just one sitting. Hindi niya alam pero sadyang ang bilis ng daloy ng creativity sa kanya noong isinulat niya iyon kahapon. Kanina lang din niya nilapatan ng melody ang kanta at kagaya ng kahapon ay sobrang bilis lang din niyang natapos. “Ang bilis ko namang natapos ito . . .” mahinang bulong niya habang nakatitig sa kanyang ginawang kanta. She couldn’t help but be proud of herself. Ni isa sa mga kabarkada niya ay hindi niya pa iyon ipinakita. Ayaw niya kasi munang sumagot sa mga tanong nila. Tsaka mabilis maka